Chapter 23

3.4K 126 4
                                    

Chapter 23

Safire

We reached the Alca Corp na buong byahe ay nakasimangot si Tristan. Hindi ko hinubad iyong coat niya gaya ng sinabi niya kaya sa halip na magmukha akong yaya, nagmukha akong assistant niya. Karga-karga niya si Hanan habang nasa gilid lang niya ako at walang ibang dala kundi iyong bag ko. Natigil kami sa paglalakad nang may isang lalakeng humarang sa amin.

"Mr. Alcantara."

"What are you doing here, Mr. Canlas?" Sabi ni Tristan doon sa lalakeng humarang sa amin.

"Do I need a reason to be here? I'm part of the board." Bumaling siya sa anak ko. "Hello, Hanan. I heard na may mga taong gustong kumuha sa'yo. Good thing you are safe." Bigla akong nainis sa tono niya. Then he looked at Tristan. "Sa susunod kasi bantayan mong mabuti ang anak mo, Alcantara." He said mocking.

My lips twitched. Nakakainis itong lalakeng ito akala mo naman ikinagwapo niya iyong pambubuwisit kay Tristan. Mukha naman siyang kabayo.

His gaze went to me. He looked at me from head to toe. "So who is this beautiful woman? Your new assistant?" He offered his hand.

"Safire Rosietti. Sorry I don't do hand shake." Kumapit ako sa braso ni Tristan. "Let's go?" I said with a smile.

"Wait! Did you say Rosietti? Are you related to RST Empire." Hindi ko na siya nilingon. Tuloy-tuloy lang kami ni Tristan hanggang sa makasakay kami sa elevator. Doon ko na binitawan si Tristan.

"Tita Safire."

"Tita?"

"Yes po. Di po kasi bagay sa inyo iyong yaya. You are too beautiful po just like Tita Vida."

Vida? Pinigilan ko ang sarili kong mapasimangot. She still remembers Vida?!

"Is it ok to you?" Tanong ko kay Tristan.

"Yes."

Kumuha ako ng chocolate sa bag ko at isinubo iyon kay Hanan. Hindi ko na inalok si Tristan di naman kasi siya mahilig sa chocolate.

"Where's mine?" Tanong niya.

"Gusto mo?"

"Give me." Utos niya. Inabot ko sa kaniya iyong chocolate pero hindi niya iyon kinuha. He looked at me and I immediately get it. He can't use his hands because he is carrying Hanan. Napangiti ako. Kaya naman niyang buhatin ang anak namin ng isang kamay.

"Why are you smiling?"

"Open your mouth." Sabi ko at ngumanga naman siya. I saw him flinched. Gusto ko sanang matawa pero baka mainis na naman siya sa akin. Qouta'ng-qouta na ko. Baka bukas palayasin na niya ako.

Our day was ok. Buong araw na umaattend ng meeting si Tristan habang kami ni Hanan ay nasa opisina lang niya at nanood ng t.v. I enjoyed watching with my daughter. Nakakatuwa dahil nine years old na siya pero nagpapakarga pa rin siya sa Daddy niya. Ang dahilan niya sa akin ay para wala daw lumapit na babae sa daddy niya. Masyadong selosa itong anak ko mana sa tatay.

Two days had passed at kahit medyo harsh sa akin si SIR Tristan ay masaya ako kasi kasama ko sila. Kahit lagi siyang nakasimangot ok lang, gwapo pa rin naman siya. Sabay-sabay kaming kumakain ng breakfast. Yup! Kasabay ako ayaw kasi ni Tristan na ma-late si Hanan sa school. Medyo nabobore nga ako dito sa bahay kasi ihahatid ko lang si Hanan sa school tapos balik na ako dito. Ayaw namang magpatulong ng mga kasambahay dito though it's ok naman kasi nakakapagpahinga ako. Medyo makirot pa kasi itong sugat ko. Ay! Oo nga pala, hindi ko matandaan kung saan ko nilagay iyong mga gamot ko.

I called Tristan. Sasagutin kaya niya? And viola he answered it after 2 rings.

"What do you need?" He said coldly.

"Ahm...can you buy me some medicines? Hindi ko kasi makita kung saan ko nilagay iyong mga gamot ko."
Hindi siya sumagot. "Hindi naman ako nagmamadali kahit mamayang pag-uwi mo na lang. Sa gabi ko pa naman kailangan pero kung busy ka I can just ask Zone."

"Text all the medicines you needed."

"Thank---" Hindi ko na natuloy iyong sasabihin ko nang patayin niya iyong tawag. Kaloka!

Nahiga na lang ako doon sa kama ko. Ano na kayang ginagawa ng anak ko sa school? Si Grey kaya? He's just six years old panigurado hinahanap na ako noon. When I was in Spain, Grey was the only person who can make me happy.

I closed my eyes.

"Anak," Tawag sa akin ni Nanay.

"Nay, bakit? Bakit kailangan ko pa siyang makilala? Bakit kailangan niyang guluhin ang buhay ko?!" I met my father and he is forcing me to marry a royalty. Umayaw ako. Ang sabi ko ay may pamilya na ako at ikakasal pero wala siyang pakielam. He threatened me. Na kapag patuloy akong umayaw ay may mangyayaring hindi maganda sa pamilya ko. Nandito kami ngayon sa ospital. Tristan is fighting for his life. May pamamaril na nangyari that led to an accident and my father admitted na siya ang may gawa noon. I tried telling the police pero walang nangyari. Ayon sa kanila it was just a mere accident! An accident pero may pamamaril! Iyong driver namatay dahil sa may tama ito ng baril sa ulo.

Iyak lang ako ng iyak. Pati ang Alca Corp ay dinamay niya.

"Marry the duke or everyone around you will suffer!" Tandang-tanda ko pa ang sinabi niya.

"Marry the duke, Safire!"

I opened my eyes. I did marry the duke. I married Philip para wala ng masaktan. Kahit ayoko wala na akong nagawa pa. Napahikbi ako. Hanggang ngayon nanghihinayang pa rin ako sa oras na nawala sa akin. I was gone for eight years. Walong taon akong nabuhay na parang isang manika.

"Safire." Napabaling ako sa tumawag sa pangalan ko.

"Tristan. W-what are you doing here?" Umupo ako at pinunasan ang basa kong pisngi.

Lumapit siya sa akin. "Sumasakit ba ang sugat mo?! Gusto mo bang dalhin kita sa ospital?!"

"I'm ok, Sir. Ok lang ako."

"Ok?! Bakit ka umiiyak? Hindi ka naman iiyak ng walang dahilan."

My tears started to fell again. Nakakaiyak kasi nakikita ko pa rin iyong pag-aalala niya kahit na nasaktan ko siya noon. "Masakit, Tristan." Iyak ko. "Masakit na masakit." Masakit para sa akin na iwan kayo. Ibinaon ko ang aking mukha sa kaniyang dibdib. I miss him so much! I love him! Gusto ko uling mahalin niya ako pero anong karapatan kong hingin uli ang pagmamahal niya?! Sumuko ako. I didn't fought harder. Kasalanan ko.

Idée Fixe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon