Chapter 12

4.9K 150 6
                                    

Chapter 12


Safire


I will open my heart for Tristan. Iyon amg ipinangako ko sa kaniya and so far, we are doing ok. I can say na nagkakasundo kami maybe because puro lang siya oo sa mga sinasabi ko and he is really pampering me. Kapag pagod ako galing trabaho siguradong pagsisilbihan niya ako kahit pa pagod din siya galing university.



"Tristan, wake up." Umungol lang siya. "Tristan." Umungol lang uli siya at tinakpan ang kaniyang ulo gamit ang aking unan.



Ang hirap talagang gisingin ng mokong na 'to. Sabagay, naiintindihan ko siya, ang dami niyang school works dahil malapit na ang end of the semester.



"Tristan, bangon na diyan."



"Five minutes." He mumbled.



"May pasok ka pa, bangon na diyan." I said softly pero hindi niya ako pinansin at tuloy lang sa pagtulog. Mas nilapit ko ang aking bibig sa kaniyang tainga. "Let's take a bath." Nang-aakit na sabi ko. Natawa na lang ako nang bigla siyang tumayo at muntikan pang mabuwal dahil dito.



"Joke lang!" Sabi ko.



"F*ck! Ang sakit ng ulo ko." Aniya. Tumawa ako at mas lumapit sa kaniya. I kissed him on his lips that made him stilled. Siguro dahil hindi niya inaasahan na hahalikan ko siya.



"Aayusin ko na ang almusal natin, fix the bed and take a bath."



Ngumiti siya. "Yes, mahal."



I secretly rolled my eyes. Dati baby ngayon naman mahal. Pagkatapos kong ayusin ang mesa ay yayayain ko na sana si Tristan when my phone rang. Napangiti ako nang makita ko si Simone ito. Ano na naman kayang gusto ng



"Hello, pangit. Ba't napatawag ka?"



He chuckled on the other line. "Pupunta ka ba mamaya dito sa ospital?"



"It's Saturday so yes." Sagot ko



"Great! Kita na lang tayo mamaya, lutuan mo ko ng sopas. Miss ko na iyon."



Lalong lumapad ang ngiti. "What am I? Your maid?" Biro ko.



"Nope, you are my good friend who will cook for me dahil hindi mo gugustuhing magutom ako and by the way I won't eat my breakfast, kapag nagkita tayo sa ospital doon ako kakain."



I rolled my eyes. "Fine! I'll cook for you." Alam ko naman kasing tototohanin niya ang hindi niya pagkin ng almusal and besides magdadala naman talaga ako ng pagkain sa ospital dahil alam kong patay-gutom talaga siya.



"Yes! Thank you, ganda! Sabi ko na nga ba hindi mo ako matatanggihan."



"Oo na! Bye na. Lulutuin ko na iyong sopas mo."



"Ok. Bye-bye, ganda."



"Bye, Mr. Montier bilhan mo ko strawberry shortcake." Sabi ko sabay patay ng tawag.




Tristan



Nawala ang ngiti ko nang makita ko si Safire na nakangiti ng matamis habang may kausap sa telepono. Sino kaya ang kausap niya?



"Oo na! Bye na. Lulutuin ko na iyong sopas mo." Rinig kong aniya.



Hindi ako pumasok sa kusina. I'm trying to calm down, hindi naman siguro lalake ang kausap niya. Maybe, it is one of her friends. Sabado ngayon kaya ang alam ko ay pupunta siya sa ospital para bisitahin ang kaibigan niya.



"Bye, Mr. Montier bilhan mo ko strawberry shortcake." May bahid ng lambing sa kaniyang boses at doon ay parang gusto kong magwala.



F*ck! It was Simone Montier! Again! F*cking Montier! Bakit ba umeepal siya?!



When Safire saw me, she smiled at me. "Let's eat?" Ang inis at selos ko ay nabawasan nang makita ko ang kaniyang magandang ngiti.



D*mn! I really love this woman.



Umupo na siya kaya wala akong magawa kundi umupo na rin.



"Pupunta ka sa ospital?" Tanong ko habang kumakain.



Tumango siya. "Yup!" Masayang-masayang aniya and it irritates me to core. Masaya ba siya dahil magkikita sila ni Simone?



"Kumakain ka ba ng sopas? Magluluto ako mamaya."



Sopas. Para kay Simone iyon, hindi ba? "Hindi ako kumakain ng sopas?"



Bumakas ang disappointment sa kaniyang mukha at parang gusto kong bawiin ang aking sinabi. D*mmit! Kumakain ako ng sopas pero t*ngina! Lulutuin niya iyon para kay Simone at hindi para sa akin.



"Anong gusto mong dinner? Baka late na kasi akong makauwi mamaya."



"Hindi ako dito magdidinner." Malamig kong sabi. Late na siya makakauwi, anong gagawin niya sa ospital ng buong araw?



"Ganon ba?" Nagbaba siya ng tingin at nag-umpisa na uling kumain.



"May gusto ka bang pasalubong?" Tanong ko.



"Huh? Wala naman." Wala siyang gustong ipabili sa akin pero kay Simone ay nagpapabili siya ng strawberry shortcake. Bakit hindi siya sa akin magpabili? Tingin ba niya ay hindi ko kayang bilhin ang mga gusto niya?



Inubos ko ang pagkaing nasa plato ko kapagkuwan ay tumayo na. "Aalis na ko." Sabi ko sabay talikod sa kaniya.

Idée Fixe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon