Chapter 31

3.9K 146 16
                                    

Chapter 31

Safire

Hindi ako umuwi. After the coffee shop incident ay dumiretso ako sa bahay ko. Nagkulong sa kwarto. I was there crying my heart out. Hanggang sa kumatok si Philip.

"Saf, open the door. You can talk to me." He said. Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon. Pumasok siya sa kwarto na may dalang ice cream.

Umupo siya sa sahig at sumandal sa kama ko. Ganoon rin ang aking ginawa. He handed me the ice cream at nilantakan ko naman iyon.

"What happened?"

"Akala ko mahal pa rin niya ako. Umasa ako kaya ako nasasaktan ngayon." I said sadly. Hindi ko napigilan ang mga luhang lumandas sa aking pisngi. Binitawan ko iyong ice cream at binaon ang aking mukha sa aking mga hita. "Buntis iyong babae. Magkakaanak siya sa ibang babae at ang sakit-sakit. Ang tapang-tapang ko pa naman kanina kasi kahit na nawala ako ng walong taon feeling ko lamang pa rin ako kasi may anak kami. May Hanan kami." Iyak ko. "The way he looked at me...disappointment, anger, lahat-lahat na. Natatakot ako, Philip. Natatakot ako na bukas makalawa ibabalita na lang sa akin ni Hanan na magkakaroon na siya ng bagong nanay. Na magpapakasal si Tristan and I...I will be left alone. No family, no---" I sobbed then looked at him. "Natatakot ako na tuluyan silang mawala sa akin. I want to fight pero paano? Ako ang unang sumuko. Ako ang unang tumalikod sa kanila."

Isinandal niya ako sa kaniyang dibdib. "You should tell them the truth, Saf. No matter what the result will be. You should tell them the sacrifices you made for them to live."

"Paniniwalaan ba nila ako? Would they believe na kaya ako nagpakasal sa'yo ay dahil papatayin sila ng ama ko?"

"If they don't then come back to me. This time marry me for real." Aniya dahilan para mabigla ako.

Bahagya akong lumayo kay Philip para titigan siya. He has a small smile plastered on his face. "Be my Duchess." He said with a serious tone.

Hindi ko alam ang isasagot ko. Be his Duchess. Ano bang ibig niyang iparating?

"Joke." Bigla niyang sabi sabay tawa. Doon pa lang ako nakahinga ng maluwag.

"D*mn you!" Mura ko sa kaniya. Akala ko kung ano na.

"I was just joking, Saf but if Tristan doesn't believe you then it's his loss and maybe that time you should move on."

Sumandal ako sa balikat niya. "How's Grey?" Pag-iiba ko ng topic.

"He misses you."

"I miss him too."

"He wants you back to Spain."

"I can't pero bibisitahin ko siya."

"He's coming tomorrow."

"Really?!" Iyong lungkot ko ay nabawasan dahil sa balitang iyon.

"Yes so cheer up."

Isa sa mga hiling ko noon ay ang magkakilala sila Grey at Hanan. Maybe tomorrow is the right time."Thank you, Philip."

----**----

"Mommy!!" Napangiti ako nang lumabas si Hanan mula sa school. We are in school kaya ako ang mommy niya dito.

Sinalubong niya ako ng yakap at halik. "I miss you po. Akala ko umalis na po kayo. Bakit po wala kayo kahapon?"

"Sorry, baby. May ginawa lang si mommy." Pinapasok ko siya sa sasakyan. I texted Tristan na ako na ang susundo kay Hanan, hindi naman siya nagreply so I assumed na ok ang sagot niya. Ngayon rin kami magkikita ni Grey. Ipapakilala ko ang mga anak ko sa isa't-isa. Though Grey is not my biological son he is still my son. Iyon rin ang alam ng buong mundo.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now