Chapter 16

4.3K 126 4
                                    

Chapter 16

Safire

"How about this?" Pakita niya sa akin ng mga feeding bottles.

"I'll breastfeed, Dy. Hindi kailangan ng baby natin iyan at lima na iyong nabili natin noong nakaraan." He puts the feeding bottles back on the shelves. Malaki na ang tiyan ko, I'm 5 months pregnant and we still don't know kung anong gender ni baby. We want it to be a suprise.

"How about a pacifier?" Tanong niya.

"Sure, pick the blue one." I told him meron na rin kami niyan pero dahil cute iyong pacifier ay pumayag ako.

Kinuha niya iyong pacifier na blue at pink. "Bakit dalawa?"

"We still don't know our baby's gender. Naghahanda lang ako and I have a hunch na babae ang baby natin."

"He's a he." Sabi ko. Feeling ko lalake ito, I feel so ugly eh sabi kasi nila kapag daw babae blooming ang mommy.

"Babae iyan, ate muna bago junior."

Tinampal ko siya. "Anong ate muna bago junior? Kita mong hindi pa ako nanganganak may balak ka na agad sundan?"

He laughed. "Sampu ang gusto ko, My. Kaya dapat taon-taon buntis ka."

Nanlaki ang aking mata. "Anong sampu?! Tatlo lang!"

Hinalikan niya ako sa pisngi. "Pag-iisipan ko muna." Aniya. Sinimangutan ko siya. "Love you, My. Punuin natin yung mga kwarto sa bahay?"

"Heh! Twelve ang kwarto doon sa bahay mo."

"Bahay natin." Pagtatama niya.

I smiled at him. "Oo na po. Later punta tayo sa ospital, bibisitahin ko si Charity tsaka papacheck-up na rin kami ni baby."

"Sure."

"Tama na siguro ang mga ito." Puno na iyong cart namin, isa pa sobra-sobra na ang gamit ng baby namin. Masyado lang OA si Tristan, nagpapanic buying yata ang mokong. Maternity dress lang dapat ang bibilhin namin but we end up buying some baby stuffs.

We went to the cash register para bayaran ang mga binili namin. Kukunin ko sana iyong pinakamagaang paper bag pero naunahan ako ni Tristan. "Bawal kang magbuhat ng mabibigat." Paalala niya.

I rolled my eyes. Hindi naman mabigat iyon eh. Nang makapagbayad siya ay kumapit ako sa kaniyang braso habang naglalakad natatakot kasi akong madapa.

"Hindi ka ba napagod?"

"Medyo." Madali kasi akong mapagod ngayon since bumibigat na itong tiyan ko. Lagi rin akong gutom. Minsan nga naguiguilty na ko kasi para sinasayang ko lang iyong ilang taon kong pagdadiet ngayon at nagiging excuse ko itong pagbubuntis ko para kumain ng marami but I don't want to deprive myself naman from eating baka katayin ako ni Tristan.

"Gusto mo bang magpahinga muna? Do you want to eat?"

"Uwi muna tayo bago pumunta ng ospital. I'm kinda sleepy."

Tumango siya. "Ok."

Lumabas kami sa mall at doon ay hinintay namin iyong sasakyan namin. Tristan hired a driver para kapag daw umaalis kami ay magkatabi pa rin kami sa backseat. Ayoko kasi sa front passenger seat kasi maiipit iyong tiyan ko so he hired a driver for that very reason. O di ba ang hilig magsayang ng pera ng lalakeng ito di porket mayaman pero infairness kinilig ako ng very light.

We went inside the car and I made myself comfortable. Nasa likod iyong mga pinamili namin kaya komportable kami sa loob ng sasakyan. Umusog siya ng konti sa pwesto ko, he wrapped his arms on my shoulders at isinandal ang aking ulo sa kaniyang dibdib. Lagi niyang ginagawa ito lalo pa kung alam niyang pagod ako and I find this gesture sweet.

"Are you comfortable?"

Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko gamit ang kaniyang kanang kamay sabay halik sa likod noon. "I can't wait to see our baby."

"Huwag ka masyadong excited baka lumabas talaga ito ng maaga, ikaw din." Pananakot ko sa kaniya.

"Baby, stay put ka muna. You still have 4 months to go. Excited ako but I want you to be healthy." Aniya.

I giggled. After that ay natahimik kami, I was busy listening to his heartbeat. "Gustong-gusto mo talagang naririnig iyong pangalan mo no?" Biro niya.

Natawa ako sa sinabi niya. "Dy,"

"Hmm?"

"I want to meet your parents." Sabi ko. Ilang beses na niya akong inaaya na ipakilala sa parents niya pero hindi ako pumapayag, nahihiya kasi ako lalo na kay Sir Jaime.

"Talaga?"

Tumango ako then I looked up to see his handsome face. "Yes."

"Are you sure? Baka pikutin na talaga niyan kita." Sabi niya.

"Siraulo." Pabiro kong sabi. "Anyway, sana maging kamukha mo iyong baby natin para gwapo o maganda. Kapag babae panigurado magmumukha siyang manika. Isasali ko siya sa pageant." Kung maganda lang ako talagang sasali ako sa mga pageant na iyan kaya lang late bloomer ako sabi ng mga kaibigan ko. Noong nagdalaga kami lahat ng mga kaibigan ko biglang ganda ako walang pinagbago pero infairness medyo gumanda-ganda na ko ngayon.

"Mas gaganda siya kung magmamana siya sa'yo. Kita mo baliw na baliw ako sa kagandahan mo." Sabi niya at kinilig naman ako pero di ko pinakita. Kapag si Tristan talaga ang pumuri sa akin gandang-ganda ako sa sarili ko. I'm so lucky to found someone like him. Akala ko sa teleserye at pocketbook lang nag-eexist ang lalakeng tulad niya.

I sighed lovingly. "This is perfect. You are perfect, Dy."

"I'm not but we are. We are perfect for each other. I love you." Bulong niya. "Please don't break my heart, Saf." He whispered begging.

"As long as you don't break my heart, Dy. I won't break yours." I told him.

Can't wait for Friday hahaha. Name for a baby girl or boy?

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now