Chapter 7

6.5K 198 9
                                    

Chapter 7

SAFIRE

Tinapunan ko ng matalim na tingin si Tristan na prenteng-prente na nakaupo sa harapan ko. 6pm pa lang at katatapos lang daw ng klase niya kaya dumiretso na siya dito. Nakakainis! Hindi ako makapagfocus sa trabaho ko at ganoon din ang mga kasamahan ko, sino ba naman ang hindi magkakapanic attack kung bigla nalang dumating ang susunod na big boss?

"May problema ba?" At may gana pa siyang magtanong kung may problema!

"Oo." Prangkang sagot ko.

"Ano?"

"Hindi ano kundi sino. Anong ginagawa mo dito? Di ba sabi ko sa'yo 10?" Medyo mahinang sabi ko.


"Wala na kong ibang mapuntahan eh kaya dumiretso na ako dito and besides I can't wait till 10pm to see you." He said then smiled sweetly. "I missed my baby. Don't you miss me too?" Pa-cute pa na aniya.


I felt my cheeks burnt. Gosh! Hindi ba niya alam na maraming nakakarinig sa kaniya? Ang lakas pa ng boses niya! Nakakahiya! I looked around the office and I saw some of my workmates looking at us, may mga nakangisi at iyong iba tulad ni Luisa ang kulang na lang mangisay sa kilig parang gusto ko na lang tuloy kainin ng lupa tapos mamaya na niya ako iluwa!


"Che! Manahimik ka kundi pauuwiin kita." Pabulong kong sabi.


Ipinagdikit niya ang kaniyang mga labi and I can't help but to smile when he cutely zipped his mouth.


"Excuse me, Sir." Pareho kaming napabaling ni Tristan kay Miss Sally, sekretarya ni Sir Jaime. "Pinapatawag po kayo ni Sir Jaime." Sa halip na sumagot ay umisang tango lang si Tristan as if dismissing her and I find it very rude kaya bago pa makaalis si Sally ay ako na ang nagpasalamat on his behalf.


"That was so rude." Sabi ko pagkaalis ni Sally.


"What did I do?" He asked innocently.


I tsked. "Umalis ka na nga." Taboy ko sa kaniya. Hindi porke't anak siya ng may-ari ay may karapatan na siyang umasta ng ganoon. Kakabuwisit!


"Saf---"


"Pinapatawag ka na ni Sir Jaime kaya umalis ka na po, Sir Tristan." Naiiritang sabi ko at diniinan ko iyong SIR para mas dama niya.


"Saf, baby what's wrong?"


"You're so rude, hindi ka man lang ba marunong magpasalamat?" Alam kong mababaw lang na dahilan ito para mairita ako pero wala eh nabastusan kasi talaga ako sa ugali niya. Not because you have the upper hand may karapatan ka ng hindi respetuhin ang isang tao, can't he feel na nirerespeto siya lahat ng empleyado dito? The least he can do is be nice.

Huminga ako ng malalim. Ok, I'm overreacting.


"Iyon ba ang ikinagagalit mo? Gusto mo bang magpa-thank you ako sa kaniya? O kung gusto mo humingi na din ako sorry sa kaniya."


"Gagawin mo ba kung sasabihin kong oo?" I asked.


"Yes, just say the word and I'll do it."


Pinigilan kong tumaas ang isang kilay ko. Talaga lang, ha?


"Sige nga, say sorry to her for being rude." Sabi ko at nabigla ako ng mabilis siyang tumayo at pinigilan si Ms. Sally. Mukhang humingi siya ng sorry habang si Miss Sally ay parang hiyang-hiya sa paghingi ng sorry ni Tristan, napangiti ako, good boy naman pala siya.


"Under sa'yo si Sir." Komento ni Luisa na nakalapit na pala sa akin habang nakaupo sa swivel chair niya.


"Parang hindi naman." Sabi ko, ni hindi nga siya tumatanggap ng 'no'.


"Anong hindi? Sinabihan mo lang na magsorry kay Miss Sungit ay mabilis na tumayo para gawin iyon." Aniya. "Try mo kayang sabihing halikan ako? Kahit pabirthday mo na lang sa akin, Saf." Sabi niya na sinundan ng isang bungisngis.


Napailing na lang ako. Mukhang hindi naman na niya iyon gagawin baka ma-beast mode na naman siya at bigla na lang akong hilahin pauwi.


"Is that enough?" He asked.


Tumango ako. "Yes, puntahan mo na si Sir."


"Mamaya na." Aniya.


"Paghihintayin mo ang daddy?" Tanong ko.


"Itetext ko na lang si Dad para sabihing mamaya ko na lang siya pupuntahan." Paliwanag niya.

"What if mahalaga iyong sasabihin niya? I mean he will not bother Ms. Sally kung pwede naman niyang itawag sa'yo." Sabi ko naman.


He gave me a smile. "Smart mouth pero bakit feeling ko eh tinataboy mo ako?"


I rolled my eyes then smiled at him. "Sige na puntahan mo na si Sir. Hindi naman po ako aalis dito eh, hihintayin at hihintayin rin naman kita."


I saw shock dawned in his face. "H-hihintayin mo ako?"


Anong nakakagulat doon? "Oo." Sabi kasi niya iuuwi niya ako sa bahay niya so I need to wait for him in case na matagalan siya and I'm very sure magwawala siya kung bigla na lang akong mawala at umuwi sa apartment ko baka nga ipasunog niya pa iyong tinitirhan ko para lang masabing homeless ako at kailangan ko ng natutuluyan.



"I'll wait for you at sabay tayong uuwi."



Tristan smiled at me. Mukha siyang natouch sa sinabi ko parang anytime nga eh maiiyak siya. Nakakatouch ba iyong sinabi ko? Napapailing na lang ako sa isip ko di naman siguro baka imagination ko lang.



"Thank you." Aniya.



"For what?" Tanong ko.

"For this." Sagot naman niya na lalong nagpagulo ng isip ko.



"For this?...What?"



Umiling siya. "Never mind. Pupuntahan ko na si Papa, wait for me."



"Oo nga po, hihintayin kita. Ang kulit mo."

Idée Fixe (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon