Chapter 30

3.9K 155 31
                                    

Chapter 30

Safire

"Oh, Ms. Sara what are you doing here?" Bungad ko kay Sara nang makita ko siya sa labas ng opisina ni Tristan. She's waiting in the waiting area.

"Mrs. Alcantara,"

I smiled hearing those words from her. Misis Alcantara that only means one thing hindi pa sinasabi ni Tristan ang totoo kay Sara. Napapaisip tuloy ako is she really Tristan's lover like what I've thought?

"Sara, can I call you Sara?"

"Of course."

"Call me Safire. We don't need to be so formal since magkaklase naman ang mga anak natin." I said with a sweet smile. "Eden, does she have an appointment?" Tanong ko sa secretary ni Tristan.

"None, Ma'am."

"Too bad but since I'm your fan I think I can let my husband spare a minute for you." I said with a naughty grin. Masaya ako ngayon syempre after what happened last night though hindi pa sinabi ni Tristan iyong three magic words the fear I saw last night was enough for me.

"If he's busy, tayo na lang ang mag-usap. Since ikaw ang asawa ni Tristan mas mabuti kung ikaw ang unang makaalam nito." She said sweetly. I almost rolled my eyes.

"Sure. Let's grab some coffee?"

"I know a place." She said.

"Eden, kindly inform Tristan that I was out with Sara."

"Ok, Ma'am."

"Thanks." Nauna akong naglakad papunta sa elevator. We went to the nearest coffee shop. Mukhang lagi dito si Sara dahil kilalang-kilala na niya iyong mga waitress. We ordered, isang cheesecake at isang americano ang inorder ko habang siya ay iyong the usual daw. Our food arrived at doon ko na siya kinausap. Nasa mood akong makipagtarayan. Iyong pang-teleserye.

"So anong dapat kong malaman?" Panimula ko.

"One hundred thousand pesos layuan mo si Tristan." She said.

Tinaasan ko siya ng kilay. Naka-drugs ba siya?

"I know you are not Hanan's mother and of course not Tristan's wife." Bigla siyang tumawa. "At first akala ko talaga ikaw ang ina ni Hanan but then Tristan told to me before na wala na ito. Hanan did this before. Last year, she brought a lady at ipinakilala niya sa lahat na nanay niya iyong babae but it turns out na yaya lang pala niya ito sabagay the woman has a face." She said followed by a chuckle. "At ikaw, you are not so bad. May hitsura ka but then I know you are just a nanny." She sighed. "I actually pity that child dahil lumaking walang ina."

Konting-konti na lang maibubuhos ko ns itong umuusok na kape ko sa pagmumukha ng babaeng ito but then I know to play a game. I grinned. "Do you have the money now?"

Kita ko ang pagngiti niya. Maganda siya pero nakakabwisit iyong mukha niya. "Ibibigay ko sa'yo bukas ang pera."

"Ten million." Sabi ko sabay inom ng kape.

Natigilan siya. "What?"

"I want ten million pesos."

"Ten million pesos?! Are you nuts?! Yaya ka lang pero kung makapagdemand ka akala mo kung sino ka."

Doon ako natawa. She looked like a raccoon. Nawala iyong class niya. "Hindi mo ko kayang bigyan ng sampung milyon? How about I give you that amount at hinding-hindi ka na magpapakita sa akin at sa mag-ama ko?"

"Nagpapatawa ka ba? Yaya ka lang! Paano ka magkakaroon ng sampung milyon?!"

I dialled Zone number. Ni-loudspeaker ko iyon.

"Milady," He said on the other line.

"I need some cash."

"How much?"

"Ten million."

"Ten million dollars?"

"No, silly. Pesos. I need ten million pesos. I'll text you the address."

"Ok, milady. I'll be waiting."

"Bye." I said then ended the call. "So how's that? Do we have a deal?" Nakakalokong tanong ko.

"Hindi ako naniniwala sa'yo! Isa ka lang yaya! Sabi ni Linda ay yaya ka lang ni Hanan kaya imposibleng magkaroon ka ng sampung milyon."

Linda the labandera. I rolled my eyes. "Safire that's my name. You should ask Tristan who I really am. Hindi iyong nakikinig ka lang sa kung sino-sino."

"I am Tristan's lover. Alam kong huwad ka."

"F*ckbuddy. Not his lover." Madilim kong sabi. I don't care kung may nangyayari sa kanila. Tristan is mine.

"I am not his f*ckbuddy. Mahal ako ni Tristan! And you are just a nanny! Yaya na kinasabwat ng malditang batang 'yon! Maldita na nga napakasinungaling pa dapat sa kaniya ay tinuturuan ng leksyon. Lumalaking walang modo at sinungaling."

Doon nagpanting ang aking mga tenga. My hand automatically found a glass of water at ibinuhos iyon sa kaniya. She was shocked. "Don't you dare talk about my daughter that way!"

"How dare you! Hindi mo ba ako kilala?!"

"I don't f*cking care who you are but you should care who I am! Ako ang hindi mo kilala kaya huwag mo akong subukan! If I said I am Hanan's mother I AM her mother at kapag sinabi kong akin si Tristan AKIN lang siya!" Nanggagalaiti sa galit kong sabi. This woman doesn't know who I am. "Don't you dare test me, Sara hindi mo alam kung paano ako magalit at sa susunod na may marinig akong masamang salitang lumabas diyan sa bibig mo tungkol sa anak ko asido na ang isasaboy ko sa retakada mong mukha!"

My phone beep. I received a message from Tristan. "My husband is here to pick me up. Good day, Ms. Sara I hope na hindi na tayo magkita kahit kailan."

Tatayo na sana ako ng bigla niyang gulihin ang kaniyang buhok dahilan para mapakunot ako ng noo. After that ay pinagsasampal naman niya ang kaniyang sarili. "Tama na! Please tama na! Nasasaktan ako. Please." Iyak niya.

Anong trip ng babaeng ito? Napatayo ako nang pasaldak itong humiga. "Please naman, hindi ako lalaban sa'yo! Please tama na. Parang-awa mo na!" Pasigaw niyang iyak.

Napasimangot ako nang magets ko ang kaniyang ginagawa. "Papalakpak na ba ako?" Taas ang kilay na tanong ko.

Nakarinig ako ng mga yapak. Tumayo siya sa harap ko. "Ano bang kasalanan ko sa'yo? I just want to talk to you bakit kailangan mo akong saktan." She said and then the door opened. It was Tristan. "Tristan!" She cried. Yumakap siya kay Tristan.

Pumasok si Tristan at sinarado ang pinto dahil mukhang nakaagaw na kami ng pansin dahil sa sigaw ng babaeng ito.

"Anong nangyari?" Bahagya niyang inilayo si Sara sa kaniya na kapit-tuko.

"H-hindi ko alam. N-nag-uusap lang kami tapos bigla niya akong sinabunutan at pinagsasampal. Binuhusan niya ako ng tubig."

I tsked. Magaling na artista. Tristan looked at me as if he was disappointed. "Didn't you know that she's pregnant?! Makakasama sa bata ang ginawa mo!"

Doon ako napatanga. She's pregnant?! He got this woman pregnant?!

Anger rushed through my veins. I bit my lower lip to contain it. Nakuyom ko rin ang aking mga palad.

"Wala akong ginawa." Mariin kong sabi.

"Liar! Binuhusan mo ako ng tubig tapos ay pinagsasampal mo ko."

"Binuhusan ko siya ng tubig dahil iyang walanghiyang babaeng 'yan kung ano-ano ang sinasabi niya tungkol sa anak ko!" Singhal ko. Lumapit ako sa dalawa. "And about the slap." Bigla ko siyang sinampal ng malakas. Nagdugo ang kaniyang bibig. "B*tch! That's how I slap." I said then left them.


Enjoy 😘

Idée Fixe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon