Chapter 17 - Aisa's Plan

131 5 0
                                    

Chapter 17

Sam's POV

Lunch na namin at hinahanap ko si Blast dahil tatanungin ko s'ya kung saan kami pupunta mamaya, hindi n'ya kasi ako nasundo kanina dahil nalate s'ya ng gising.

"Sam kanina ka pa palinga-linga d'yan ah, sino hinahanap mo?"

"Si Blast hinahanap ko, may date daw kasi kami mamaya sabi n'ya sa 'kin kahapon tatanong ko lang sana kung saan kami mamaya." Tanong sa 'kin ni ate Cassie na napatigil sa pagkain n'ya.

"Ayun si Blaster oh." Turo ni Scarlet sa papasok na grupo sa canteen, "kasama sina Camilla."

"Himala at di nakadikit si Aisa kay Blaster." Agad naman akong napatingin, oo nga no.

"Dapat lang ate Cassie, jowa na ni Blaster si Sam eh. Gusto mo lapitan Sam, para matanong mo na?"

"Nahihiya ako, tetext ko na lang." Nginitian ko naman sila, kinuha ko ang phone ko at tinext si Blast.

Blasty
+639* **** ***

Me:
Blast, san nga pala tayo pupunta mamaya? Or tuloy pa ba tayo mamaya?

Tinignan ko naman s'ya at nakita kong hindi n'ya pa napapansin na may nagtext sa kanya. Okay lang, siguro naman magrereply s'ya mamaya.

"Sam... Scarlet... samahan n'yo ko sa cr, naiihi ako."

"Sige unnie, balik lang natin tong mga plato natin sa pantry." Sagot ko, tumayo na kami. Tumingin ulit ako kay Blast na parang kanina pa di mapakali.

Ano kayang meron? Parang lahat sila worried may problema kaya?

Pagkatapos namin ilagay ang mga plato namin lumabas na kami dahil may malapit naman na exit dito.

Pagkarating namin sa cr agad kong nilabas ulit ang phone ko at tinext si Blast.

Blasty
+639* **** ***

Me:
Blast, may problema ba kayo? Ayos ka lang ba? If gusto mo wag muna natin ituloy yung date natin, ayos lang sa 'kin.

Nagulat naman ako na nagreply agad si Blast pagkatapos ng ilang minuto.

Blasty:
Nope babe wala kaming problema, tuloy tayo mamaya. Wait me at the park after ng class okay? Sorry di kita masusundo may gagawin lang kami ni Vin tapos puntaha kita agad.

Me:
Okay, see you!

Napangiti naman ako, tuloy kami mamaya. Buti na lang dinala ko yung bracelet na ibibigay ko sa kanya, ginawa ko yon kagabi eh bago ako matulog.

"Ano ate Sam, nagreply na ba si Blast?" Tanong sa 'kin ni Scarlet.

"Oo nga, san kayo pupunta ng pinsan kong unggoy?" Tanong naman ni ate Cassie kahit na nasa loob s'ya ng cubicle.

"Hmm sabi n'ya magkita daw kami sa park eh, hindi n'ya daw ako masusunod."

"Hatid ka na lang namin sa park ni Scarlet, para naman sure kami makakarating ka ng safe dun." Sabi ni ate Cassie nakakalabas lang sa cubicle.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang