Chapter 35 - Starting A New Life

150 6 0
                                    

Chapter 35

Sam's POV

Nandito na kami sa labas ng airport ni Fyre kasi inaantay namin yung van, dun kasi ako nagbook sa may mga kasabay na pasahero isa pala s'ya sa mga kasabay ko.

"Sam? What's your plan?" Out of nowhere n'yang tanong nung makasakay na kami ng van, parehas kasi kaming nasa likod lang ng driver.

"Bakit mo natanong?" Balik kong tanong sa kanya, hindi naman kami siguro naiintindihan ng mga kasama namin dahil mg ma foreigner halos kasabay namin.

"I just knew na para kang may plinaplano dun palang sa airport, baka makatulong ako sa'yo."

"Gusto kong gumanti Fyre, yun lang ang nasa isip ko ngayon. Sinaktan nila ko kaya ibabalik ko sa kanila ang ginawa nila sa 'kin, sisiguraduhin kong pagsisihan nila kung sino binangga nila."

"Huwag ka masyado papakain sa galit mo, mabait kang tao sa pagkakilala ko sa'yo."

"Kung ganun di mo pa ko masyadong kilala, I'm Samantha Zailyn Lorei Laurent ibabalik ko yung taong kinalimutan nila at sa araw na bumalik ako sa Pilipinas pagsisihan nila lahat ng ginawa nila sa 'kin." Napatingin ako ng masama sa harap ko, naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mga mata ko.

Gaganti ako sa inyo Blaster at Aisa, ipapaalala ko sa inyo lahat ng ginawa n'yo sa 'kin hanggang pagsisihan n'yong ginawa n'yo 'yon.

~~~♡♡♡~~~

"Sam if you change your mind, tell me okay?" He told me before I get off the van but I just shake my head and smiled at him.

Nakaalis na yung van tsaka ako humarap sa gate ng bahay namin, medyo malaki din ito sa loob sa pagkakaalam ko dati kasi itong bahay nina halmoeni at hal-abeoji pero lumipat na sila sa may Yangpyeong County para dun na sila magpahinga.

Kami naman nandito sa may Seoul dahil dito lahat ng trabaho nina Eomma, nandito yung mga hotel namin at malls.

Hinila ko na yung mga dala kong suitcase tsaka ko lumapit sa gate tinignan ko yung screen na nakakabit sa may gate namin tsaka ako nagdoorbell, narinig ko naman na nag-ingay si kuya Zenon.

Bumukas ang gate at niluwa nito si kuya Zenon at Eomma, nasa likod lang nila si kuya Zendrick.

"Namiss ko po kayo!" Sigaw ko tsaka ako lumapit sa kanila at niyakap sila ng mahigpit.

"My baby, sumobra naman ata ang payat mo." Malungkot na sabi ni Eomma.

"Hindi ka ba nagkakain 'dun ha?" Tanong naman ni kuya Zenon.

"Mom! Zenon! Pumasok na tayo sa loob, mukhang pagod si Lorein kagagaling n'ya lang sa byahe eh." Sabi ni kuya Zendrick tapos tinalikuran na kami.

"Sungit talaga n'yang kuya mong yan, hindi ko naman s'ya pinaglihi sa sama ng loob." Mom pouted.

"Amina yang bagahe mo Lorein, ako na magdadala nito sa kwarto mo." Tatakbo naman kinuha ni kuya Zenon yung bagahe ko at pumasok na s'ya sa loob.

Si Eomma naman naka-kapit sa braso ko, naglakad lang kami papasok ng bahay.

~~~♡♡♡~~~

Inaayos ko na yung mga damit ko at nilalagay ito sa cabinet ko, sina Eomma naman ay nasa baba at nagbabake sila.

Nagulat naman ako ng marinig kong may kumatok tumayo ako sa kinauupuan ko at binuksan ko ang pinto.

"Hello lil' sis, can we come in?" Kuya Zenon said.

"Yeah sure kuya. " Bumalik na ako dun sa ginagawa ko tapos pumasok naman sila,  si kuya Zenon umupo sa higaan ko tapos si kuya Zendrick nakasandal dun sa may tabi ng pinto.

Pagkaayos ko ng mga damit ko humarap na ako kayna kuya, "Are you okay now?" kuya Zendrick asked.

"Kuya, I don't want to lie that I'm alright but I can say that I can do this.  Gusto ko ipangako sa sarili ko na hindi na ko magiging mahina ulit."

"Sino ba kasi talaga yung lalaking nanakit sa'yo lil' sis?  Para paupakan ko kayna Kiel, patay talaga sa 'kin 'yon. "

"You don't need to know oppa..." Ayoko magkawatak-watak kayo dahil sa 'kin.

"Then what's your plan Lorein?"

"I want to start a new life here, babalik ako dun na malakas at kayang-kaya na silang labanan."

Napatigil kami sa seryosong usapan namin nung marinig kong tumunog yung phone ko.

"Sige lil' sis lalabas na kami,  pahinga ka na ha? Tawagin mo kami pag may kailangan ka o kahit ano."

Tumango naman ako tsaka ko sinagot yung call nina Scarlet.

Them: Hi Sam!

"Hello, musta kayo d'yan?"

Scarlet: Okay naman kami dito Unnie,  musta ka d'yan sa Korea?

"Ayos naman ako dito,  kakatapos ko lang ayusin yung mga damit ko baka bukas papasok na ko sa school dito."

Camilla: Buti na lang mayroon kayo d'yang school sa Korea no?

"Oo nga buti nga naayos din agad nina Dad yung papeles ko dito."

Cassie: Magpahinga ka muna kaya Sam,  baka may jetlog ka pa eh?  Tatawag na lang kami ulit bukas, gabi na din naman d'yan. 

"Kayo din,  may pasok pa tayo eh.  Sa uwian usap ulit tayo ha?  Sorry."

Scarlet: Hirap talaga pag-LDF! 

Us: LDF?

Scarlet: Oo mga unnie LDF,  Long Distance Friendship. 

Natawa naman kami sa katalinuhan ni Scarlet. "Sige na,  bukas na ulit ah?  Ako naman tatawag sa 'tin,  di ko pa kasi sure kung ano oras uwian namin dito eh."

Them: Bye,  Good Night.

Sabay-sabay kaming naglog-out,  nilagay ko na ang phone ko sa may side table tapos humiga na ko.

~~~♡~~~

Naglalakad ako sa dilim,  di ko alam kung nasaan ako kaya naman nung may nakita akong liwanag ay lumapit ako dun.

Hanggang sa maaninag ko na parang si Blaster yung nakikita ko,  naka-upo s'ya at nakasandal sa may poste.

Nung makalapit na ko ng konti ay nagulat akong may lumapit sa kanyang mga lalaki,  pinagsisipa at pinagsusuntok s'ya ng mga ito.

"Blast!" Sigaw ko pero parang di nila ako naririnig,  lumapit ako pero nung subukan kong hawakan sila ay tumagos lang ang kamay ko.

Napatingin ako sa kamay ko,  medyo na nginginig ako. Napatingin ako kay Blaster ng marinig ko s'yang sumigaw sa sakit.

Nagsipaglayo ang mga lalaki nung napahiga na si Blaster,  nilapitan ko s'ya.  Sinubukan ko s'yang hawakan pero tumatagos lang ang mga kamay ko.

"Sam bumalik ka na..." Bulong n'ya, sasagutin ko na dapat s'ya nung makita kong may lalaking may hawak na kutsilyo at akmang sasaksakin si Blast.

"HUWAG!" nagising ako at hingal na hingal, naramdaman kong basa ang mga pisnge ko.

Bakit ganun yung panaginip ko?  May nangyari ba kay Blast?

Napatingin naman ako sa pinto nung bigla ito magbukas,  "Are you okay Lorein?  I heared you shouted."

"O-okay lang ako kuya Zendrick,  I just had a bad dream."

"Are you sure?" I nodded,  "Sige, bumaba ka na dun nagluto si Zenon ng almusal."

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now