Chapter 20

3.7K 122 11
                                    

Chapter 20

Safire

"Sh*t!" Mura ko nang maramdaman kong nadaplisan ako sa braso. D*mn! "Don't open your eyes, baby." I told her. Simula ng habulin kami ng mga lalakeng naghahanap sa kaniya ay pinapikit ko siya habang karga-karga ko siya, I don't want her to be traumatized. Unang pagkikita pa lang namin sa nakalipas na walong taon tapos nasa ganitong sitwasyon pa kami.

Tiniis ko ang sakit sa aking braso at patuloy sa pagtakbo. Not minding if I'm bleeding.

"Where are you, Zone?! You have to find us!" Bulong ko sa hangin habang naghahanap ng matataguan.

Iyak lang ng iyak ang anak ko at natatakot ako para sa kaniya. She's too young to experience this.

Pinaulanan uli kami ng bala noong mga lalake and when a bullet hit my left shoulder doon na ako nabuwal. Nadaganan ko si Hanan, nakabukas na ang kaniyang mga mata. "Are you ok?! Natamaan ka ba?!" Nag-aalalang tanong ko.

Mabilis siyang umiling. "I-i'm scared po." Iyak niya.

Parang gusto ko na ring maiyak. D*mn! Nasaan na ba sila Zone?!

"Put*nginang babae ka! Pinagod mo pa kami sa kakahabol sa'yo!" Kinuha ako noong lalake, sinabunutan niya ako para maiupo.

"Ano bang kailangan niyo sa amin?!" Tanong ko kahit alam ko naman kung ano talagang pakay nila.

Tinapon ako noong lalake sa lupa kapagkuwan ay kinuha si Hanan. "Ikaw na bata ka! Kung hindi ka tumakbo hindi sana kami mapapagod! Kung hindi lang isang daang milyon ang halaga mo hindi ako mangingiming patayin ka!"

"Let me go!! Isusumbong ko kayo sa daddy ko!" Hanan shouted while crying.

"Ha! Mamaya tatawagan natin ang daddy mo!"

Pinilit kong tumayo pero ganoon na lang ang pamimilipit ko sa sakit ng may umapak sa balikat ko kung nasaan ang tama ng baril na natamo ko. "Aahhhhh!!"

"Sayang 'tong babaeng 'to. Maganda pa naman kaya lang wala eh, binuwisit mo ang boss ko." Sabi noong lalakeng umapak sa akin. Umupo siya sa gilid ko at hinawakan ang aking baba. "Boss baka pwedeng pagsawaan ko muna 'to bago patayin?" Tanong pa nito.

Nanghihina na ako. Unti-unting nagdidilim ang paningin ko but I can't lose my consciousness...not now! My daughter is in danger!

"Si---" Naputol ang sasabihin nito nang bigla itong tamaan ng bala sa dalawang binti at ganoon rin ang nangyari sa tatlong kasama nito. Lahat sila ay napahiga.

I scanned the area and saw Zone and his men running towards me. Thanks God!

"Milady!" Ani Zone nang makita akong nakahiga sa lupa.

"M-my daughter. Keep her safe." Nanghihinang sabi ko.

"We need to rush you in the hospital!" Dahan-dahan akong binuhat ni Zone. I looked at my daughter, she's still crying habang buhat-buhat siya ni Danger.

She was looking at me and I gave her a small smile. At least she's safe now.

---**---

"Milady,"

"How is she? Is she ok? Anong sabi ng psychologist niya?" Puno ng pag-aalalang tanong ko.

"According to her doctor she's still having nightmares but they admitted her here."

"Why?!"

"Dengue."

Natahimik ako. My poor baby. Katatapos lang ng nangyari sa kaniya tapos may dengue pa siya ngayon. "Can you bring me to my daughter?"

"But milady you haven't recovered yet. You still need to rest."

I was unconscious for two days at ngayon lang ako magising. The shot is not that fatal pero kinailangan akong salinan ng dugo at operahan dahil bumaon ang bala sa balikat ko.

"Please...I need to see my daughter." I begged.

He sighed. "I'll arrange it for you."

"Thank you, Zone."

After an hour ay nasa harap na ako ng pintuan ng kwarto kung saan naroroon ang anak ko. Kumatok si Zone habang ako ay nakaupo sa wheelchair. The door was opened by Tristan. His face is expressionless as he look at me. Hindi ko tuloy alam kunv ngingiti ako o kung ano kaya mas pinili ko na lang na iwasan ang kaniyang tingin.

"I'll just give you half an hour to be with my daughter."

That's more than enough. Malaking bagay na iyon para sa isang inang inabandona ang kaniyang anak. "Thank you."

Naglakad siya palabas. Ipinasok naman ako ni Zone. My daughter is sleeping. I held her hand. I was tearing up already nang magpaalam si Zone sa akin.

"My poor baby. M-mommy's here." I felt hot liquid streaming down to my cheeks. "I'm sorry if mommy came so late. Do you miss mommy? Kasi ako anak miss na miss kita." I kissed her hand. "Ang ganda-ganda mo. Manang-mana ka sa Daddy mo." I laughed while crying. I'm happy. Masayang-masaya ako because I got the chance to hold her. Wala akong ibang ginawa kundi hawakan ang kaniyang kamay at hangaan ang napakagandang mukha ng anak ko hanggang sa pumasok sa silid si Zone.

"Is it time?" Tanong ko

"You still have five minutes, milady."

"How's the culprits?"

"We disposed them." Disposed means nakakulong na. They can kill pero ayoko namang makapatay ng tao kahit na mukha at asal hayop ang mga gago. "And we found out that the nanny is an accomplice. All of them were in jail now but the duke asked us to torture them before handing them to the police."

Binalingan ko siya. "Philip knew?"

"Yes, milady. He will be here tomorrow and he wants you to go back in Spain with him."

"Ano?! Pupunta siya dito?!" Mahina pero madiin kong tanong. D*mn! Ano bang pumasok sa utak ng konde na iyon?!

"Yes. You know how much the Duke cares for you plus the little lord misses you."

I sighed. "Is it too much if I say no? I want to be see my daughter more often even though I can't be with her." I looked at my daughter. I missed eight years of her life. Kahit pa taon-taon ay pasikreto akong unuuwi ng Pilipinas para makita siya.

"The duke also said that if you want your daughter to be with you so badly he can do something about it."

I know I can do that too pero hindi ko gagawin. "Yes, I want to be with my daughter but if it means that I need to separate her from her father then my answer is no." I looked at the wall clock. "It's time. We need to go back."

Idée Fixe (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora