Chapter 9 - Let's Talk

166 9 0
                                    

Chapter 9

Sam's POV

After nung nangyari kanina, hindi namin makausap si Cassie. Basta ang alam namin ni Scarlet galit sya, galit na galit. Paano namin nasabing galit sya? Kasi sinagot n'ya kanina si Kuya Indigo eh crush na crush n'ya yon eh.

"Sam kausapin mo nga si Cassie sabihin mo uwian na, kanina pa nagring yung bell oh." Sabi ni Scarlet sa 'kin, kanina pa kasi naka yukom yung kamay ni Cassie tapos masama tingin sa blackboard, tumango ako sa kanya at binaling ulit ang tingin kay Cassie.

"Cass, uwian na. Tara na, wag ka na magalit masyado dyan." Bulong ko sa kanya na may kasamang tapik, nagulat ako nung nagsalita sya at tumingin sa 'kin.

"Sam bakit ganyan ka? Muntik ka na mamatay nung nakaraan pero hindi ka man lang nagalit sa kanila. Tapos ngayon gusto ka pa pagtripan ng pinsan ko, di ko man lang nakita yung inis sa mukha mo. Bakit ba ang bait-bait mo ha? Di nila deserve yung ganyang treatment eh, dapat nagagagalit ka sa kanila." Lumuluhang sabi ni Cassie.

Lumapit si Scarlet at umupo sa mesa ni Cassie tsaka nagsalita.

"Cassie naman, kilala na natin simula pagkabata si Sam... 'wag ka ng magtaka na ganyan kabait yan." Sabi ni Scarlet.

"Yun na nga Scarlet eh, dapat kahit papaano tinuruan man lang natin sya lumaban..." Sabi ni Cassie.

I smiled at them, "Cassie, alam mo nakakasama sa katawan natin pagmay dinadala tayong sama ng loob. Kaya hindi ko na lang pinapansin yung mga sinasabi nila, kasi mas gusto kong intindihin yung sinasabi nung mahal ko sa buhay... yung sinasabi nyo. Pasensya na, ayoko talagang lumaban eh kasi pagnilabanan ko sila ako ang magmumukhang masama sa huli."

"Hay! Kaya mahal na mahal ka namin eh, meron kang malaking puso. Kung ako ikaw, naku, pinagbubugbog ko na sila."

"Sorry din Sam, sa mga sinabi ko."

"Group hug nga tayo, tama na iyak Cass."

~~~♡~~~

Naglalakad na kami papunta sa gate ng may biglang humarang sa 'min, walang iba kundi ang 7 Kings.

"Stop." Sabi ni kuya Gemini.

Sinamaan lang namin sila ng tingin, pumunta sa harap ko sina Cassie at Scarlet pero nakaharap pa rin sa kanila. Hinarang nila yung kamay nila, para bang prinoprotektahan nila ko.

"Ano na naman bang problemahan n'yo ha?"Sabi ni Scarlet sa kanila, "'Di ba sabi nga ni Cassie tigilan n'yo na si Sam. 'Di n'yo ba naintidihan yung sinabi nya?"

"Scarlet, wag ka makisawsaw dito--" sabi ni Julian, bestfriend ni Scarlet.

"WAG MAKISAWSAW!? WOW JULIAN! HINDI MO ALAM NARARAMDAMAN NAMIN NUNG NANDUN KAME PERO HINDI MAN LANG NAMIN NAPROTEKTAHAN SI SAM."

"Scarlet, calm down. Hayaan na natin sila, Sam and Scar tara na, baka makaupak pa ko ng tao dito." Sabi ni Cassie na may galit sa kanyang salita.

Maglalakad na ulit sana kami nang biglang magsalita si Blast, "Sam, let's talk."

Napatingin naman ako sa kanya, nakita ko yung sincerity niya.

"Cass...Scar, mauna na kayo, susunod ako."

"Pero Sam...?"

I just smiled at them, "We'll wait for you at the gate." Cassie said and pulled Scarlet with her.

"Guys, let us talk privately." Sabi naman ni Blast, tinanguan lang naman s'ya nung mga tropa nya at umalis na.

"A-ano ba kailangan mo sabihin? B-bilisan mo, ayoko magalit n-naman sa 'kin si Aisa."

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now