Chapter 7 - Weird Day

174 9 0
                                    

Chapter 7

Sam's POV

Naglalakad ako sa hallway at halos lahat ng estudyante na pumunta sa party nung nakaraan eh kinakamusta ako.

Puro pagngiti na lang ang sinasabi ko at minsan eh tango na lang, hindi ko kasi matagalan ang atensyon na binibigay sa 'kin ngayon eh.

Napatigil ako ng may nakaharang sa harap ko habang naglalakad ako, "Sam, kamusta ka? Ayos lang ba pakiramdam mo? Pwede ba sa susunod tumungo ka naman pagnaglalakad? Para naman nakikita mo kung may mababangga ka ba or madadapa ka, okie?" Sabi ni kuya Raven, hindi naman sya sarcastic at nakangiti naman sya.

Nginitian ko na lang sya tapos yumuko ulit at lalagpas na sana nung bigla akong hinigit ni Blast, "Di ba sinabihan ka na na wag kang yuyuko pagnaglalakad, ano gusto mo na naman mapahamak?" Tinignan ko lang sya na may pagkagukat sa aking mga mata, kasi nagulat ako sa inaakto nya ngayon.

"Blaster bitawan mo na sya, hayaan na natin si Sam." Sabi ni kuya Kiel, nag-'thankful look' na lang ako kay kuya kasi di ko talaga alam sa sabihin ko, "Masyado na tayong gumagawa ng eksena, tara na."

Binitiwan nya naman ako ng malakas at umismid, nagulat ako dun sa susunod na nangyari.

"Babye Sam, see you arounnnd!!!" Sigaw nila, pwera kay kuya Leo na nauna sa kanila at kay Blaster na bad mood.

Okay, anong meron ngayon?

Pumasok na ko ng classroom at mas lalo pa kong nagulat sa sumalubong sa 'kin. Lahat sila sa 'kin nakatingin, tumingin ako sa orasan ko at di pa naman ako late bakit sila nakatingin sa 'kin? Nagulat ako ng paglakad ko papunta sa upuan ko, nakatingin pa rin sila tapos binabati ako ng nakangiti.

Ano ba talagang meron?

Tinignan ko yung dalawa kong katabi which are Scarlet at Cassie, pero tinignan lang nila ko na 'let's talk later' .

Ano ba kasi talaga mayroon? Sobrang naweiweird-an ako, may nangyari ba na di ko alam? Baka nalaman na nilang ako si Lorein? Shemaaayyy! Di pwede, not now and it will never happen.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now