Chapter 5

7.4K 219 8
                                    

Chapter 5


SAFIRE


"So kayo ni Sir Tristan? Kailan pa naging kayo? Bakit hindi ko alam na may boyfriend ka? Akala ko ba single ka pa?" Sunod-sunod na tanong ni Luisa.


"B-bago pa lang kasi." Masakit na nga ang ulo ko eh lalo pang sumasakit sa mga tanong ni Luisa


"Kung makatanong ka pa ng pangalan ng anak ni Sir Jaime akala mo naman hindi mo alam."


Oh, believe me hindi ko talaga alam.


"So anong feeling ng magkaboyfriend ng tulad ni Sir Tristan?"


Nagkibit-balikat ako. Ewan ko.


"Masarap bang humalik?" Curious na curious na tanong nito.


"Masarap." Wala sa sariling sabi ko.


"Talaga? Ang swerte mo naman! Gwapo na yummy pa!"


Kung gusto mo sa'yo na. Gwapo at yummy nga, siraulo naman!


Ipinatong ko ang ulo ko sa mesa. Masakit ang ulo ko, masakit pa itong gitna ng hita ko! Kanina hindi ko na nararamdaman ang sakit siguro dahil sa adrenaline rush at ngayong nakaupo na lang ako at nagtatrabaho ay damang-dama ko ang hapdi.


"Uy!" Yugyog ni Luisa sa akin. "Ok ka lang?"


"Mag-hahalf day na lang ako, Luisa masakit ang pakiramdam ko." Sabi ko


Hinawakan ni Luisa ang noo ko. "Hindi ka naman nilalagnat, ano bang nararamdaman mo?"


"Masakit ang ulo ko." Siguro dahil sa hang over na dala ng isang tikim, pakshet! Isang tikim lang iyon paano pa kaya kung naka-isang baso ako baka patay na ko.


Ipinatong ko uli ang ulo ko sa mesa. Nakakaiyak! Wala na nga iyong virginity ko, binablack mail pa ako ng gagong lalakeng 'yon! Ni hindi ko pa nga naranasang magka-boyfriend tapos di na ko virgin! Ang sad ng life ko!


"Ayos ka lang? Masakit ba talaga ang ulo mo?"


Hindi ko siya sinagot at tulayan na akong umiyak dahil sa mga senaryong pumapasok sa isip ko. Paano kapag nalaman ng mga magulang ko? Baka itakwil nila ako! Conservative ang mga iyon kapag nalaman nilang nakipagchukchukan ako nang hindi pa kasal ay baka ipahila nila ako sa kalabaw namin.


Are you crying?!" Natatarantang tanong ni Luisa


Ang malas-malas ko!


"The f*ck!" May narinig akong nagmura at alam ko na agad kung sino iyon lalo akong naiyak! I hate him!


"Anong nangyayari?!" Hinarap niya ako sa kaniya. Sinapo niya ang aking mukha gamit ang kaniyang kamay. "Why are you crying?"


Nagtatanong ka pa talaga! Lalo lang akong naiyak. Nakakainis siya!


"Anong ginawa mo sa kaniya?" Nag-aaanong niya kay Luisa habang masama ang tingin niya dito.


"W-wala po akong ginawa, Sir." Nauutal na anito.


Bumaling sa akin si Tristan na puno ng pag-aalala. "Safire...what's wrong? May masakit ba sa'yo, baby? Masakit pa din ba?"


"Ikaw ang may kasalanan nito." Iyak ko. Yumakap ako sa kaniya habang patuloy na umiiyak. Di na nga ako kagandahan, di pa ko virgin!


"I'm sorry, baby. I'm so sorry."


Alam kong para na kong tanga sa pag-iyak. Alam ko ring tinitignan na kami ng mga katrabaho ko pero wala akong pakielam. I'm so d*mn frustrated!


"Let's go home." Aniya hindi na ko tumanggi ng buhatin niya ako.


"Ibaba mo na ako." Sabi ko habang nasa elevator kami.


Umiling siya. "Ang sabi mo masakit pa kaya hindi kita ibababa. For the meantime hindi ka muna maglalakad."


"Ayoko sa motor mo...masakit."


"I'm sorry kung pinasakay kita doon kanina." He said apologetically.


"Iuwi mo ako sa apartment ko."


"Sa bahay kita iuuwi."


"Pero---!"


"Don't argue with me, Saf." Madiing aniya


Tumahimik na lang ako. Nasa parking lot na kami.


"Nakakainis ka, alam mo ba 'yon? How can a 20 year old shut me up?" Hindi ko mapigilang tanong


"I'm 21."


Sa pagkakaalala ko 15 lang sya noon tapos 20 ako noon. May pinatunog siyang kung ano, kotse yata.


"Liar. 25 na ako."


"Yesterday was my birthday." He said


"Kahapon ang birthday mo?" Kahapon? Kaya siguro siya nasa bar.


"Yes."


"Oh, uhm...belated happy birthday!" Bati ko sa kaniya kahit na naiinis talaga ako.


Napangiti siya. Ipinasok niya ako sa kotse at inayos ang seatbelt ko. "Thank you, baby." He then kissed me on my forehead.

Idée Fixe (Completed)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum