Chapter 26

3.7K 161 16
                                    

Chapter 26

Tristan

"Anong problema ng mag-ina mo?" Oscar asked.

I just tsked. Parehong nakasimangot ang dalawa dahil bigla ko na lang silang pinahatid dito sa opisina ko. Ni hindi ko sila binigyan ng pagkakataon na makapagbihis ng maayos na damit. They are both still wearing their pajamas.

"I look horrible." They both said. Gusto kong matawa pero hindi ko ginawa.

"Ano ba kasing gagawin namin dito?" Tanong ni Safire sa akin.

"Oo nga, Daddy. It's so boring here. Tita Saf said she will teach me how to bake." Reklamo ni Hanan.

Seconds later they both yawned. Napangiti ako. I could watch them all day. Lumapit ako sa kanila. "I have a room. Pwede kayong matulog doon." Sabi ko.

"Buhat." Sabay nilang sabi at sabay rin nilang itinaas ang kanilang kamay. They laughed. Oscar laughed too and so did I.

Dahan-dahan tumayo si Safire. "Si Hanan na lang ang buhatin mo." Sabi niya. Binuhat ko papunta sa extended room si Hanan at hiniga pagkatapos ay binalikan ko si Safire na naabutan kong nakikipag-usap kay Oscar.

"Nice to see you again, Saf. Lalo kang gumanda."

Safire laughed. "Thank---Ay!" Napahiyaw siya nang bigla ko siyang buhatin at dinala sa kwarto.

"Rest now." I said then left them.

Binalikan ko si Oscar. He's flirting with my Safire! "Pucha! Kamukha mo iyong anak mo pero kaugali ng nanay." Bungad niya.

"Get out."

"Bakit? May irereport pa ako sa'yo."

"Leave now bago pa kita ibato sa bintana." Inis na sabi ko.

"Selos ka no? Don't worry, babe sa'yo lang ako." Sabi pa ng loko-loko. Madilim ang aking mukha noong palapit ako sa kaniya pero bago ko pa siya tuluyang maabot ay tumakbo na siya palabas.

Nag-umpisa na akong magtrabaho but before I start I made a mental note na pagsabihan si Manang na huwag magpapasok ng kung sino-sino sa pamamahay ko ng walang permiso ko. Hindi zoo ang bahay ko para may makapasok na unggoy na manliligaw pa sa ina ng anak ko.

"Sir, Ms. Sheila is here." Sabi ng sekretarya ko makalipas ng ilang oras.

Napakunot ang noo ko. Anong ginagawa niya dito? Bumukas ang pintuan ng opisina ko at iniluwa noon si Sheila.

"Hello." Bati niya.

"Anong ginagawa mo dito? Hindi kita ipanatawag."

Lumapit siya sa akin at yumakap. "Namiss kita. Hindi mo ba ako namiss?" Mabilis akong kumawala sa yakap niya. Nasa malapit lang ang mag-ina ko! Alam kong tulog sila pero malay ko ba kung bigla na lang silang magising at makita dito si Sheila.

"Umalis ka na."

"Why?! Kadarating ko lang. I missed you, babe." She said with a hint of seduction. She then hugged me again. Iyong mas mahigpit. Pilit naman akong kumakawala.

"Will you stop---!"

"Daddy!" Napatigil ako at napabaling sa kakagising na si Hanan.

"Oh, hello Hanan. Do you remember me?" Ani Sheila. Pinakawalan niya ako at sinubukang lumapit kay Hanan pero tumakbo ang anak ko papunta sa nanay niya.

"Tita! Tita! Si Daddy may kasamang mangkukulam!" Rinig kong sigaw niya.

F*ck! Magigising si Safire! Hinabol ko si Hanan buti na lang at naabutan ko siya. "Ti---" Tinakpan ko ang bibig ng anak ko. Inilabas ko si Hanan sa kwarto.

"Sshh..."

Tinanggal ni Hanan iyong kamay ko sa bibig niya. "Daddy! Isusumbong kita kay Tita Saf! May naghahug sa'yo!" Sigaw ng anak ko sa akin.

"Manang-mana ka talaga sa nanay mo." Napapailing na sabi ko. Ganitong-ganito rin ako sigawan ni Safire kapag galit siya.

"Sabi ng mommy ko mana ako sa'yo!" What?! She knew?! "Sabi niya kamukha kita kahit siya iyong gusto kong kamukha!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. "Sshh! Baka marinig ka niya." Binalingan ko si Sheila. "Umalis ka na."

"Pero---"

"Just f*cking leave!" Inis na sabi ko. Nakita ko ang takot sa kaniyang mukha. Not a second later ay nakaalis na siya.

Ibinaba ko sa mesa si Hanan at napahilot sa aking sentido. "How did you know?" Tanong ko sa kaniya.

My daughter rolled her eyes. "I saw her picture."

"Pumasok ka doon?" Ang tinutukoy ko ay iyong forbidden room. Doon ko nilagay lahat ng larawan at gamit ni Safire. No one is allowed to go there. Even the maids lalo na ang anak ko.

She nodded. "I told you not to go there!"

"I was curious po kasi. Sorry." She reasoned.

D*mn! All along my daughter knew her mother.

"Listen to me. Hindi niya pwedeng malaman na alam mo na."

"Bakit po?!"

"Basta!"

Hanan pouted her lips. "B-bakit mo po ako sinisigawan?" She sob.

I sighed. Napaka-iyakin talaga ng anak ko. "I'm not mad." Inalo ko siya. "Promise me na hindi mo sasabihin sa kaniya na alam mo na." I will lose my grip on her once she knew that Hanan still loves her despite of what she did. "Ayaw mong umalis siya, hindi ba?"

"Opo."

"Then do what I said. Huwag matigas ang ulo."

"Kanino po ba ako nagmana ng katigasan ng ulo?"

"Syempre sa mommy mo."

"Mamaya tatanong ko kay mommy kung sino ang mas matigas ang ulo sa inyo."

"Hindi ka naniniwala sa akin?"

"Hmm...ewan po."

"Who do you love more?" Tanong ko.

She smirked. "Sino po bang mas love niyo sa amin ni Mommy?"

"Ikaw." Sagot ko.

She smiled sweetly. "Daddy inaantok pa po ako. I want to sleep." Malambing na aniya

I carried her to the room at itinabi sa mommy niya. I also want to sleep kaya tinanggal ko iyong sapatos ko at humiga sa tabi ni Safire.

"Daddy," Mahinang boses na tawag niya sa akin.

"Bakit?"

"Sabi mo mas love mo ko. Bakit si mommy iyong nakagitna eh ako naman iyong baby niyo?"

Pinanlakihan ko siya ng mata baka biglang magising si Safire. "Huwag kang magulo, Hanan. Sleep now."

My daughter giggled. "Good night, Daddy." Kasabay ng pagpikit ng kaniyang mata ay ang pagyakap ko sa kaniyang ina.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now