Chapter 1

13.1K 268 6
                                    

Chapter 1

SAFIRE


"Nagugutom na ko." Sabi ko sa mga kaibigan ko.


"Ako din, saan tayo kakain?" Tanong ni Mona sa akin.


"Ewan ko, bahala kayo kahit saan basta makakain ako." Sagot ko. "Ada, saan tayo?"


"Ako na naman? Nai-stress na ako sa inyo ah tapos mamaya kapag nandoon na tayo di nyo rin alam kung anong kakainin nyo, ako rin ang papipiliin nyo." Pabiro niya aniya.


"Magaling ka kasing tumingin ng kung anong masarap eh." I said followed by a chuckle. Nagtawanan kaming tatlo.


Bigla akong nakakita ng nagmamais kaya inaya ko ang mga kasama ko.


"Kuya, magkano po?"


"Bente-singko lang, miss."


"Tatlo po." Sabi ko.


"Ikaw munang magbayad, Saf." Sabi ni Ada.


Tumango ako at nagbigay ng isang-daan, nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko, nilingon ko ito at nakita ang isang batang babae. Nakapalad ang kamay nito kaya binigyan ko ito ng tatlong piso, iyon lang kasi ang barya ko, di pa binibigay ni Kuya iyong sukli ko.


"Salamat po." Aniya


Wow! Nag-thank you siya! First time ko yatang makatanggap ng thank you sa isang namamalimos at take note tatlong piso lang ang binigay ko.


Nginitian ko siya at binalingan si Kuya. "Lalagyan po ba ng margarine, miss?"


"Oo, kuya iyong tatlo." Sagot ko.


Naramdaman kong hindi pa umaalis iyong bata kaya tinitigan ko siya at nakita kong nakatingin siya sa mais na takam na takam. Napangiti ako. Inabot ni Kuya iyong isang mais sa akin at inabot ko naman ito sa bata.


"Sa'yo na." Nakangiti kong sabi.


"Talaga po?"


Tumango ako. "Huwag mong ipagsasabi sa ibang bata ah. 'Yan lang kaya ng budget ko." Mahirap na baka magtawag siya ng mga kasamahan niya, wala na kong pera.


Tinanggap niya ito. "Salamat po." She said then run away.


"Kuya, padagdag pa ng isa."


Nilapitan ako ng mga kaibigan. "Wow, ang bait naman ni Saf! Pati ba iyong amin libre?" Ani Mona.


"Siyempre hindi, pulubi ba kayo?"


"Akala ko bumait na si Saf." Sabi nila.


Habang naglalakad kami pauwi ay may biglang humarang sa amin na lalake, teenager to be specific at syempre dahil probinsyana kami at nandito sa Maynila ay umiwas kami, malay ba namin kung goons ito o snatcher.


"Miss, sandali lang." Aniya


"B-bakit?" Tanong ko habang kapit na kapit kay Mona.


"Para sa'yo." Sabi niya sabay abot ng nakataling sampaguita, iyong binibili sa harap ng simbahan.


"Bibilhin ko?" Tanong ko.


Umiling siya. "Salamat sa pagbigay ng pagkain sa kapatid ko."


I smiled awkwardly. "Wala 'yon."


Kinuha niya ang kamay ko na aking ikinabigla, ipinatong niya doon iyong sampaguita. "Salamat." Aniya.


"T-thank you din." Sabi ko tapos ay hinila paalis ang mga kaibigan ko.


Hindi naman sa takot ako doon sa binatilyo sadyang paranoid lang ako dahil nandito ako sa Maynila. First time ko dito at kung hindi lang dahil sa review ko ay hindi naman talaga ako pupunta dito.


Kinabukasan, same scenario 7-12 ay nasa review center kami at nang pauwi kami ng bahay ay hinarang na naman kami ni Sampaguita boy and once again he gave me a sampaguita at katakot-takot na pang-aalaska ang inabot ko sa mga kaibigan ko.


"Uy...may admirer na si Saf!" Mona teases me.


"Che! Tigilan nyo nga ako. Ang bata-bata pa 'non." Sabi ko. I think he's just 15 or 16 eh 20 na ko at wala namang ibig sabihin iyong pagbibigay niya sa akin ng bulaklak.


"Feeling ko bibigyan ka uli niya bukas!" Ada said.


Huwag naman sana.


"Miss, para sa'yo." Abot uli niya ng sampaguita akmang aabutin niya ang aking kamay ng ilayo ko ito, natigilan siya kaya nginitian ko siya.


"Huwag na, hindi mo naman ako kailangang bigyan ng bulaklak para pasalamatan. Ibenta mo na lang iyan para madagdagan ang kita mo." Sabi ko, this time I had a chance to examine him and I can say na may itsura ang batang ito. Konting ayos lang sa kaniya at konting laman or gym siguro ay papasa na itong artista, matangkad rin siya, mas matangkad sa akin pero halatang mas bata.


"Pero gusto kong ibigay sa'yo 'to." He said.


Napatingin ako sa mga kaibigan ko na nakangiti ng nakakaloko. Binalingan ko siya at nakita kong nalungkot siya sa pagtanggi ko medyo nakaramdam ako ng guilt kaya inabot ko iyong sampaguita sa kamay niya kaya lang sa halip na iyong tali ang mahawakan ko ay di sinasadyang nahawakan ko ang kaniyang kamay. Mabilis kong binawi ang kamay ko at tinignan siya. There's something in his eyes that I can't name. Hindi iyon galit o pagkabigla. Iba iyon.


Pinalad ko ang kamay ko. "Tinatanggap ko na."


He smiled sweetly at me kaya napangiti na rin ako.


Isang buong linggo, isang buong linggo niya akong binibigyan ng bulaklak and it's kinda creeping me out kaya niyaya ko ang mga kaibigan ko na dumaan sa ibang daan, ayoko na noong short cut.


Masaya kaming naglalakad pauwi ng mga kaibigan ko ng may kumalabit sa likod ko. Nanlaki ang aking mga mata, siya ba ito? Sh*t! Lumingon ako. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong hindi siya ang kumalabit sa akin!


"Miss, ikaw ba si Safire Alegre?" Tanong hindi pamilyar na lalake sa akin habang hawak ang isang i.d. "Sa'yo ba 'to?" Sabay pakita sa akin.


Ang i.d ko!


Tinignan ko iyong strap. "Ay opo! Thank you." Sabi ko sabay kuha ng i.d ko sa kaniya. Nginitian ko ng ubod ng tamis si Kuya. Buti na lang at mabait siya.


"Muntikan ng mawala ang i.d mo." Sabi ng mga kaibigan ko ng makaalis na si Kuya.


"Oo nga eh buti na lang binalik."

"Ang gwapo ni Kuya!" Ani Mona.

"Yeah." Sang-ayon ko.


Kinabukasan ay sa long-cut uli kami dumaan ng nga kaibigan ko at muntikan na kong atakehin ng makita ko si Sampaguita boy doon. He has this intense glare na parang galit na galit, nakita kong bumaba ang tingin niya sa i.d ko, nakaramdam ako ng awkwardness kaya gamit ang folder na dala ko ay tinakpan ko ang aking i.d.


"Ayan pala ang stalker mo, Saf!" Bulong ni Mona


Anong gagawin ko? Iiwas ba? Kunwari di ko siya nakita? Pero nagtama na ang mga mata namin!


"Tara na! Bilisan nyo nagmamadali tayo." Nilakasan ko ang boses ko para marinig din niya. Mabilis ang lakad ko at ng dadaan ako sa harap niya ay kunwari'y tumingin ako sa orasan ko. "Let's go, girls! May pupuntahan pa tayo!" Sabi ko.


Nang tuluyan na kong makadaan sa harap niya ay nakahinga ako ng maluwag pero tila tumigil sa pagtibok ang aking puso nang may humawak sa braso ko at walang ano-ano ay isinuot niya hanggang sa pulso ko ang sampaguita kapagkuwan ay walang salitang umalis.


Sh*t! That's creepy!!

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now