Chapter 35

5K 127 14
                                    

Chapter 35

Tristan

"Halika na, Tan." Yaya sa akin ni Beto.

"Sige susunod ako." Hihintayin ko pa siya. Alas-dose na at anumang oras ay dadaan na siya dito.

"Sige."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko nang makita ko siyang palapit sa akin. "Miss, para sa'yo." Abot ko uli ng sampaguita akmang aabutin ko ang kaniyang kamay ng ilayo niya ito.

Natigilan ako. Nginitian niya ako. "Huwag na, hindi mo naman ako kailangang bigyan ng bulaklak para pasalamatan. Ibenta mo na lang iyan para madagdagan ang kita mo." Sabi niya.

"Pero gusto kong ibigay sa'yo 'to." Sabi ko.

Napatingin siya sa mga kaibigan niya kapagkuwan ay binalingan niya ako.  Bigla niyang inabot ang kamay ko dahilan para mawala iyong lungkot ko. Mabilis niyang binawi ang kamay niya.

Pinalad niya ang kamay niya. "Tinatanggap ko na."

Nginitian ko siya kasabay nang panggiti niya sa akin. Ibinigay ko ang sampaguita kasabay ng pagbigay ko sa kaniya ng aking buong puso. At sa araw na ito ipinangako ko sa aking sarili na mapapasaakin ang babaeng ito.

Lumipas ang mga araw, araw-araw ko siyang binibigyan ng sampaguita kahit na nababawasan ang kita ko ay araw-araw naman akong masaya pero isang araw ay hindi na siya dumaan uli sa daang iyon. I tried the other route pero wala na talaga siya.

----**-----

"Happy birthday, bro!" Ani Oscar sa akin. Hindi ko siya pinansin. I was busy watching Safire. Yes, Safire Alegre. At last after five years I finally saw her and knew her name. Nagtatrabaho siya sa kompanya ng tatay ko at simula noon ay araw-araw ko na siyang binabantayan. She was with her friends now pero mukhang hindi siya sanay sa ganitong mga lugar. Tumayo siya kaya tumayo rin ako para sundan siya.

She went to the bathroom after that ay bumalik rin siya sa kinauupuan niya. She's not enjoying herself. She was just watching her friends have fun. Napangiti ako. Maybe it's her first time being here. My Safire is innocent as a baby.

Biglang may lumapit na babae sa akin. "Hi, Tristan! How are you babe? It's been so long." Aniya na may nang-aakit na tingin.

I have a fair share of women. Ang akala ko kasi ay hindi ko na siya makikita. Ilang taon ko rin siyang hinanap pero napakahirap dahil unang-una hindi ko alam ang kaniyang pangalan.

"Get lost." I said. Napasimangot naman iyong babae kapagkuwan ay umalis.

"Bro, anong problema mo? Bakit mo pinaalis si Sasha?"

"I'm done with her." Iyon lang ang isinagot ko. Tinignan ko uli si Safire but this time she's with a man. She looks uneasy. Nakita ko pa siya kung paano siya pasimpleng umusog palayo sa lalake. Nag-init ang ulo ko. Hindi ba maramdaman ng lalakeng ito na ayaw ng Safire ko sa kaniya?!

Balak ko na sana silang lapitan nang may pumigil sa akin. It was Sheila. I faced her. "Let's dance, Tristan." Sabi niya.

"Ayoko." I said.

"Sige na." Pamimilit niya. She threw herself to me. Lasing na siya. "Oscar." Tawag ko.

Lumapit naman si Oscar at ibinigay ko sa kaniya si Sheila. Binalingan ko uli si Safire. She took a sip from her drink. The man tried to make his way. Umusog ito palapit kay Safire at akmang hahawakan ang mukha ni Safire nang bigla itong tumayo. Sinundan ko uli siya. She went to the restroom again. Hinintay ko siyang lumabad, it took her almost twenty minutes. Nag-aalala na ako. Papasukin ko na siya pero bago pa mangyari iyon ay lumabas na siya. Basa ang mukha niya.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now