Chapter 2 -Karma

228 12 0
                                    

Chapter 2

Sam's POV

Labasan na namin, mag-isa lang ako lumabas ngayon. Maaga kase umuwi sina Scarlet at Cassie, may family bonding kase sina Cassie tapos si Scarlet naman may kikitain atang mahalagang investor eh ipapakilala sya ng mga magulang nya dun.

Naglalakad ako papalabas ng gate nung may bumangga sa 'kin, nadapa ako at nahulog lahat ng librong hawak ko.

Tumingin ako sa lalaking nakabangga sa 'kin, kilala ko yung likod na yun ah. Tumayo agad ako at hinabol ang lalaking yon.

Gusto ko lang naman sya pagsabihan eh.

Nung nakalayo na kame mejo sa school ay dun na ko sumigaw.

"HEY YOU STOP!"

Pero di pa rin sya tumitigil sa paglakad, ako ang tumigil at tinanggal ang isang sapatos ko sa paa.

"I said stop you jerk!" Tapos binato ko sa kanya yung sapatos ko.

Head shot!

"WHO THE HEECK THROW SOMETHING ON MEE!?"

Nginisian ko sya at nag cross arm ako.

"IKAW NA PANGET KA!? BAKIT MO GINAWA YUN HA?!"

"Tinuturuan lang kita ng leksyon, Mister. Minsan kase tumungin ka sa dinadaanan mo or di kaya magsorry ka man lang sa mga nababangga mo. Hindi yung aakto ka na parang walang kang ginawa kahit na meron naman talaga." Deredertso kong sabi, "and dahil nabato na naman kita sa ulo... quits na tayo. Buti nga sayo eh di nagdugo ulo mo eh yung dalawang tuhod ko dugong-dugo na."

Agad ko na syang tinalikuran at iniwan sya doon na tulala.

Ang nakabangga lang naman sa kin ay ang pinaka hate ko sa lahat ng 7 Jerks, si Blaster Zild Clinton.

Ang saya mabara nung lalaking yun, para kong nanalo sa lotto. Tumawa ako ng malakas at nagtatalon pa nang bigla akong natapilok.

Ambilis naman ng karma ko dun, kakaganti ko lang kanina bumalik din sa 'kin.

Blaster's POV

Nakatulala pa rin ako dahil sa ginawa nung babaeng pangit, nagulat ako sa ginawa n'ya sa 'kin.

Pangalawa s'ya sa babae nakakagawa sa 'kin ng ganun, si Lorein lang nakakagawa sa 'kin nun eh.

Putangina Lorein! Asan ka na ba?! Antagal na kitang hinahanap eh, bakit di ka na nagpapakita? Kahit yung pinsan mo di alam kung nasan ka.

Si Lorein, s'ya lang yung babaeng mahal ko pero isang araw bigla na lang s'ya nawala. Hindi s'ya nagparamdam, sabi na lang nug dad n'ya nagdecide daw na mag-home schooling si Lorein.

Samantha Zailyn Lorein Laurent, yan yan ang pangalan n'ya... ang kaisa-isang babaeng mahal ko at mamahalin ko.

Nagulat ako ng may pumulupot sa braso ko, tinignan ko kung sino.

"Hi Babe! Bakit kanina ka pa nakatulala dyan? Tinatawag kita kanina di mo ko nililingon." Sinamaan ako ng tingin ni Aisa, etong babaeng toh ang walang tigil kakaharot sa 'kin.

Simula ng mawala si Lorein, panay ang dikit sa 'kin nito.

"Sorry Aisa, wala ako sa mood. May pupuntahan pa ko eh, bye." Tinanggal ko ang kamay n'ya sa braso ko at pumunta na sa kotse ko.

~~~♡~~~
Pagmulat ng aking mata, may nakita akong babaeng pamilyar, nakita ko s'yang umiiyak sa may swing.

Ayon sa pagkakakita ko, grade 6 na kami ni Lorein nito.

Lalapit na sana ako ng biglang sumulpot ang batang ako, nilapitan n'ya si Lorein.

"Lorein, bakit ka umiiyak?"

"Blast?"

"Oo ako to si Blast, bakit ka umiiyak?"

"Blast ayoko na, gusto ko na umalis dito..."

"Huh bakit?"

"Ayoko na..." tapos tumakbo si Lorein palayo sa 'kin.

"LOREIN!?"

Nagising ako, mabilis ang aking paghinga. Nasan ka na ba Lorein?

Parang awa mo na, bumalik ka na.

Sam's POV

Nakauwi na ko ng bahay nahilot ko na din naman ang paa ko, nagpapahinga na lang ako dito.

Napatingin naman ako sa nakadisplay dito sa kwarto ko, drawing pala namin yon ni Blast nung bata pa kami.

Punong-puno ng stars yung drawing namin dun, nilagyan pa namin ng smiley face yung mga stars.

Napangiti naman ako, inaalala yung mga nangyari dati. Bakit kaya nagkaganun si Blast? Hindi naman s'ya mahilig sa babae nung bata kami eh, kung nandito lang mommy n'ya baka nababatukan na s'ya ni tita.

Nasa Korea din kasi yung mommy n'ya inaasikaso yung restaurant nila dun, yun ang huli kong pagkakaalam.

Sa totoo lang kung idedescribe ko yung friendship namin ni Blast dati, kami yung best friends ganun. Sobrang close namin, kaso dahil lumalaki na kami nag-iiba na din interest namin.

Kahit bestfriend ang turing ko sa kanya dati, di ko pa din sinabi sa kanya yung pagpapanggap ko bilang Samantha Alcantara.

Hindi ko naman dapat kainisan yang si Blast eh, kung hindi lang s'ya naging babaero... I actually liked him.

I really did... past tense yan ah! Ngayon kasi galit na ko sa kanya kasu babaero s'ya.

"Hay nako Blast! Kung hindi ka lang talaga babaero at hindi masama ugali mo, sana sinabi ko na sa'yo sikreto ko."

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now