Chapter 39 - Warm Welcome

132 7 0
                                    

Chapter 39

Sam's POV

Naglalakad na kami papunta sa kung saan nanduon ang mga susundo namin sina kuya Kiel. Tama lang ang lakad namin papunta ruon, nakita naman namin na kumakaway-kaway na sina ate Cassie duon kaya agad akong tatakbong lumapit sa kanila.

"Oh My God! I missed you guys!" Niyakap ko sila, napatingin naman ako sa babaing halos kasing tangkad ni Scarlet tsaka ako nagsalita. "You are Cathlyn?" Tumango naman s'ya at ngumiti sa akin.

"Welcome home! It's nice to see you, Sam." Nginitian n'ya ako kaya naman niyakap ko s'ya.

"Finally! I met the person they always talkin' about. Oh guys! I want you to meet Laira Washington, my friend I was talking about. S'ya yung lagi kong kasama sa Korea." Sabi ko sa kanila, never pa kasi nila nakita si Laira. It's either nasa bahay na s'ya at nagpapahinga or busy sila kada magakasama kami ni Laira.

"Hello!" Niyakap naman agad s'ya nina Scarlet at nagpakilala naman sila.

"Ano magyayakapan lang kayo d'yan? Aba kanina pa nakabusangot itong si Zendrick, arat na." Sabay mayabang na naglakad palabas ng airport si kuya Zenon.

Sumunod naman sina kuya Zendrick at kuya Kiel sa kanya tsaka kami nagsipaglakad, sina mommy naman ay sumunod sa amin.

Dalawang van ang sinakyan namin, sina mommy sa may kabilang van tapos kaming mga bata dito.

Bali ang pwesto namin ay sa unang row ay sina Kuya Kiel, Cassie at Scarlet. Tapos kami sa pangalawang row nina Cathlyn at Laira, nasa likod naman ay sina Kuya Zenon at Kuya Zendrick.

"Kamusta ang Korea?" Tanong ni kuya Kiel sa 'min.

"Ayun Kiel, Korea pa rin sa south nga lang." Tawang-tawang banat ni kuya Zenon dito, binatukan naman s'ya ni kuya Zendrick dahil sa kakornihan nito.

"Napaka-peaceful dun kuya Kiel, umuwi ka din kasi dun paminsan-minsan." Sahot ko dito.

"Next time, kapag may time na. Nga pala kuya Zendrick may kailangan  tayong pag-usapan, tungkol sa Primo."

"Sige, mamaya na natin pag-usapan." Tipid na sagot nito at pumikit.

Nagsipagtaasan ang balahibo ko nung para na lang may dumaang anghel na naging dahilan para matahimik kaming lahat. Nakita namin na nauna na ang sasakyan nina Daddy.

Medyo malayo na rin ang narating nina Daddy at halos di na namin sila makita, nagulat ako nung biglang dumaan kami sa masukal na lugar.

"Kuya, bakit po tayo dito dadaan? Hindi naman natin ito dinaanan kanina ah." Tanong ni Cassie, kahit ako man ay nagtataka.

"Shortcut po ito ma'am." Medyo binata pa ang boses nung driver, hindi ko maaninag ang mukha n'ya dahil naka-face mask s'ya.

Hindi na namin ito qinestion dahil driver naman s'ya at alam n'ya ang ginagawa n'ya. Matutulog na sana ako nung bigla s'yang tumigil sa kalagitnaan ng pagmamaneho n'ya.

"Saglit lang po, iihi lang po ako." Bumababa ang driver at pumunta sa medyo masukal na banda.

"Hawakan n'yo maigi mga gamit n'yo, hindi maganda pakiramdam ko dito." Sabi ni kuya Zendrick, "Kiel, may dala ka ba d'yan?" Tumango naman si kuya Kiel, "Alam n'ya?" Umiling naman ito bilang sagot. "Tawagan mo sila, mas maiging maingat tayo. Isend mo sa kanila ang location natin, convoy kamo. Tell them to go here faster or they will receive punishment from me."

Gulong-gulo man ako sa pinagsasabi ng kuya ko ay mas kinakabahan ako para sa 'min. "May paparating na sasakyan mula sa likod, asan na ba yung driver natin?" Sabi ni Zenon.

"Ahm... Hindi lang sa may likod galing, mayroon din sa harap at mukhang marami sila." Sabi naman ni Scarlet.

Shit!

"Oh my God! Lorein, anong nangyayari?"

"May kalaban." Sagot ko kay Laira, napahawak naman s'ya sa braso ko.

Medyo malapit na ang mga sasakyan, nagulat ako ng may idistribute si kuya Zendrick na baril at kutsilyo.

Kami nina Scarlet, ate Cassie, Kuya Kiel at kuya Zenon may hawak na baril. Sina Kuya Zendrick, Cathlyn at Laira ang may hawak ng kutsilyo.

Unang lumabas si kuya Kiel kasama si ate Cassie at Scarlet sumunod si kuya Zenon kasama si Cathlyn, kami naman nina Kuya  Zendrick at Laira.

Nag-aabutan kami ng spare na baka kasi just in case na magkaubusan ay may pamalit kami. Halos lahat naman lami ay nakapag-aral ng martial arts, hindi ko lang alam if marunong si Cathlyn; si Laira sigurado akong marunong s'ya humawak ng kutsilyo.

"Huwag tayo maghiwalay-hiwalay..." Bulong ni Cathlyn, hindi na kami makaalis sa pwesto namin dahil malapit na ang mga kalaban. Tinago namin ang mga armas na hawak namin nung makita naming malapit na talaga sila sa karuruonan namin.

Bali na sa likod namin nina Kuya Zendrick,  Cathlyn at Laira sina Kuya Zenon, Scarlet, ate Cassie at Kuya Kiel.

Napalingon kami sa mga sasakyan na tumigil sa may kaliwa namin ganundin sa kanan.

Bumababa ang isang lalaki, hindi ito katangkaran at medyo may pagkamoreno. Mas nakakatakot ang aura n'ya kumpara sa dalawang grupo na dumukot sa 'kin.

"Kamusta Zendrick?" Nakangisi nitong sabi, may parang tahi ito sa may kilay. Malamang s'ya ang leader ng grupong ito, lahat halos sa kanila ay may tattoo sa likod ng palad at s'ya lang ang wala nun bukod pa roon ay nakapalibot sa kanya ang mga tauhan n'ya.

"Hindi mo man lang ba sasagutin ang tanong ni Kalix?" Tanong ng lalaki mula sa likod namin, agad naman s'yang tinutukan ng baril ni kuya Kiel. Dahil dun ay inilabas na din namin ang sandata namin, ganundin sila.

"Hayaan mo s'ya kung ayaw n'ya sumagot Cape, ganyan talaga kapag masyadong mapagmataas."

"What do you need?" Matapang na sabi ko.

"You are Samantha Zailyn Lorein? Akalain mo nga naman na sumobra na ang ganda mo kumpara noong bata ka pa... Pwedeng-pwede na." Mas ikinainis ko ang sinabi n'ya kaya naman ikinasa ko ang baril ko at tinututok sa kanyang ang baril, akamang babarilin ko na s'ya nung magpaputok si Kuya Zendrick.

Nagulat ako dahil nagpalit na sila ni Kuya Zenon ng hawak kaya n'ya iyun na gawa.

"Andami mong dada Kalix, sabihin mo ang kailangan n'yo."

"Gusto ko lang sabihin na..." Tumalikod na s'ya at tumigil, inangat n'ya ang kanang kamay at nagulat ako ng magpaputok ang mga tauhan nila. Agad kaming napagulong at pinagbabaril sila.

Binaril ko ang isa sa mga kotse nito para hindi sila makaalis pa, laking gulat ko na ganundin ang ginawa nila. May pilit silang inaasinta sa may van namin, nanlaki ang mata ko ng may makita akong umiilaw sa ilalim ng sasakyan namin.

Nakita kong malapit sina kuya Kiel, Cassie at Cathlyn sa van kaya agad akong napasigaw, "Lumayo kayo---" *BOOM* sumabog na ang van nang hindi namin namamalayan.

"Welcome Home Laurent's." Tawang-tawang sabi Kalix at pumasok na s'ya at umalis na silang mga tauhan n'ya.

Napaluhod ako, hindi ako makapag-isip ng tama. Sina Ate Cassie... Sumabog yung van at malapit sina ate Cassie... sinilip ko ang kinaroroonan nila at nakita kong nakahandusay na sila sa sahig.

"Sam, tumayo ka."

"Sam, ayos ka lang ba?"

"Lorein, stand up."

I can't hear them, hindi ko maintidihan ang sinasabi nila. Mawawalan na naman ba akong ng mahal ko sa buhay?

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon