Chapter 22

3.5K 121 12
                                    

Chapter 22

Safire

"So you are going to be my yaya po?" Tanong ni Hanan sa akin nang sabihin ni Tristan na ako ang magiging yaya niya.

"Yes, baby girl I will be your nanny. My name's Safire."

"Really? Pero di ka po ba mayaman? Mukha ka pong rich."

Napangiwi ako. When she saw me before I was wearing stilettos, may birkin bag pa ko.

"Stop asking questions, Hanan. From now on she will be your nanny."

"Ok po." Sabi niya kay Tristan. "Anyway po, hindi na po ba masakit iyong sugat niyo?"

"Hindi na." Pagsisinungaling ko.

"Talaga po? Pero nakita ko po kasi iyong isang bad guy na tinapakan iyong sugat niyo po tapos nagdugo po ng marami then you shouted po." Aniya habang may takot at pag-aalala sa kaniyang mukha.

Binigyan ko siya ng napakatamis na ngiti. "You should forget about that. Hindi na mauulit iyon."

Tumango-tango si Hanan. "Wait lang po, may gift po ako sa inyo." Tumakbo paalis si Hanan kaya naiwan kaming dalawa ni Tristan sa sala.

I heard him cleared his throat kaya napabaling ako sa kaniya. "How's your wound?"

"The doctor said that I still need to rest but don't worry I'll live." Hindi naman ito ang unang beses.

"What did you say?"

"Huh?"

"Repeat what you've just said." Aniya na parang may nasabi akong nakakagalit.

"The doctor said that I still need to rest but don't worry I'll live?" Ulit ko na may patanong sa dulo. "May masama ba sa sinabi ko?"

Hindi na siya nagsalita kapagkuwan ay bigla na lang akong nilayasan.

"Anong nangyari doon?"



Tristan

"The doctor said that I still need to rest but don't worry I'll live." She said then mumbled something. "Hindi naman ito ang unang beses."

Ibig sabihin ay nabaril na siya noon? D*mn! She's a duchess! Maraming taong nakabantay sa kaniya paanong mababaril siya?!

I took my phone out and googled if there's an incident na nabaril siya. At nang may lumabas na resulta ay parang nakatikim ako ng napakapait na pagkain.

The Duchess took the bullet for the love of her life

So she took the bullet for her husband. She took two bullets na muntik na niyang ikamatay para sa lalakeng hiniwalayan naman siya! Great! Mahal na mahal niya iyong tarantadong iyon. Kaya nga nagawa niya kaming iwan!

"F*ck!" Mura ko. Bakit hanggang ngayon masakit pa rin?! It's been eight years! Ang tagal niyang nawala! I waited for her! Kahit na ipinagtabuyan niya ako ay umasa pa rin akong babalikan niya kami ni Hanan but I stopped waiting when I heard that she gave birth. She gave birth and the whole Spain celebrates kasabay nang tuluyang pagguho ng pag-asa na babalik pa siya. I felt hot liquids streaming down my cheeks. Lahat ibinigay ko sa kaniya. Minahal ko siya ng sobra pero sa huli ay iniwan pa rin niya ako.


Safire

"Thank you po for saving me." Aniya pagkatapos niya i-abot ang card na ginawa niya.

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now