Chapter 34

4.4K 122 24
                                    

Chapter 34

Tristan

"You're late." Napangiti ako nang makitang parang anytime ay bubuga ng apoy ang mahal ko.

"Sorry, My. May importante lang akong inasikaso." I told her.

She pouted. "Siguro pinuntahan mo si Sara no?"

"No at ilang beses ko ba sasabihin sa'yo na hindi ko babae si Sara? Ikaw lang ang babae sa buhay ko." Hinila ko siya papalapit sa akin at inupo sa aking hita. I showered her kisses. "Namiss kita."

"I missed you too, Dy. Nakakabore dito sa kwarto mo tapos buong araw nasa school si Hanan."

I chuckled dahil sa pagmamaktol niya. "Sundan na natin si Hanan?"

She giggled. "Nasundan na. Gusto ko ng makita ang bagong baby natin, Dy. Sana lalake naman tapos dapat kamukha mo uli para gwapo." She said then gave me a peck. "Dapat lahat ng baby natin kamukha mo para maganda ang lahi." Natawa ako sa sinabi niya.

"You are beautiful, My. Pinakamaganda sa lahat." I said softly. Kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon.

"Mas maganda kay Sara?"

"Pinakamaganda sa lahat." Ulit ko.

She smiled ear to ear. "Kaya mahal na mahal kita eh!"

"I love you too, My."

"Mahal mo talaga ako?" She said as if assuring.

Tumango ako. "Mahal na mahal."

"Then let me go, Dy." Malungkot na aniya.

"What?" Napatanga ako.

Her eyes started to water. "You have to let me go."

"What are you saying?" Kinakabahan ako.

"Kailangan mo na akong bitawan. Let me go, Dy para sumaya ka na."

"Ano bang sinasabi mo? Masaya ako. Masaya na ako kasi kasama na kita. Hindi mo na ako pwedeng iwan. Hindi na uli." Hindi ko alam kung bakit ako naiiyak. I'm happy dahil nandito na siya. Buo na ang pamilya namin.

"Dy," Parang nahihirapan niyang sabi kasabay nang malakas na pagsigaw ng kung sino sa pangalan ko.

"Tristan!!" Napabaling ako sa pinto. I saw my step mom there with my daughter. Umiiyak si Hanan habang yakap-yakap ang manikang regalo ni Safire.

"Anak, what are you doing? Snap out of it, ok?" Lumapit siya sa akin at lumuhod para pantayan ako. I looked around. Iyong malinis at maaliwalas na kwarto ay biglang napalitan ng magulo at maduming kwarto. Sira halos lahat ng gamit doon. Iyong t.v basag at tila naging madilim ang lahat nang hindi ko makita si Safire. Anong nangyayari? Nasaan si Safire?!

"Safire! My!" Tawag ko.

"Anak." Ikinulong niya ang aking mukha sa kaniyang mga palad. "Wala na si Safire." Iyak niya. "Please lakasan mo ang loob mo."

Hindi! Kanina nandito siya. Yakap-yakap ko lang siya. Nagbaba ako ng tingin and I saw what I'm hugging. It was her urn.

"I'm sorry. I'm so sorry but I failed to protect her." Zone said.

Zone started to cry dahilan para lalo akong maguluhan. Anong ibig niyang sabihin?

"Milady is gone."

What? Tila nabingi ako sa narinig ko. Nanginginig ang aking kalamnan na lumapit kay Zone, itinayo ko siya habang hawak-hawak ang kaniyang kwelyo.

"Anong sinasabi mo diyan?! Anong gone?!" Sigaw ko. Hindi pwede. Mali lang ako ng iniisip.

"Last night we were ambushed. Hinabol nila ang sasakyan namin habang pinauulanan ng bala. We tried to fight but they were too many. Nahulog sa bangin ang sasakyan namin at sumabog ito. I was lucky but m-milady didn't make it. Hindi ko siya nailigtas. I'm sorry."

My knees trembled. Napaupo ako sa sahig. No! This is not real! Mag-uusap pa kami! Mabubuo pa ang pamilya namin!

"We are here to take you in her burial."


Philip

"How is he?" I asked Zone.

"He lost his sanity. His family will take him to a mental institute."

I sighed. I hate that guy but I also pity him. It's been a month since Safire's death and we are still looking for her killer. Alam namin na isa sa mga kapatid niya ang nang-ambush sa kaniya.

"You are the new owner of RST Empire." Paalala ko kay Zone. Sa kaniya ipinamana ni Safire ang kalahati ng RST habang ang 25% ay sa akin and the last 25% ay pinaghatian ng mga kapatid niya. In her will, kapag may nangyari sa aming dalawa ni Zone na masama ay babawiin ang yaman na natanggap nila plus they need to pay one hundred million dollars for breaching the contract. Yes, it was a contract. May pinirmahan ang mga kapatid niya at kung ayaw naman nilang pirmahan ito ay wala silang makukuha. Safire secured our life. Hindi niya pinamanahan si Hanan dahil alam niyang manganganib ang buhay nito kapag nagkaroon ito ng mana. Her brothers knew about Hanan's existence pero dahil wala itong natanggap ay hindi nila pakikielaman ang bata. Wala itong magiging silbi sa kanila. Little did they know Hanan has an own account in Switzerland. One billion dollars plus gold bars and diamonds but then hindi pa rin ako mapalagay. Galit ang mga kapatid ni Safire sa kaniya at baka idamay pa nila ang inosenteng bata.

"I don't want it."

"But you have to take it. It was Safire's last wish. For her you are her younger brother. You are important to her."

"I don't deserve it." He said sadly.

Sinisisi pa rin nito ang sarili sa nangyari. "Safire will be happy if you take over."

Napipilitang tumango ito. "We have to go to Italy to assume your presidency."

"I think I can't do it."

"I will guide you just like she wants."

Tumayo na ako para iwan si Zone. Nag-aalala ako para kay Hanan. Her mother was gone and now her father will be send to a mental institute. That f*cker! He's not even man enough para magpakatatag para sa anak niya.

Pumunta ako sa bahay ni Tristan. He looks devastated. Wala iyong mayabang na lalakeng nakita ko noong una akong pumunta dito.

"Bakit nandito ka? Magdadala ka na naman ng masamang balita?" He said.

"Sinong mag-aalaga kay Hanan?" Tanong ko.

"You knew."

"Yes, Tristan so I'm asking you. Sinong mag-aalaga kay Hanan habang nagpapagaling ka?"

"My family."

"Give her to me."

"What?"

"I will take care of her habang nagpapagaling ka. Isasama ko siya sa Spain to secure her safety. Ilang buwan lang, I just need some time to know who is Safire's murderer."

"Can you assure her safety? H-hindi siya matutulad k-kay Safire?"

"Safire is safe in Spain pero nagpumilit siya na bumalik dito sa Pilipinas para sa inyo." I said. Kung hindi lang sana siya bumalik dito hindi sana nangyari sa kaniya ito.

"Gusto niyang mabuo ang pamilya namin kaya lang naging matigas ako."

Hindi na ako nagkomento. He's right. Sana man lang naging masaya si Safire sa mga huling araw ng kaniyang buhay.

"Kakausapin ko ang anak ko." Tristan said.


Just a reminder hindi po ako gumagawa ng book 2 :) One more chapter o maybe epilogue na. Just watch out. Thanks! 😘

Idée Fixe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon