Chapter 24

3.4K 119 4
                                    

Chapter 24

Tristan

I was watching Safire and Hanan doing sone origami. Sabado ngayon pero nasa opisina kami.

"Hanan, look." Ani Safire.

Lumapit naman si Hanan. "Ang ganda po!" Inilagay ni Safire ang bulaklak na ginawa niya sa tenga ng anak ko. I sighed. Isang linggo pa lang siya sa amin ay nagulo na niya ang sistema ko. Nayanig na ang pader na ginawa ko. When I saw her crying because of her wound ay muntikan ko na siyang isugod sa ospital lalo na noong humagulgol siya. Hindi ko alam ang gagawin ko kaya noong napagod siyang umiyak at nakatulog ay dinala ko siya sa isa sa mga guest room. Pinalipat ko lahat ng gamit niya doon habang tulog siya.

Napabuntong hininga uli ako. Baka sa susunod ay sa mismong kwarto ko na siya dalhin. F*ck! Iyong galit na nararamdaman ko nawawala tuwing nakikita ko siya. Bakit ba naman kasi ang rupok-rupok ko pagdating sa kaniya?! Natatakot ako para sa sarili ko. Baka sa susunod na mga araw ay ako na ang magmakaawang manatili siya sa tabi namin. Natatakot akong gustuhin ko siyang muli tulad noon.

"Ang ganda-ganda mo." Puri niya sa anak namin. Anak KO lang pala kasi wala siyang karapatan. "Manang-mana ka sa daddy mo."

"Say ahh..." Sabi ni Saf habang may may hawak itong maliit na hiwang pakwan.

Our ten month old baby opened her mouth. "Good girl. Masarap ba, baby?" Tanong niya sabay halik sa anak namin. "Ang ganda-ganda ng baby ko mana sa Daddy."

Tahimik na tumawa ako kapagkuwan ay lumapit sa likod niya at yumakap. "Ay mamang gwapo!" Gulat na sabi niya sabay tampal sa braso ko. "Ginulat mo ko! Bad daddy!"

I chuckled then kissed her cheek. "Sundan na natin si Hanan, My."

"Kasal muna bago baby ulit." Aniya.

"Ayaw mo namang magpakasal sa akin. Tapatin mo nga ako, mahal mo ba talaga ako?" Medyo naiinis na sabi ko. Binitawan ko siya at umupo sa isang upuan na malapit rin sa kanila. Sinundan ako ni Safire.

"Dy..." Tawag niya pero hindi ko siya pinansin. I heard her sighed. Niyakap niya ako mula sa likuran. "I love you." Iyong inis ko parang magic na nawala.

"Bakit ayaw mo pang magpakasal sa akin?"

"Anong ayaw? Syempre gusto ko kaya lang tutal may Hanan na tayo. Gawin na natin siyang flower girl."

"Flower girl?! Wala pang isang taon ang anak natin!"

She laughed. "Joke lang." Pinugpog niya ako ng halik sa pisngi. She stretched her arm at doon ko nakita na suot-suot na niya iyong engagement ring na binigay ko.

"W-wha---" Para akong aatakehin sa puso dahil sa nakita ko. Umikot siya sa akin at umupo sa mga hita ko.

"Let's get married when Hanan turns one. Isabay na natin. Kaya lang may two months preparation lang tayo. Give me a grand wedding, ok?"

F*ck! My life is perfect! I have the perfect woman for me and we were building a family. I captured her lips. "I will give you the best wedding."

Wedding...she had the best wedding, a royal one pero hindi ako ang kaniyang groom. My heart sank. Kapag naaalala ko iyon ay sumasakit ang puso ko. Pinaghandaan ko iyon pero nasayang lang dahil naaksidente ako at nang magising ako matapos ng dalawang buwan ay ikinasal na siya sa isang duke. I blamed her but I also blamed myself. Kung hindi siguro ako naaksidente ay baka hindi siya nagpakasal sa iba.

"Fold it like this." Turo niya.

"Like this po?"

"Yes."

"Tita, next month po may family day kami pero baka hindi po ako pumunta."

"Bakit naman?"

"Well, I don't like going in that lind of event po kasi wala naman akong mommy." Nakita ko kung paano siya natigilan sa sinabi ni Hanan. "My classmate will just mock me except po kay Candice kasi wala siyang daddy."

"T-they are mocking you?" Malungkot na tanong niya. Para na siyang maiiyak. Her lips trembled. "A-ahm...I-i---"

"Hanan." Tawag ko sa anak ko. Sabay silang napabaling sa akin.

"Yes po?"

"Let's have an early lunch. Saan mo gustong kumain?"

"May dala po si Tita Safire."

"Ready the lunch." Tumango siya. Buong araw na tahimik si Safire. Nagsasalita lang siya kapag may tinatanong si Hanan. Maybe she's thinking what my daughter have said. Kasalanan naman niya. Kung hindi siya umalis no one will mock our child.


Safire

"I don't like going in that kind of event po kasi wala naman akong mommy."

"My classmate will just mock me except po kay Candice kasi wala siyang daddy."

Those words were like knives. It cuts through my soul. Nabubully ang anak ko dahil sa desisyong ginawa ko. Wala siyang mommy...wala dahil umalis ako.

"What are you doing here? Gabi na."

I faced Tristan. "Nagpapahangin lang."

"It's cold. Pumasok ka na. Mamaya magkasakit ka pa mahawa pa ang anak ko."

I smiled bitterly. Tinalikuran niya ako but before he took a step nagsalita ako. "Masama akong ina." Sabi ko. "It's not a question, it's an understatement. I'm a bad mother. A bad woman and you hate me because of that." Napalunok ako. Huwag ka munang iiyak Saf. "H-hanan should hate me too."

"If you want to leave then leave. Huwag mo kong artehan. My daughter suffered. I suffered. At kasalanan mo iyon." Aniya na hindi man lang ako nililingon.

Pinigilan kong mapahikbi. I bit mg lower lip. He's right. They suffered at ngayong ok na sila at hindi na ako kailangan ay doon pa ako dumating. "Aalis ako kapag si Hanan na ang nagpaalis sa akin."

He tsked then left me.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now