Chapter 17

3.8K 124 12
                                    

Chapter 17

Safire

8 years later...

"Milady, we have arrived." Tumingin ako sa labas ng bintana. I waited my butler to open the door and once it was opened, I stepped down.

I looked at the tall building. Alcantara Corporation.

How I miss this place. Pinayungan ako ni Zone. "There's no need for that." I told him na ikinatango lang niya. Nag-umpisa na akong maglakad papasok ng Alca Corp. "Wait for me here." Utos ko. Pumasok ako sa Alca Corp., puno ng kaba ang dibdib ko. After 8 years magkikita kami uli at parang gusto kong maiyak. I miss him, I miss them. Tuloy-tuloy ako sa elevator at nagpapasalamat ako dahil ako lang mag-isa. Nanginginig ang tuhod ko. Natatakot ako.

I went to the CEO's office. It's his new office and I'm very proud of him. Ilang taon na ang lumipas at lalong lumaki ang Alca Corp.

When the lift opened, huminga ako ng malalim. I need to do this. I want to do this.

"Good morning, Ma'am. How may I help you?" Tanong ng isang babae na tingin ko ay sekretarya niya.

"Hi. Is he around?" I asked.

"Do you have an appointment, Ma'am?"

"I do. I'm Safire Rosietti."

"My boss is currently busy, Ma'am. Are you willing to wait?"

"Sure." Umupo ako sa waiting area. Paupo pa lang ako nang bigla bumukas ang pinto sa kaniyang opisina. Lumabas doon ang isang babaeng nakapula, a sexy woman in red. She was giggling. I saw Tristan's arm. Hinila niya pabalik iyong babae and God knows what he did to her bago niya pinakawalan ang babae. "See you later, baby. I'll wait for you." Malanding sabi ng babae.

Nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. No, Saf! Tumigil ka! Wala kang karapatang masaktan! Compose yourself! Huminga ako ng malalim at nang makasakay na iyong babae sa elevator ay doon lang ako tumayo.

"Sir, Ms. Rosietti is here." Imporma ng sekretarya niya.

"Let her in." Rinig kong sabi niya. Ni hindi ko pa nakikita ang kaniyang mukha.

Dahan-dahan akong pumasok sa office niya. He was there, sitting on his chair. Tuluyan akong pumasok sa opisina niya at habang palapit ako ng palapit sa kaniya ay hindi ko maiwasang hangaan ang kaniyang anyo. Mas gumwapo pa siya. He looks so handsome and manly. Hindi ko magawang ngumiti all I can do is be amazed on how he look and how I miss him.

"Ms. Rosietti, I'm declining your proposal." Aniya, ni hindi man lang niya ako pinaupo.

Gusto kong mapangiwi pero pinigilan ko ang aking sarili.

"Why?" Tanong ko.

"I don't need to explain."

"It's a golden opportunity, Tris---"

"Don't." He said. "Hindi kita kaano-ano para tawagin mo ako sa pangalan ko." Ramdam ko ang galit sa kaniyang boses. Hindi siya sumisigaw pero damang-dama ko iyon.

Gusto kong maiyak. Hindi ko naman ginusto eh pero wala akong choice.

"Mr. Alcantara, this is a golden opportunity. You can't miss this." Giit ko.

"Ayoko. My decision is final. I. Am. Declining. You."

I looked at him, kita ko ang galit sa kaniyang mga mata. Namimiss ko na iyong tingin niya na puno ng pagmamahal. "Fine. Good day, Mr. Alcantara."

Tinalikuran ko siya at akmang lalabas sa opisina nang biglang bumukas ang pinto. I saw a beautiful girl, the prettiest I've ever since. Hindi ko na napigilan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. My daughter!

"Daddy." Nilampasan niya ako at doon tuluyang nadurog ang aking puso. Ni hindi man lang niya ako kilala. Sabagay ilang buwan pa lang siya noong iwan ko siya.

"My princess, how are you?" Malambing na sabi ni Tristan.

"I'm fine po. How about you po?" I want to look, I want to see them pero may karapatan ba ako? May karapatan pa ba ako? Kaya kahit gustong-gusto ko silang tignan ay naglakad ako palayo. This is my punishment from leaving them.

Nang makalabas ako sa building ay sinalubong ako ni Zone. "Are you fine, milady?"

Tumango ako at pumasok sa sasakyan. Doon ako umiyak ng tahimik. A lot happened, mga bagay na hindi ko ginusto. But even if I could turn back time, I will still choose the decisions I made for the past 8 years.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now