Chapter 33

4.1K 145 12
                                    

Chapter 33


Tristan


Dalawang araw uli ang lumipas. Hindi ko pa rin binubuksan iyong voice mail niya dahil natatakot ako. Natatakot ako na marinig doon na iniwan niya ako dahil mahal niya si Philip. Hindi ko kakayanin kapag nangyari iyon but now I want to hear it. I want this to end once and for all even though it can kill me or make me happy and I really hope it will be the latter. Nagbuga ako ng malalim na buntong-hininga. I pushed the play button.


"Where should I start? Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko uumpisahan. I left not because I wanted to." I heard sigh. I feel like my heart will burst anytime. Kinakabahan ako. "I am genuinely happy with you...sa inyo ni Hanan at akala ko lalo akong sasaya kapag nakilala ko na ang aking ama. I grew up without him at kahit naging mabuti ang step father ko sa akin ay pakiramdam may kulang. My mother never mentioned his name. Wala akong alam sa tatay ko. I thought I will be completed kapag nakilala ko siya...When I first met him sa halip na yakap ang isalubong niya sa akin ay isang napakabigat na utos ang gusto niyang ipagawa sa akin. He wanted me to marry Philip, a duke in Spain. Syempre humindi ako. I have you and Hanan. I mentioned our upcoming wedding na ikakasal na ako sa lalakeng mahal ko but---" She sobbed.

"But he doesn't take no for an answer. Pinagbantaan niya ako. He will kill you and our daughter...at first hindi ako naniwala. He couldn't possibly do that. Hindi niya gagawin sa akin iyon kasi anak niya ko kaya itinuloy ko pa rin ang kasal natin b-because I am determined to be with you for the rest of my life. Hindi ko pala siya kailangan, hindi ko kailangan ang sinuman because all I need in my life is you and our child." She cleared her throat. Ilang segundo ang hinintay ko bago siya magsalitang muli. My eyes watered. "On the day of our wedding...masayang-masaya ako, Dy. Masayang-masaya pero sa halip na dalhin ako ng driver sa simbahan ay sa isang mataas na building ako dinala. It was my father who took me. He let me watch---pinakita niya kung gaano k-kahalang ang kaniyang bituka. Nakita ko kung paano patayin ng tauhan niya ang driver mo dahilan para maaksidente ka. Binalaan niya ako. Ikaw na ang susunod niyang papatayin kapag hindi ako sumunod kaya wala akong nagawa kundi sumama. I can't let him kill you. I can't. Hindi ko kakayanin, Dy." She cried. "Ni hindi ko nagawang magpaalam sa inyo. I'm sorry, Dy. I'm so sorry for leaving you." Nanginginig na aniya. "Mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo. I'm sorry kung hindi ako agad nakauwi. I'm sorry if I missed eight years of our daughter's life. God knows how much I wanted to go back pero hindi pwede eh. I rather die than to live and let you be killed. And about Grey, he's not really my son." Hindi niya anak ang bata. Ibig bang sabihin noon ay--- "Ikaw lang, Dy. Ikaw lang. Grey is Philip's son with another woman pero pinalabas namin na akin siya for his safety. And the day you went to Spain, I badly want to throw myself in your arms pero hindi pwede. Noong pinapaalis kita that's my way to save your life...I won't go into details siguro sa personal ko na lang sasabihin kung napagdesiyunan mo na gusto mo pa rin ako sa buhay mo. D-dy, please take me back. Gusto ko na kayong makasama. Ituloy na natin iyong plano natin. Iyong sampung baby." She chuckled kahit na umiiyak pa rin siya. "Pero may Sara ka na...if you decide to choose her wala naman akong magagawa doon. Mas maganda naman kasi siya sa akin, di ba? Kung bakit kasi hindi ako pinanganak na maganda. Iyong gandang nananampal. Iyong nagsasabing lumayas kayo diyan akin ang lalakeng ito." Tumawa uli siya pero ramdam ko iyong lungkot. Wala kaming relasyon ni Sara. Gusto kong isigaw pero pinaalala kong voice mail lang pala ito. "Kung si Sara ang pipiliin mo ok lang ba kung itext mo na lang ako? Tapos aalis na lang ako. Then huwag ka ng magpakita sa akin kasi baka magmakaawa na naman ako o kaya naman ay itali na lang kita bigla sa kama. Basta kapag siya na talaga text mo na lang ako para hindi masyadong masakit. Maawa ka ng very slight sa akin. I won't say goodbye in this voice mail kasi syempre umaasa pa rin ako na ako pa rin...sana ako pa rin, Dy. Sana ako pa rin. I love you so much and hey! Tutal mahal na mahal kita pipikutin na kita. I'm pregnant, Dy. Sana ako ang piliin mo." And it ended.


My tears cascade. Halo-halo na ang aking nararamdaman pero mas matimbang ang kaligayahan. She never cheated on me. Ako lang ang minahal niya at mahal niya and now she's pregnant again. I got her pregnant again.


Biglang pumasok sa isip ko ang mga ginawa kong katarantaduhan sa kaniya. F*ck! Gusto kong i-umpog ang ulo ko sa pader but now is not the right time for that. My Safire is waiting for me. Mabilis akong nagbihis. Alas-nueva na ng gabi siguro naman ay gising pa rin siya. I went to the garage at sumakay sa Bugatti ko. The gate opened, I was ready to go pero natigilan ako nang may limousine na nasa harap ng gate ng bahay ko. Nagsalubong ang kilay ko nang bumaba roon si Philip at ang butler ni Safire. What are they doing here? Bumaba ako sa kotse ko at sinalubong sila.


"What are you two doing here?"


Safire's butler looks like he visited hell. Puno ito ng galos, sugat at nakabenda braso.


"Let's talk." Philip talked.


"About what?"


"About Safire. I bet you know me already. I am Safire's ex-husband."


"I don't want to talk to you. I want to talk to Safire." Sabi ko. Kahit na alam ko na ang totoo ay naiinis pa rin ako sa lalakeng ito. Nagseselos. He was with my Safire for eight years.


"Safire loves you." Panimula niya na umagaw ng pansin ko. I know that. "I'm here to clear her name. She married me for your sake."


"I know that already."


"You knew?"


"Just now. Two days ago she sent me a voice mail."


"You received a voice mail two days ago and you just opened it now?!" Galit na tanong niya. "F*ck! You're an idiot!"


"You don't know me so don't call me idiot!" Nagtaas na rin ako ng boses. Wala akong pakielam kung isa pa siyang duke nasa pamamahay ko siya kaya wala siyang karapatang sigawan ako.


He looked at me sharply. "I don't see enough reason why did she fell for someone like you. Obviously, you don't care about her. I can't believe she took a bullet for a bastard like you."


Nagsalubong ang mga kilay ko. "She didn't tell you?" Napailing siya. "That woman is selfless!" Galit na siya but I don't f*cking care. Hindi ako natatakot sa kaniya.


"My lord." Zone said.


"What?! I can't believe that she risked her own life for this bastard!" Bigla akong kinuwelyuhan ni Philip. "You don't f*cking deserve her!"


"I know that pero hindi ko siya ibibigay sa'yo."


Inis na binitawan niya ako. "I bet you heard on the news that she took two bullets for me."


Alam ko iyon. Anong gusto niyang palabasin? Na minahal siya ni Safire? I tsked.

"Those bullets were not for me. The truth is those were for you and your daughter." Aniya


"What?"


"Zone, talk to that bastard." He said then went inside his car.


"What is he talking about?"


Zone sighed. "Milady loves you so much, my lord. Every year she's coming back here just to see you and Lady Hanan for one day but it was stopped when Mr. Rosietti knew about it. He told Lady Safire that he will kill you and your daughter. She begged for you lives but...Mr. Rosietti didn't listen so she asked her father if she can take those bullets herself. One bullet for you and one bullet for you daughter."


Para akong naubusan ng dugo sa sinabi niya. Ginawa niya iyon? F*ck!


"I need to talk to her." Tatalikuran ko na sana siya para sumakay sa sasakyan ko nang bigla siyang lumuhod.


"I'm sorry. I'm so sorry but I failed to protect her." He said.


One or two chapters then epilogue na. Thanks for reading!

Idée Fixe (Completed)Where stories live. Discover now