Chapter 25 - His Decision

121 7 0
                                    

Chapter 25

Third Person's POV

Sa paglalakad ni Sam papunta sa kung saan, di n'ya alam ay may nakasunod sa kanya at pinagmamasdan s'ya mula sa malayo.

Kahit pakiramdam ng lalaki na wala sa sarili ang dalaga ay hindi n'ya ito magawang lapitan dahil alam n'yang s'ya ang dahilan kung bakit ito nagkakaganito.

Nakarating ang dalaga sa park, tinitignan n'ya lang sa kung papaano tumingin ang dalaga sa paligid.

Bumaba ang lalaki sa kanyang kotse nakikita n'yang malungkot na naman ang dalaga, kaya naman lumapit ng kaunti ang binata.

Nung naramdaman ng binata na umaambon na ay akala n'ya ay aalis na ang dalaga ngunit hindi, kaya naman kinuha n'ya ang payong sa bag n'ya para sana payungan na ang dalaga.

Nagulat s'ya ng lumakas ang ulan ay lumuhod ito at umiyak.

Sumigaw ang dalaga na ikinadurog ng puso ng binata, "Nasan ka na ba Blast? Wala na ba akong halaga sa'yo?"

Dun na s'ya nagkalakas-loob na lumapit sa dalaga, ito'y kanyang pinayungan.

"Mahalaga ka sa 'kin..." pero hindi ko kayang magpakita sa'yo, wala akong mukhang maihaharap sa'yo, ayun sana ang mga kataga gusto n'ya pang sabihin.

Napatayo ang dalaga at hinarap s'ya nito hinawakan ni Sam sa mukha si Blaster kaya nabitawan n'ya ang payong na kanina'y kanyang hawak, unti-unti s'yang nagsisi na hindi manlang s'ya nagpakita sa dalaga.

"B-blast? Ikaw na yan di'ba?"

Tumango ang binata at ngumiti sa dalaga, "Bakit ka nagpaulan ha?" Malamang dahil ito sa akin, "Baka magkasakit ka, tara sa kotse ihahatid kita sa---"

"I miss you..." mangiyak-ngiyak na pagputol ng dalaga sa sinasabi ng binata, unti-unti nakita ng binata ang pagbigat ng talukap ng dalaga.

Agad n'ya itong sinalo nung maramdaman n'yang mawawalan ito ng malay, binuhat n'ya ito at ipinasok sa kanyang kotse.

Pagkaalis nila ay di nila alam na kanina pa may nakamasid at nasasaktan sa kanyang nakita.

"Huli na naman ako..." ngumiti s'ya ng mapait at linisan ang lugar ng may lungkot sa kanyang mga mata.



Blaster's POV

Nakatigil lang ang kotse ko sa tapat ng bahay nina Sam, ayoko muna s'yang ibaba... gusto ko muna s'yang titigan.

Nakatingin lang ako sa maamo n'yang mukha, binalot ko sa kanya yung towel na meron ako dito dahil basang-basa s'ya.

Damn! I miss her so much, I hate myself for making her cry.

Hinawakan ko ang pisnge n'ya gamit ang kaliwa kong kamay, medyo mainit s'ya.

"Why did you cry because of me? Why do you have to suffer?"

Ang laki kong tanga, bakit ko ba s'ya iniwasan kung gusto ko din naman s'ya?

Lintek na deal yan!

Unti-unti kong nilapit ang mukha ko sa kanya, ipinikit ko ang aking mata... at hinalikan s'ya sa noo.

Fvck! You're driving me crazy.

Tinignan ko pa-ulit ang mukha n'ya bago ang bumababa ng kotse para buhatin s'ya.

Dahan-dahan ko s'yang binuhat dahil baka magising s'ya, naglakad ako para magdoorbell sa gate nila.

Makailang-doorbell ay lumabas na si Manang.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now