Chapter 29

3.7K 139 7
                                    

Chapter 29

Safire

Three days tatlong araw ng umaalis tuwing gabi si Tristan. Hindi ko alam ang ginagawa niya pero sigurado akong nagkikita sila ni Sara. Tatlong araw na rin siyang hindi pumupunta sa kwarto ko. Hindi ako nagtatanong. Well nagtanong ako once tapos ang sagot niya "None of your business"  kaya ayun napahiya ako. I never ask question ulit. Hindi ko rin siya kinakausap. Busy rin naman ako dahil sa paghahanda ko sa meeting naming magkakapatid. Tapos ngayong gabi nag-aayos ako para sa pagkikita namin ni Philip. Hindi na ako nagpaalam dahil alam kong aalis rin naman siya. I heard him.


I put a light make-up and wore a Versace dress. Nang matapos na ako ay pinuntahan ko si Hanan sa kwarto. Napangiti ako ng makitang tulog na siya. I kissed her temple kapagkuwan ay lumabas na sa kwarto niya. Napatigil ako sa pagbaba ng hagdan nang makasalubong ko si Tristan.


Kunot na kunot ang kaniyang noo. "Where are you going?"


"May pupuntahan lang ako saglit. Ikaw hindi ka ba aalis?"


"Aalis."


Tumango lang ako. "I'm going." Lalampasan ko na sana siya nang pigilan niya ako.


"You didn't answer my question. Where you going? Sinong kasama mo?"


"None of your business." Sagot ko. Kita kong natigilan siya. O ano ngayon? Pahiya ka no? I rolled my eyes then left him. Naiinis ako sa kaniya. Inis na inis. Lumabas ako. I saw Zone with a car.


"Milady,"


"Let's go." Sabi ko sabay sakay sa sasakyan.


Dinala ako ni Zone sa isang restaurant. I saw Philip. He went to me then hugged me.


"I missed you."


I smiled. "Sorry, I don't miss you." Sabi ko na sinundan namin ng tawa.


Pinanghila niya ako ng upuan. Iilang tao lang ang nandito. Three tables lang ang okupado.


"Zone, join us."


Umupo si Zone sa tabi ko. "My brothers are here." Umpisa ko.


"I know. They want the money."


"And it's mine." The truth is I don't want it pero ayoko ring mapunta sa kanila ang pera at kompanya. Iyong mga illegal business ng tatay namin ay ibinigay ko kay Kuya Calvin. Siya ang bubuwag noon ng paunti-unti. He's ruthless but he has a heart unlike the others.


"I called you to back me up on Friday."


"So you called me because you just need me. Wow! I feel so used." Aniya na akala mo ay talagang nasaktan sa sinabi ko.


I made a face. "Just be with me on Friday. I need you and Zone."


"You know I can't say no to you."


I smiled. "Thank you."


Biglang tumayo si Zone. "Excuse me."


"Where are you going?"


"Comfort room."


"Ok." Sabi ko na lang. Naiwan kaming dalawa ni Philip saktong dumating naman iyong pagkain na mukhang inorder na niya ahead of time.


"How are you, Saf?"


"I'm ok. I'm with my daughter."


"Zone told me that you are playing as the nanny."


Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now