Chapter 10

5.7K 158 12
                                    

Chapter 10



SAFIRE



"Sasama ka ba sa amin mamaya?" Taning ni Luisa sa akin, breaktime namin ngayon at kanina pa niya ako kinukulit na sumama sa birthday Celine na isa sa mga katrabaho namin.



"I'm still not sure." I can't say yes dahil baka sumupungin na naman si Tristan eh hindi ako payagan.



"Possessive ba si Sir? Clingy ba?"



Super!



"Medyo." Konting galaw ko lang ay kailangan updated siya at it's sometimes suffocating. Hindi pa naman ako sanay ng ganito.



"You know what, Saf you look tired." Aniya.



I look tired? Well, I am! Araw-arawin ba naman niya ako, I mean gabi-gabihin at noong day off ko sa halip na makapagpahinga ako eh lalo niya akong hindi tinigilan napasakto kasing intrams nila at ang gago nalaman kong hindi pumunta sa game niya.



"Pero blooming na blooming ka, ang ganda-ganda mo ngayon. Ay! Ano ba 'yan ang gulo ko."



Buti alam mo. Mukhang pagod pero blooming? Ano kaya 'yon?



"Gusto mo ba ipagpaalam kita?" Tanong pa niya.



I smiled at her. "Kaya mo?"



"Joke lang." Biglang bawi niya na ikinatawa ko.



"I'll text him, try kong magpaalam." Sabi ko. I can't believe na gagawin ko ito, ang magpaalam sa isang lalake para lang makalabas ako.



"Sige. Galingan mo tsaka sabihin mo all girls naman tayo, walang lalake." Aniya.



Ang alam ko may klase siya ngayon kaya itetext ko na lang siya.



Hey, can I go with my friends later? B-day party.



Hindi na ko nag-expect na sasagot siya agad dahil nga nasa klase siya ngayon pero wala pang isang minuto ay nagreply na siya.



No.



Oh, well I got his answer. Ayos lang naman sa akin at least alibi na rin dahil ayoko talagang pumunta.



"He replied and guess what?" Ipinakita ko kay Luisa ang text ni Tristan, kita ko ang disappointment sa kaniyang mukha.



"Sorry." I said.



"Hindi mo kasi binigyan man lang ng konting lambing ang text mo eh. Try mo kayang lagyan." She told me.



"A no is a no, Luisa kahit maglupasay pa ako hindi 'yan papayag---" Bigla niyang kinuha ang phone ko at nagtype ng kung ano. "What are you doing?"



"And sent!" She said then gave me back my phone. Tinignan ko iyon at halos takasan ako ng ulirat sa tinext niya.



Please, baby let me 😭😭 I love you 😘😘😘



"What did you do?! Oh my gosh!"



"Anong problema mo? Parang nag-I love you lang. Bf mo naman siya at sigurado ako araw-araw mo rin yan sinasabi sa kaniya." Takang aniya sa akin.



That's the point I never said I love you to Tristan not even once dahil hindi ko naman siya mahal at kahit noong nag-confess siya sa akin nanatili akong honest, sinabi kong hindi ko siya mahal and he said that it's ok dahil gagawa naman siya ng paraan para mapaibig ako.



My phone vibrated at muntikan ko ng ibato ang cellphone ko nang makita ko kung sino iyon.



"Saf, tumatawag si Sir." Imporma ni Luisa.


Sasagutin ko ba? Pero ayoko! Tinitigan ko lang ang cellphone ko hanggang mamatay ang tawag, may kung anong sinasabi si Luisa pero hindi ko na siya maintindihan, my mind is clouded.



My phone vibrated again, akala ko si Tristan pero hindi, it's Charity. I stood up and immediately answered it. Charity wants to see me and I said yes, magkikita kami mamaya sa condo unit niya. Tinignan ko na rin ang mga messages sa akin ni Tristan.



Answer your phone, Saf.



Answer your phone, baby I need to talk to you.



Sinong katawagan mo?! Your phone is busy!



Answer your damn phone!



I rolled my eyes. Tinatamad akong magpaliwanag sa kaniya, isa pa ayoko ng minumura.



Don't damn me, Tristan! Ayoko ng minumura. Tarantado!



Hindi na ako magpapaalam sa kaniya bahala siya sa buhay niya. Hanggang sa matapos ang break namin at mag-umpisa ma akong magtrabaho ay walang tigil si Tristan sa pagtawag sa akin.



"Pwede ba, tigil---"



"Safire." A familiar baritone voice called my name.



I looked at my phone para tignan kung sinong caller at nakita ko ang pangalan ni Charity.



"Sino 'to?" Kailangan kong makasiguro baka mamaya kaboses lang niya.



"It's Simone."



"Simone? O bakit hawak mo ang phone ni Cha?"



"Yes, listen to me, Saf. Charity met an accident nasa ospital siya, susunduin kita so tell me your location." He said. Nanindig ang aking mga balahibo, Charity met an accident pero kanina lang kausap ko siya.



"Alca Corp. Simone---"



"Good. After 5minutes nandiyan na ako nasa malapit lang ako." Magtatanong pa sana ako ng patayin na niya ang tawag.



Mabilis akong kumilos. "Saan ka pupunta, Saf?"



"I need to go, I-i'm sorry please pakisabi na lang kay ma'am na may emergency ako." Sabi ko sabay punta ng elevator. Pagkalabas ko ng Alca Corp.  ay nandoon na si Simone at ganoon na lang ang panlalaki ng aking mata when I saw him with so much blood on his clothes.



"What happened to you?!" Tanong ko kasama ba siya sa aksidente?! Nanginginig na ako, what happened to them?!



"I'm ok, Saf. No time to explain, get in." He said peeo halos hindi ko magalaw ang aking paa dahil nanginginig ako. "F*ck." He said then carried me. Isinakay niya ako sa kotse niya. "Dapat yata hindi muna kita tinawagan. I'm sorry, Saf." He said while driving pero hindi ako tumugon, I am silently praying for Charity.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now