Chapter 46 - Pulled the Trigger

93 5 3
                                    

Chapter 46

Sam's POV

We were laughing about the joke Scarlet said, when someone talk behind us.

"Hi Girls! Anong pinag-uusapan n'yo?" She asked, lumingon kami sa kanya at irita naman s'yang tinignan ng dalawa naming kasama.

"Wala ka na dun, pwede ba umalis ka dito Aisa?"

"Still bitter? Hindi naman kayo ang inaway ko dati ah, why so mad?"

I just look at them, sobrang sama na ng tingin ni Scarlet kay Aisa. Akmang sasabunutan n'ya na ito ng pigilan s'ya ni ate Cassie. "Stop. Aisa, pwede ba lumayo ka sa 'min?"

"Bakit ba sa akin ka'yo nagagalit? Ako ba ang nakipag-bet ha? Samantalang hinayaan n'yo ngang maging jowa ng salingketket n'yong kaibigan ang may pakana. Ikaw naman Lorein, hindi ko alam bakit ka pa dikit ng dikit sa kanila."

Agresibong lumapit si Scarlet at hinarap si Aisa, "Oo hindi ikaw ang nakipag-bet pero tatandaan mo ikaw ang dahilan bakit nakidnap at muntik mapahamak si Sam!"

"Wala karing karapatan para mamili kung kanino didikit si Lorein." Sabi naman ni ate Cassie.

"Barbie Doll, 'wag mo akong matawag-tawag na salingketket!"

"Did you call me barbie doll because I'm---"

"Oo maganda ka, plastik ka naman in short Barbie Doll. Pwede din namang Barbeque kaso baka mangamoy ka, plastik ka pa naman."

Hinila kami ni Cathlyn papalayo roon.

Nagtungo kami sa may Secret Garden ng school, wala namang klase dahil may mga meeting ang teachers.

"Nang-gagalaiti pa rin talaga ako sa kanya." Marahas na umupo sa damuhan si Scarlet.

"Hinding-hindi ko talaga kakayanin makipag-plastikan dun, masyado s'yang professional tang*na." Sabi naman ni Scarlet, tumabi naman sa akin.

"Pero may tama s'ya eh..."

"Huh?" Takang tanong ni Cathlyn.

"Dapat hindi ko sila patawarin lalo na sina Blaster at Vin pero labas ka dito Cathlyn. Muntik ko ng makalimutan kung ano ba talaga ang pinunta ko dito."

"Ano ba talaga ang plano mo?" Tanong nilang tatlo sa akin, nakatutok sa akin ang kanilang atensyon.

"Tsaka ko na lang sasabihin kapag buo na ito at pagdesidido na akong gawin, sa ngayon kasi parang nag-aalangan ako."

**✿❀ ❀✿**

Nakaubob ako sa desk namin, ang tagal kasing dumating ng teacher namin sa first class.

"Good Morning everyone!"

Inangat ko na ang aking ulo, nagulat ako sa lalaking nasa harap namin ngayon.

"...I want to introduce to all of you, Mr. Fyre Kim."

"Hello Everyone, I am Fyre Kim! I'm not new student here in Lux Prim, so most of you know me already." He just smiled and wink.

Napairap naman ako dahil duon, malandi rin pala itong lalaking ito no?

Tinignan ko s'ya ng masama nung umupo s'ya sa tabi ko. "Bakit ka dito uupo?"

"Sorry about--"

"Shut up." Tumingin na lang ako sa unahan.

Ngayon ay nasa may canteen na kami, lunch na kasi as usual dun kami sa table na malaki.

"Vin, di 'ba si kuya Fyre yun?" Tanong ni Julian na katabi ni Scarlet.

"Saan?" Sagot naman ni Vin sa kanya na nasa pagitan ni ate Cassie at Cathlyn.

"Sa may entrance."

Napatingin naman ako sa may entrance, s'ya nga. Napatingin s'ya sa may banda namin at agad s'yang tatakbong pumunta dito.

"May I join here?"

"Oo naman."

"No."

Nangibabaw ang sagot ni Blaster dahil s'ya lang ang hindi pumayag. Tinignan naman namin s'ya nang may pagtataka.

"What y'all looking at? Sa ayokong kasama yang mokong na yan dito sa mesa eh." Sagot ni Blaster.

"Ang babaw mo! Sige Fyre upo ka lang kung saan mo gusto umupo." Sabi naman ni kuya Leo kaya wala namang nagawa si Blaster, si Fyre naman ay umupo sa tabi ko bale napagigitnaan ako nina Blaster at Fyre.

**✿❀ ❀✿**

Naglalakad na ako papunta ng parking ng may nagtext sa akin, unknown number.

I looked at it and nakita kong voice clip lang ang laman. I played it and I was shocked by the content of it.

"Tell me, mahal mo ba yung Sam na yun?"

"No, I will never love that Nerd. Pinaglalaruan ko lang s'ya Aisa, ikaw ang mahal ko."

Nabitawan ko ang phone ko, gusto kong manginig sa galit. Whoever the person na nagsend nito, thanks to him I made my decision.

Dali-dali akong pumunta sa kotse pero may biglang humablot sa akin, niyakap ako nito ng mahigpit at hinaplos ang buhok ko.

"Sobrang namiss kita..."

"Let go of me."

"Sama---"

"Don't you dare call me in that name ever again!"

"I'm sorry, I should have told you na matagal ko ng alam. I promise I did tried to warn you but you are blinded by that love you had with him."

"I SAID LET GO OF ME." Marahas ko s'yang tinulak, dahilan para mabitawan n'ya na ako. "You were there nung ginawa nila yung bet, you should have stop them." Hindi ko inaasahan na tumutulo na pala ang mga luha na nanggaling sa aking mga mata.

"I DID!"

"NO YOU DON'T!"

"I DID BUT THEY DON'T LISTEN TO ME, I TRIED TO TELL YOU NOT TO FALL WITH HIS TRICK AND YOU ALSO DID NOT LISTEN. IS IT MY FAULT?"

Rumaragasa na ang luha at nanghihina na ang aking nga tuhod.

Hinawakan n'ya ang balikat ko at lumuhod din para magkalevel na kami, "Please, listen to me. Bumalik na tayo nang Korea. Forget about that fvcking revenge of yours, let the karma eat them--" Hinawi ko ang pagkakahawak n'ya sa akin, tinulak ko s'ya dahilan nang pagkakahiga n'ya sa sahig.

Agresibo akong tumayo at igting ang pangang nagsalita, "Alam mo kung gaano kasakit sa akin yung ginawa nila... Alam mo rin kung gaano ako nagdusa tapos sasabihin mo sa aking huwag ituloy ang gusto kong gawin sa kanila? Anong karapatan mo? Hayaan yung karma na maghiganti para sa akin? Kulang ang karma sa ginawa nila, gusto kong maranasan nila ang naranasan ko."

I walked away.

I'm sorry Fyre but they pulled the trigger, kailangan nilang harapin ang balang sila mismo ang nagpakawala.



**✿❀ ❀✿**

Dear readers,

UWAAHHHH!! NAPAUPDATE NG WALA SA ORAS KASI NAINSPIRE AKO SA 4K+ total reads 😭

Grabe! 😭 Weyt lang, iyak lang ako huhuhu

Salamat sa inyong nagtsatsaga basahin ang story ko, hindi ko ito ineexpect pero salamat!

Nangangako akong tatapusin ko itong story na to. Sana lang matapos ko to by this year HHAHAHA para makamove na tayo sa ibang stories.

Please do share your thoughts hihi sobra akong nag-eenjoy basahin nga comments n'yo.😊💗 Salamat ng marami, Iloveyou all!! 💗

~Modernong Psyche

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now