Chapter 13

4.6K 162 7
                                    

Chapter 13

Tristan

Buong umaga akong wala sa mood. Kung bakit naman kasi kailangan pa nilang magkita sa ospital?! Parang nananadya ang Simone na iyon tuwing pupunta ang girlfriend ko ay nandoon siya.

"Tristan, are you listening?" I looked at Sheila, isa sa mga kabarkada kong babae.

"No."

"May problema ka ba? Kanina ka pa wala sa mood." Aniya. Kaming dalawa lang ngayon ang magkasama dahil wala si Daniel at Foster. Absent ang mga gago. Dapat yata nag-absent na lang din ako para samahan si Safire.

My phone beeped. It's a text message from Safire.

Nag-lunch ka na ba?

Oorder pa lang. I replied.

Sa halip na magreply siya ay tinawagan niya ako. I answered immediately kahit na may tampo ako sa kaniya.

"Hello," Bati niya.

"Do you need anything?"

"Mainit pa rin ang ulo mo?"

I sighed. Medyo naguilty naman ako sa tanong ko. I heard her sigh. "Pwede bang lumabas ka? Nasa gate 1 ako. I brought some foods pero kung ayaw mo naman ng luto ko...uuwi na lang ako."

F*ck! Para siyang maiiyak sa kabilang linya and I want to punch myself for that. "Saf..."

She ended the call. Mabilis akong lumabas ng cafeteria not minding Sheila calling my name.

Tumakbo ako papuntang gate 1 and there I saw Safire with a paper bag. Nakatungo siya kaya hindi pa niya ako nakikita. Nilapitan ko siya and the moment our eyes met, I hug her.

"Sorry, I'm sorry." I apologized. Humiwalay ako sa kaniya kasabay nang matipid na ngiti na gumuhit sa kaniyang mukha.

Inabot niya sa akin ang paper bag. "Hindi ko alam kung ito ba ang paborito mong pagkain pero napapansin ko na napaparami ang kain mo kapag ito ang ulam so..." She bit her lower lip. "Aalis na ako. "

"Mahal, sorry na."

"Di naman ako galit so you don't have to say sorry. Kumain ka na, may mga klase ka pa."

"K-kumain ka na ba?" Tanong ko. Kung bakit naman kasi nagpakain pa ako sa selos?!

"Actually, that's for two. Sasamahan sana kitang maglunch pero mukhang bad trip ka naman sa akin kaya kumain kang mag-isa mo." Aniya na may halong pagsusungit sa kaniyang boses. Kanina lang ay para siyang maiiyak tapos ngayon ay sinusungitan na niya ako.

"Mahal."

"Uuwi na ko."

"Kumain muna tayo."

"Tristan!" Sabay kaming napatingin ni Safire kay Sheila. "Bakit iniwan mo ko sa cafeteria?"

Kita ko ang paghagod ng tingin ni Safire kay Sheila.

"Huwag na. Mukhang may kasama ka naman na." Safire said

"Mahal naman."

"Mahal? Why are you calling her mahal?"

"Ang ganda ng babaeng ito pero slow." Bulong niya.

"Who is she, Tristan?"

"My name is Safire and you are?"

"Sheila, Tristan's special someone."

"Sheila! That's not true, Saf. She's just my friend." Paliwanag ko.

"Aalis na ako. Pupunta pa akong ospital."

"Ihahatid na kita."

"Huwag na, dadalawin ko lang naman si Cha at magpapacheck-up na rin ako."

"Bakit? May sakit ka ba?! May masakit ba sa'yo?!" D*mn me for not knowing na may iniinda na pala siyang sakit at ang lakas pa ng loob ko na magtampo nang dahil sa pesteng sopas.

"Huwag na, magpapasama na lang ako kay Simone." Masungit na aniya. "Magsama kayo ng babae mo. Tabi!" She shoved me away sabay alis. Susundan ko na sana siya nang bumalik siya.

"I haven't introduce myself properly. I'm Safire and I'm pregnant." Aniya.

S-she's what?! Hinarap niya ako at inirapan. I was still shocked hanggang sa banggain niya ko. She's pregnant. My love is pregnant....I got her pregnant...Oh God! Is this a dream?

Nang makarecover na ako mula sa gulat ay hinabol ko siya. Nang mahawakan ko siya sa braso ay hinarap ko siya sa akin. "Repeat what you have said."

"Ayoko."

"Safire!"

"Pinagtataasan mo ko ng boses?!"

Mabilis akong umiling. "Hindi, hindi, mahal. I just want to confirm what I have heard." Masuyo kong sabi.

She sighed. "Ayoko, di pa naman sure." Tinanggal niya ang kamay ko na nasa braso niya. "Sige na, pumasok ka na."

"No, we need to confirm kung buntis ka nga o hindi."

"Ako na lang, Tristan. Babalitaan na lang kita."

Tinitigan ko siya ng matiim. I want her to know na kahit anong mangyari ay sasamahan ko siya.

"Fine pero ayokong sumakay ng motor." Aniya.

Alam ko at hindi ko rin naman siya hahayaang sumakay ngayon doon lalo pa at malaki ang posibilidad na buntis siya.

Pumara ako ng taxi at doon kami sumakay. "Teka, yung bag mo?" Aniya

"Ipapakuha ko na lang kay Sheila." Sabi ko.

Kita ko ang pagsama ng kaniyang mukha.

"She's just a friend." Sabi ko kahit wala naman siyang sinabi.

She tsked. "Tinatanong ko ba? Tsaka parang hindi iyon ang narinig ko kanina."

"Are you jealous?" Tanong ko na may halong ngiti sa aking labi. She's jealous and pregnant. This is the happiest day of my life.

"No."

"No?"

"Why are you smiling?" Kunot na kunot ang kaniyang noo.

"You are jealous." Sabi ko.

"No!" Pulang-pula na ang kaniyang pisngi sa inis. Ok, she's cute and I want to laugh pero hindi magandang inisin siya ngayon.

Lumapit ako sa kaniya at niyakap siya. "Thank you, love."

"Alam mo napapansin ko sa'yo paiba-iba ang tawag mo sa'kin. Siguro marami kang babae at nakoconfuse ka na!" Aniya sabay kurot sa hita ko.

Hindi ko na napigilan ang tawa ko kahit na medyo nasasaktan ako sa kurot niya. "Mahal naman, ikaw lang ang babae ko pero baka maging dalawa na kayo kapag naging babae ang baby natin."

"Di pa nga sure!"

"Sure na 'yan, mahal. Sharpshooter yata ako!" At kung hindi pa siya buntis gagawa ako ng paraan para mabuntis at mapikot ko siya.

"Ewan ko sa'yo, Tristan. Sa lahat ng lalakeng nakabuntis ng girlfriend, ikaw ang masaya."

I smiled. That was my plan all along, to get her pregnant para wala na siyang kawala sa akin.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now