Chapter 11

5.2K 175 8
                                    

Chapter 11

TRISTAN

"Tristan, halika na." Yaya sa akin ni Danielle

"I have to go."

"Ha?" Tanong niya. "Hindi ka papasok?"

"No." Sagot ko.

"Pero may report ka."

"I don't care." Kanina ko pa kino-contact si Safire pero hindi niya sinasagot at alam kong galit siya based sa text niya sa akin.

"Sino ba 'yang kanina mo pa tinatawagan?"

"Girlfriend ko." F*ck! She just said I love you and I just want to confirm it pero hindi naman niya ako sinasagot.

"May girlfriend ka, dude?" Tanong ni Oscar sa akin. "Kailan mo ipapakilala?"

"Hindi ko ipapakilala sa'yo baka landiin mo at mapatay kita." Seryosong sagot ko. I know how flirt this man is. "Aalis na ko."

"Hindi pwede! May report tayo, di ka pwedeng umalis." Ani Danielle. "Isang oras lang naman ang klase natin siguro makakapaghintay pa naman ang g-girlfriend mo."

"Danielle is right, dude. We can't risk it, damay ang buong grupo."

Napabuntong-hininga na lang ako. Isang oras na lang naman at pagkatapos ay aabsent na ako sa susunod na mga klase ko. An hour later, I immediately went to Alca Corp only to find out na wala naman pala si Safire.

"Where is Safire?" Tanong ko sa kaibigan niya, I think her name is Luisa.

"H-hindi ko po alam, Sir bigla na lang po siyang umalis."

"Umalis? Saan daw pupunta? Sa birthday party ba?"

Mabilis siyang umiling. "Hindi po, Sir kami po sana ang makakasama ni Safire pero bigla na lang siyang umalis, emergency daw po." She looks uneasy! Kaya alam kong may alam siya.

"Emergency? Anong emergency daw?"

"Hindi po sinabi eh, n-naiwan nga po niya iyong cellphone niya." I looked at her intently alam kong may alam pa siya, inabot niya iyong phone at kinuha ko naman.

"Tell me what you know kung ayaw mong mawalan ng trabaho."

"P-pero, Sir wala po---"

"Hindi ko na ulit uulitin ang sasabihin ko kaya makinig ka, tell me what you know."

She's fidgeting but I don't care. "K-kasi po narinig k-kong may kausap si Saf sa p-phone." Alam kong may kausap siya dahil dalawang beses nagbusy ang kaniyang phone. "S-simone po ang pangalan tapos umalis na siya, sinundan ko siya kasi naiwan niya iyong phone niya at nakita kong may sumundo sa kaniyang gwapong lalake."

Nagtangis ang aking bagang. What the hell?! Saan siya pupunta?! Anong gagawin niya kasama ng lalakeng iyon?! Is she cheating on me?! Saf, will not do that to me. She loves me, she said she loves me! But what if that I love you was not meant for me?! D*mn!

I looked at her phone and tried to open it, natatandaan ko ang passcode niya. I checked her phone, iyong last na katawagan niya ay si Charity. Who the hell is Charity? Simone daw ang tumawag kay Safire.

Tinawagan ko si Charity gamit ang cellphone ni Saf pero walang sumasagot noon kaya napagdesisyunan ko na lang pumunta sa apartment niya, hindi ako makapasok doon so I stayed in my car and while I'm there wala akong tigil sa pagtawag kay Charity.

"Answer the d*mn phone and tell me where my Safire is!" Sabi ko. Nakailang tawag na ako, kahit limampu yata nakatawag na ako pero hanggang sa abutin na ako ng gabi ay walang dumating na Safire. Kahit noong pagkagising ko kinaumagahan ay wala pa rin siya. Ni hindi ko napansin na nakatulog na pala ako.


Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now