Chapter 6

7.2K 230 20
                                    

Chapter 6




SAFIRE




"Do you want anything, baby?" Tristan asked me habang nasa kama ako, dalawang araw ko na dito sa bahay niya at kulang na lang ay ituring na niya akong imbalido dahil pati pagpunta ko sa banyo ay gusto niyang buhatin ako.




Umiling ako. "I'm fine. Thank you."




Ngumiti siya. "Masakit pa ba?"




Umiling uli ako. "Pwede na akong magtrabaho bukas." Sabi ko. Nakita ko kung paano siya natigilan.




"Tristan," pukaw ko.




"Magtatrabaho ka na?" Tanong uli niya.




"Yes, kaya ko na actually kahit ngayon nga ay kaya ko na." Sabi ko sabay ngiti sa kaniya.




Tumayo siya. "Kukunin ko lang ang lunch natin."




"Huwag na." Pigil ko sa kaniya. "Kaya ko ng bumaba." Sabi ko. Bumaba ako sa kama medyo nakaramdam ako ng kirot pero bearable naman ito.




"Are you sure you're ok?"




"Yeah."




Dahan-dahan kaming bumaba sa hagdan at talagang nakaalalay sya sa akin kulang na lang ay buhatin na naman niya ako.




"So tell me, Tristan anong ginagawa mo? Nag-aaral ka ba?" Tanong ko sa kaniya habang kumakain.




"Yes, third year college na ako."




"Anong kurso?"




"Business Management."




Napatango-tango ako. Biglang may tanong na pumasok sa isip ko. "Talaga bang ikaw iyong nagtitinda ng sampaguita na humaharang sa akin?"




Tumango siya kaya napanguso ako. Paano iyon? Ang yaman-yaman naman pala niya. "Why? Hindi ka ba makapaniwala?"




"Yes, paanong naging vendor ka kung si Sir Jaime ang tatay mo?"




"I was kidnapped when I was a child iyon ang sinabi ni Papa sa akin, natagpuan niya lang ako noong kinse anyos ako."




"Oh." Iyon lang ang nasabi ko, di ko na kasi alam kung anong idudugtong ko.




"Di ba may kapatid ka? Iyong binigyan ko ng mais? Nasaan na siya?"

"Nag-aaral siya ngayon kasama niya ang mag-asawang kumupkop sa akin, my father gave them a house and a job."




"I see...teka! Kung nag-aaral ka din bakit parang hindi kita nakikitang umaalis? Dalawang araw na ako dito, huwag mong sabihin sa akin na nag-absent ka dahil sa kalagayan ko."




"Then I won't tell you." He said while smiling.




"So nag-absent ka nga? Hindi mo dapat ginawa iyon, ano na lang ang sasabihin ng tatay mo? Na nagpapabaya ka sa pag-aaral mo dahil lang sa isang babae?"




"Hindi ka lang isang babae para sa akin." Aniya na ikinapula ng aking pisngi.




Inirapan ko siya para pagtakpan ang pag-init ng aking pisngi. "Pumasok ka na bukas, I can take care of myself besides papasok na rin naman ako at uuwi na."




"U-uuwi ka na?"




"Oo, I can't stay here may apartment naman ako eh."




"Ayaw mo ba dito? Hindi ba maganda ang bahay?"




"Anong hindi maganda? Sobrang ganda ng bahay mo pero matanong ko nga, saan nakatira sila Sir Jaime?"




"Malapit lang ang bahay nila dito." He said casually.




"Bakit hindi ka doon nakatira? I mean nawalay ka sa kanila ng matagal, I'm sure they missed you."




"Matagal ng patay ang totoo kong ina at nag-asawa na lang muli si Papa, may sarili silang pamilya at ayokong ipagsiksikan ang sarili ko doon."




"Hindi ka ba nila tanggap?" Hindi ko mapigilang tanong. Napakapakielamera ko talaga! "Hindi mo kailangan sagutin iyon!" Dagdag ko.




"Tanggap nila ako, I love my sisters pero siguro hindi lang talaga ako sanay sa kanila kaya mas pinili kong mamuhay mag-isa."




"If that's the case dapat kumuha ka na lang ng condo unit masyadong malaki ang bahay na ito para sa'yo, hindi ka ba nalulungkot?"




"Sometimes I feel lonely but then dito ko gustong  umpisahan ang buhay na pinangarap ko I built this house for my future family."




"Pero malaki pa rin ito ni wala ka ngang kasambahay. Anyway, ilang anak ba ang gusto mo?" Tanong ko.




His eyes dance with amusement, tila tuwang-tuwang ito sa tanong ko. "Sampu."




"Sampu?! Ang dami noon ah!" Grabe naman pala siya! Kawawa naman iyong matres ng mapapangasawa niya.




"Ilan ba ang gusto mo?" Tanong niya pabalik.




"Ako?" Napangiti ako. "Gusto ko dalawa, isang babae at isang lalake o kaya tatlo pero maximum na iyon." Sabi ko, iyon lang talaga ang gusto ko, ayoko ng maraming anak dahil baka hindi ko sila lahat matutukan kung ganoon sila kadami.




"Tatlo? Ang konti naman ng gusto." Komento niya.




"Mahirap manganak at magpalaki ng bata no!"




"Masarap naman gumawa." He said followed by a chuckle. Binato ko siya ng green peas. Ang bastos talaga niya.




"Kawawa iyong magiging asawa mo, malolosyang siya sa sampung anak na gusto mo."




"Don't worry, baby kahit na malosyang ka na mamahalin pa rin kita." He said then winked at me




What?!

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now