Chapter 36 - Picture Frame

135 6 1
                                    

Chapter 36

Sam's POV

Nakatayo lang ako sa harap ng malaking gate ng bagong eskwelahan na papasukan ko, second semester na din dito.

Akmang papasok na ako ng may bumangga sa 'kin mula sa aking likuran na naging dahilan para madapa ako, ganun din ang nakabangga sa akin.

"Omo! Mianhae, mianhae." Sabi ng babaenh naka-bangga sa akin, masyado s'yang madaming dalang libro, "Gwaechana?"

"Ah, I'm fine." Dahan-dahan akong tumayo at tinulungan s'yang pulutin ang mga gamit n'ya.

"Oh God! I'm really sorry I didn't mean to do that. I didn't see you because of these things that I'm holding."

"That is fine, are you okay?"

"I should be the one asking you that question, are you okay?" Naka-ngiti n'yang sabi sa 'kin, tumango ako bigla sagot at nginitian din s'ya. "Are you new student here? I've never seen your face before?"

"Yes, I'm from the Philippines. I'm Samantha Zailyn Lorein Laurent but you can call me Lorein for short." Inilahad ko ang kanang kamay ko sa kanya, inabot n'ya naman iyun tsaka s'ya nagpakilala.

"I'm Laira Washington, wait so taga-Philippines ka? I also live there when I was a child and I still know how to speak Filipino." Tumawa s'ya at inangkla n'ya ang kanyang braso sa akin. "Let's go, baka malate ka pa."

~~~ 💗💗💗 ~~~

Magkasama kami ni Laira buong maghapon, nagkataon na magkaklase kami kaya may nakasundo agad ako.

Halos lahat naman ng students dito sa school na pagmamay-ari din namin ay mga foreigner kaya di kami magsyado nagkakahirapan magkaintindihan.

"Alam mo ba Sam that I have a twin?"

"Huh? Eh bakit di natin s'ya kasama ngayon?"

Naglalakad kami papauwi, nalaman kasi namin na magkatapat lang ang bahay namin.

"Nagpatapon s'ya kayna Daddy sa Philippines andun daw kasi ang first love n'ya. Grabe pangungulit nun, she stopped from studying. She always go to club and party all night. Kaya ayun pumayag na lang si Daddy."

"Grabeng pagmamahal naman mayroon yang kakambal mo."

"Sinabi mo pa, gusto ko nga ding pumunta ulit sa Philippines eh. Ikaw bakit ka nga pala biglaang umalis dun? Sinabi mo sa 'kin nung linch ay wala naman talaga sa plano mo ang pag-alis di'ba?"

"I got broken..." I smiled bitterly, "I wanted to runaway from my past, I want to fix myself para pagbalik ko dun..."

"Pagbalik mo dun?"

"Ipapadaranas ko sa kanila kung papaano mapaglaruan... Yung hinding-hindi nila makakalimutan."

"Gonna revenge? Want some help? You know para may gusto akong baguhin sa looks, wanna try something new?" Napatingin naman ako kay Laira, s'ya yung kauna-unahan na di ako pinigilan sa plano ko bagkos ay sinuportahan n'ya pa ko.

"Huh?"

"Let's start on weekend." Bigla na s'yang lumingon sa kaliwa n'ya, "Andito na pala tayo, see you tomorrow!"

She really gonna help me?

~~~ 💗💗💗 ~~~

Kanina pa ko nakatitig sa laptop ko, kanina pa kasi ako naghihintay na tumawag sina Cassie pero ne-chat ay wala akong nareceive sa kanila. Tinatawagan ko din si kuya Kiel pero di rin ito sumasagot.

Ano kayang nangyari sa kanila?

Bigla kong naalala yung napaginipan ko kagabi, nagtaasan ang aking mga balahibo.

Paano kung may nangyari nga kay Blast? Paano kung napahamak s'ya ng dahil sa 'kin? Paano kung...

"Bakit ba ako nag-aalala? Eh hindi naman n'ya ako inisip nung ginawa n'yang paglaruan ako. Tsaka ano naman kung totoo yun? Hindi ako ang kailangan n'ya..." Nalungkot ako sa huli kong sinabi, sinasaktan ko talaga ang sarili ko eh no?

Pinatay ko na lang ang laptop ko at nilagay ito sa side table ko tsaka ako humiga ng tuluyan sa kama ko.

Nakapikit na ako ng humangin ng malakas na naging dahilan para bumukas ang balkonahe sa kwarto ko, nagulat ako ng may marinig akong pagbagsak.

Napabalikwas ako napasilip sa kung saan bumagsak tatayo na sana ako ng bumukas ang pinto ng kwarto ko

"Ano yon!? Ayos ka lang ba?" Tanong ni kuya Zendrick na humahangos pa, nagmadali sigurong pumunta sa kwarto ko.

"May nabasag ata na picture--" Tumayo ako papalapit sa balcony ng marealize kong picture frame ang nahulog at hindi ito basta-bastang picture frame...

Nung magsalita si kuya Zenon mula sa likod ko, "Picture n'yo ni Blaster? Ikaw ah, talagang gustong-gusto mo si Blaster nung bata---"

"Linisin ko na to agad." Pag-iiba ko ng usapan, akmang lalabas ako para kumuha ng pandakot ng inako na ni Kuya Zanon ang pagkuha nito.

Napatingin ako sa picture namin na nasa lapag na ngayon, unti-unting nagsisipagpatakan ang mga luha ko.

"Ayos ka lang ba Sam?" Tanong ni kuya Zendrick, hinawakan n'ya ang balikat ko.

"Yeah..."

Wala naman sigurong nangyaring masama, di 'ba Blast?

Raven's POV

Nagmamadali naming dinala sa ospital si Blaster, medyo na huli kami ng dating.

Hindi naman namin alam na binubugbog na s'ya kung wala ngang magsusumbonh sa 'min ay baka na puruhan na ng sobra ito. Hindi lang ako makapaniwala na nagpabugbog lang s'ya sa mga hunghang na yun. Aba'y napakalakas kaya nito tapos nagpabugbog lang? Kulang pa nga ang isang daang tao sa lalaking to eh.

Pagkadating namin ng ospital ay sinalubong na kami ng mga nurse at doctor, kinuha nila at ginamot si Blasteer. Kami naman ay nasa gilid lang nila at nakamasid sa paligid, sabi kasi ni Indigo ay baka may sumunod dito na gumawa kay Blast nito.

Napalingon kaming lima nung biglang magsalita si Kiel, "Raven at Gemini, hanapin n'yo kung sino yung mga taong bumugbog kay Blaster. Ilagay n'yo sila sa Blacklist ng Primo, paaminin n'yo kung sino nagpagawa sa kanila ng ganun."

"Areglado boss." Sumaludo naman ako kay Kiel.

"Vin, Julian at Indigo, pagnalaman na nila kayo na magsabi sa ibang tauhan na pagnakita nila---"

"Saglit Kiel, hindi ka ba nagtataka na hindi lumaban si Blaster?" Tanong ni Gemini, seryoso pa rin ang mukha at hindi sa amin ang tingin kundi kay Blaster na mahimbing pa rin ang tulog.

Oo nga, ako man ay di makapaniwalang hindi lalaban si Blaster. Iilan lang ang mga lalaking yun, mukha ring mahihina.

"Malalaman natin yan, pagkagising ng tukmol na yan." Sinagot ko naman s'ya dahil matagal na ang pagkakatitig ni Kiel kay Gemini.

Napalingon naman ako nung biglang may humawak sa likod ko, akmang sisikuhin ko na ng magsalita ito.

"Wait lang, hiningal ako..." Huminga s'ya ng malalim tsaka nagsalita, "Anong nangyari sa unggoy kong pinsan?" Tanong ni Cassie, napatingin naman ako kay Indigo na panay ang irap nito sa dalaga.

Jusko naman! Nagkakaregla talaga tong lalaking ito kapag nararamdaman ang prensensya ni Cassie.

"Binugbog s'ya sa may gilid ng school, hindi pa namin alam kung ano ang dahilan." Sagot ni Kiel, tumango naman kami nina Vin at Julian nung tinignan kami nina Cassie, Scarlet at Camilla.

"Sasabihin ba natin kay Sam ito?" Tanong ni Camilla.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon