Chapter 3

7.8K 236 8
                                    

Chapter 3



SAFIRE



Sa inis na nararamdaman ko ay nagsuot na lang ako ng bra sa harap niya at ang walanghiya ay kitang-kita ang ebidensya na na-aarouse siya habang siyang-siya sa panonood.



Kinuha ko ang puting bestida na nagustuhan ko infairness ang ganda ng fit.



"You look beautiful, baby." Tumayo lahat ng balihibo ko ng bigla niya akong yakapin mula sa aking likuran. "But you look more beautiful when you're naked." He whispered mabilis akong kumawala sa kaniya.



Ang manyak-manyak talaga ng batang 'to! Dahan-dahan akong lumabas sa walking closet niya ng marinig ko ang ringtone ko, kinuha ko ang phone sa bag ko and my eyes widened when I saw Ma'am Carol's number.



"Hello, ma'am." I used my sweetest voice.



"Where are you, Safire?! Ang sabi ko agahan mo, di ba?"

Nailayo ko ang cellphone sa tenga ko dahil sa lakas ng boses ni Ma'am at nakita ko kung anong oras na. Sh*t! Malapit na akong ma-late!!



"Malapit na po ako, ma'am sandali lang po!" Natatarantang sabi ko.



"Bilisan mo ngayon na darating ang anak ni Mr. Alcantara baka mauna pa siya sa'yo! Kebago-bago mo pa lang ay late ka na!"



"Opo, opo ma'am! Malapit na po talaga ako." Mabilis kong ibinaba ang phone ng patayin ni ma'am ang tawag.



Dahil sa taranta ko ay nagpaikot-ikot ako sa kwarto, sh*t! Di pa ko naliligo! And I don't know where I am!



"Anong ginagawa mo?" Naguguluhang tanong niya.



"Where am I? I need to go to work. Ihatid mo ko, please." Pakiusap ko, sh*t! Sana pumayag siya.



"Sure." Sagot niya.



"Thank you."



"Ihahatid kita pero maliligo muna ako." Aniya na ikinaawang ng labi ko. Maliligo pa siya? Pero malelate na ako!



"Pwede bang mamaya ka na maligo? Malelate na ako."



"I just need ten minutes, baby after that I can take you wherever you want." Wika niya sabay talikod sa akin, pumasok siya sa isang pinto na tingin ko ay banyo.



Nagdadalawang isip ako kung maliligo rin ba ako, buong araw ako sa office at ngayon pa lang ay nakakaramdam na ako ng panlalagkit. I bit my lower lip when something came up to my mind. Wala namang kaso kung makisabay ako, di ba? Nakita naman na niya lahat pero...



Saf! Sasabay ka lang! Ayaw mo naman sigurong humarap sa mga katrabaho at boss mo na nanlalagkit at mabaho, di ba?



Pikit-matang naghubad ako ng damit, tinira ko iyong panty ko at nanginginig na pumasok sa banyo. I saw him naked under the shower---nagsasabon, I saw how beautiful his body is ngayon ko lang napagtuonan ng pansin ito dahil bwisit na bwisit ako sa kaniya kanina. Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi. D*mn! Ano bang ginagawa ko? Mamaya na lang ako maliligo! Aalis na sana ako ng bigla siyang tumingin sa direksiyon ko mukhang nagulat siya sa bigla kong pagsulpot.



"U-uhm...pwede ba akong makisabay?" Awkward na tanong ko.



"W-what?" Tila hindi makapaniwalang wika niya.



"S-sasabay na ako, p-pwede ba? Nagmamadali kasi talaga ako."



Kapalan mo na ang mukha mo, Saf! Malelate ka na eh tapos susungalngalin ka ni Ma'am Carol ng sermon. Huwag ka na lang tumingin sa baba baka matuklaw ka ng ahas!



Lumapit ako sa shower kung nasaan siya lalo akong nakaramdam ng kaba ng hindi ito gumalaw. Binilisan ko na lang ang kilos ko. "T-tapos ka na sa s-sabon? Pwedeng pahiram?" Sabi ko dahil hanggang ngayon ay hawak niya iyong sabon.



Tumaas ang sulok ng labi at iniling-iling ang ulo na parang ngayon lang siya nahimasmasan. Inabot niya ang sabon sa akin at habang nagsasabon ako ay may tumatamang matigas sa bandang balakang ko. Sh*t ka, Saf! Ano ba 'tong pinasok mo?!! Mas binilisan ko ang kilos ko and viola wala pa yatang tatlong minuto e tapos na ako.



"Bilisan mong maligo!" Mataray kong sabi para pagtakpan ang kabang aking nararamdaman.



Mabilis akong lumabas sa banyo at pumasok uli sa walking closet, mabilis ang bawat galaw ko at ganoon rin naman siya dahil wala pang isang minuto na pumasok ako sa walking closet niya ay pumasok na rin siya para magbihis.



Nang matapos na kami sa pagbibihis at pag-aayos ay hinatak niya ako sa garahe niya and there I saw a lot of cars, luxury cars to be precise.



"Dito mo ako isasakay?" Pambihira! Ang dami-daming kotse dito at sa motor niya ako isasakay?! Ok lang naman na sumakay ako sa motor pero hello! Nakabestida ako ngayon tapos masakit pa ang gitna ng hita ko! Baka nakakalimutan niyang kaka-devirginized niya pa lang sa akin kagabi!



"Nagmamadali ka, di ba? Hindi mo naman siguro gustong ma-stuck tayo sa traffic." Aniya



"Fine, let's go."



Nang makasakay na ako ay humawak ako sa balikat niya. "Bilisan mo ang pagmamaneho, ha? Sa Alcantara Corp. tayo, alam mo ba kung saan iyon?" Sabi ko.



"Oo pero kung gusto mong bilisan ko dito ka kumapit." He held my hands and took it to his waist. Hinatak pa niya ako dahilan para mapayakap ako sa kaniya, ang harsh-harsh talaga ng lalakeng 'to!



Sa buong oras na nakasakay ako sa motor niya ay nakapikit ako! Jusko! Ang sinabi ko bilisan niya pero hindi naman iyong konti na lang ay liparin ako.



Sa halip na singhalan siya ng makababa ako sa motor niya ay inabot ko na lang iyong helmet at nagpasalamat. Di ko na siya nilingon uli dahil nagmamadali talaga ako.



"Saf, bakit ka late?" Tanong ni Luisa.



"Traffic. Nasaan si Ma'am Carol?"



"Nasa opisina niya, galit na galit kasi kung kailan daw darating ang boss natin ay doon ka pa na-late."



"Sige, magpapakita na ako sa kaniya." Sabi ko sabay takbo papunta sa office ni Ma'am Carol.



Hinanda ko ang aking sarili para sa galit ni Ma'am pero ganoon na lang ang pagtataka ko ng hindi niya ako sigawan. Nakatingin lang ito ng masama sa akin pero hindi nagsalita ng kung ano-ano.



"Ma'am, sorry po."



"Let's go, gusto ni Mr. Alcantara na buo tayo lalo na ang accounting department sa pagsalubong sa kaniyang anak." She said.



"Nasa finance department na daw si Sir, sobrang gwapo daw sabi ni Tes. Sunod na tayo." Bulong ni Luisa habang nakahilera na kami.



Tumango naman ako buti naman at nakahabol ako.



"Ano nga palang pangalan ng bago nating boss?" Tanong ko kay Luisa.



"Tristan Jacob." Sagot naman niya, natigil kami sa pagbubulungan ni Luisa nang pumasok si Sir Jaime kasama ang kaniyang anak.



My jaw dropped literally and my heart stopped beating when our eyes met.


This can't be happening!

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now