Chapter 14

4.3K 136 6
                                    

Chapter 14

Safire

"Saf." Tawag sa akin ni Luisa.

"What?" Inaantok na tanong ko. I yawned.

"Puyat ka ba? Kanina ka pa naghihikab."

Umiling ako. Actually, wala akong ginawa kahapon kung hindi matulog pero heto ako ngayon, antok na antok pa rin. I heard pregnant women are like this. Yup, I'm pregnant. We confirmed it yesterday at ang mokong muntik ng magpaparty buti na lang napigilan ko. Sumilip lang ako kahapon kay Cha para makibalita. Hindi ko na rin nahintay si Simone.

"I'm just sleepy." Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho. Ang dami ko ng naipon na trabaho. I think kailangan kong mag-overtime. I wonder kung papayagan ako ni Tristan. Mukhang malabo iyon.

I want strawberry shortcake, iyong galing mismo sa baguio. I took my phone out at sinubukang tawagan si Tristan. May klase siya ngayon pero gusto ko talagang kumain ng strawberry shortcake tsaka gusto ko rin ng ube jam.

"Hello, mahal." Bati ni Tristan.

"Hello. Tristan...uhm...I want to eat strawberry shortcake tsaka ube jam." Sabi ko.

"Sure, I'll buy you later after my class."

"Gusto ko iyong galing ng baguio." Dagdag ko pa.

"Ok, no problem. Iyon lang ba ang gusto mo?"

"Gusto ko rin ng buko pie, iyong galing sa Laguna."

"Hmm...ano pang gusto ng mahal ko?" Malambing na tanong niya.

Napangiti ako. "Wala na, iyon lang. Anong oras mo pala dadalhin iyon dito?"

"I still have class baka mamayang 7pm na ko makarating sa office niyo. Hahanapin ko pa ang mga pinapabili mo."

"Ok. I'll wait for you. Bye."

"Bye, I love you. Huwag ka masyadong magpapagod diyan." Paalam niya.

"Noted po, bye." I ended the call at nakita kong ngiting-ngiti si Luisa.

"What?"

"Nakakakilig kayong dalawa ni Sir."

Napailing na lang ako sa sinabi niya at nagpatuloy sa pagtatrabaho. Isang oras ang lumipas at nakaramdam ako ng gutom. Nagugutom na ko pero wala naman akong gustong kainin kundi buko pie, ube jam at strawberry shortcake. Hindi ko naman magulo si Tristan dahil may klase pa siya. Ano kayang gagawin ko? Nagugutom na ko!

Tristan

Nakangiting ibinaba ko ang cellphone na hawak ko. Mukhang naglilihi na ang mahal ko. Bumalik ako sa klase na naghihiyawan na ang mga kaklase ko.

"Anong meron?" Tanong ko.

"Walang pasok. Hindi daw papasok si Ms. Castro." Aniya.

Napangiti ako sa balita. Sakto! Pwede ko ng ibili si Safire ng mga pagkaing gusto niya. Kinuha ko ang bag ko.

"Let's party, guys!" Yaya ni Dennis

"Hindi ako pwede." Tanggi ko.

"Bakit? Lagi ka na lang wala sa galaan."

"Kailangan kong puntahan ang girlfriend ko." Hindi ko na sila hinayaan pang makaalma. Umalis na ako at pumunta sa tindahang alam kong mabibili ko lahat ng gusto ni Safire. Pagkatapos kong makabili ay dumiretso ako sa Alca Corp. hindi ko sinabing wala na akong pasok. I want to surprise her pero ang sayang naramdaman ko ay bahagyang nawala nang makita kong kumakain na siya ng strawberry shortcake. When she saw me she gave me a cheeky smile.

Lumapit ako sa kaniya at humalik sa kaniyang labi. Iilan lang ang taong natira dito dahil break nila. "What are you doing here? Di ba may klase ka pa?" Tanong niya.

"Hindi daw papasok ang prof namin. Sorry to keep you waiting, dala ko na iyong mga pagkaing gusto mo."

Nagningning ang kaniyang mga mata. "Open the ube jam for me then slice a piece of buko pie."

"Ok."

"Thank you." Aniya. Pumunta ako sa pantry para magslice ng buko pie at binuksan iyong ube jam kapagkuwan ay bumalik na sa cubicle niya.

Binitawan niya iyong shortcake at kinuha iyong dala ko. She scooped some ube jam using a spoon at inilagay iyon sa buko pie. I chuckled because of that. She's really pregnant.

"Say ahhh..." Utos niya sa akin.

Tatanggi sana ako pero naalala ko na masamang tumanggi sa buntis. I opened my mouth. Napangiwi ako. Yuck! Ube jam and buko pie is not a good combination.

"Nagutom ka ba kaya bumili ka na?" Tanong ko.

Tumango siya. Kumagat siya ng buko pie. "Dapat sinabi mo sa akin na nagugutom ka para mas binilisan ko. Next time sabihan mo ko, ok?"

Nakangiting tumango siya. "Buti na lang dumating ka, nagugutom na si baby." Bulong niya.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi. Hinaplos ko ang kaniyang tiyan. "I'm excited to see our baby."

"Ako rin kaya lang kinakabahan ako."

Siguro kinakabahan siya sa panganganak. Alam kong masakit iyon.

"Our parents..." She sighed. "Iyong nanay ko ni hindi niya alam na may boyfriend ako at medyo kinakabahan ako na sabihing I'm already pregnant. Sigurado kakalbuhin niya ko." She said jokingly.

"Haharapin ko ang magulang mo, Saf. You don't need to worry dahil pananagutan kita." I assured her.

She smiled. "I know pero kinakabahan pa rin ako. Iniisip ko rin ang magiging reaksyon ng daddy mo lalo pa at napakabata mo pa para magkaroon ng anak."

"Hindi na ako bata." Medyo inis na sabi ko. Hanggang ngayon pa ba nakikita niya ako bilang isang bata? Kaya ko na ngang gumawa ng bata eh.

"Basta, if ever magkaproblema and my mother asked you to marry me huwag kang papayag."

Doon na kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Ayaw mo kong pakasalan?"

"Hindi naman kaya lang masyadong mabilis. We just met. Oo, noong una magkakilala na tayo pero ilang buwan pa lang talaga tayong magkasama. Ayokong magpadalos-dalos kasi kasal iyon, ayokong dumating ang panahon na pareho nating pagsisihan ang mga naging desisyon natin ngayon." Kalmado niyang paliwanag. "Isa pa, ayokong magpakasal dahil lang magkakaanak na tayo."

"Sa---"

"Huwag mo na akong kontrahin." She told me with a smile. Kinuha niya ang kamay ko at dinala sa kaniyang dibdib. "Let's take it slow, Tristan. If you love me then love me, ipakita mo and I promise you I won't leave you. Kasal man o hindi, I won't leave you for as long as you want me by your side."

Sa halip na kumontra, I found myself nodding. How can I resist her? She's too beautiful at isa pa sapat na iyong pangako niya na hindi niya ako iiwan. Sapat na iyon...sa ngayon.

"Ok." I encircled my arms around her and then kissed her head.


Goodnight 😊😊

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now