Chapter 11 - Unexpected Changes

154 6 0
                                    

Chapter 11

Sam's POV

Nakatingin ako ngayon sa lugar na pinuntahan namin ni Blast, masyadong malayo sa school... lalo na sa city.

Kitang-kita dito yung ganda nung buong lugar, makikita mo din dito yung magandang sunset.

"How did you find this kind of place?" I looked at him, after I said those words.

"My parents always bring me here back then, nung panahong di pa sila busy."

Napatango naman ako sa sagot nya, special place pala to para sa kanya.

"Bakit mo ko dinala dito?"

"Mom told me, that one day if I met the girl who I want to love forever, bring her here." He smiled at me, inikot nya ko paharap sa kanya. "That's why I brought you here..."

Huh? Bakit parang ang bilis naman?

Tinignan ko sya ng may pagtataka, gusto ko nga sanang tumawa sa pinagsasabi nya.

"I want to prove you that everything that I told you is real, my girl."

"Pero kasi---" nagulat ako ng bigla nyang nilagay ang hintuturo nya sa aking bibig, nilapit nya ang kanyang mukha."Sshh. I love you." Nagulat pa ko sa sunod nyang ginawa, hinalikan nya na naman ang aking noo.

Nararamdaman ko naman na sobrang pula na ng mukha ko, agad akong napaatras at tinakpan ang aking mukha pero mali ata yung move na yon.

Handa na sana akong matumba nang may maramdaman akong nakasalo sa kin, pagtanggal ko ng aking kamay...

"Be careful baby..."

Hindi ko na alam, nasosobrahan na ata ako sa kilig ngayon.

"*Hiccup*..." yan lang ang lumabas sa aking bibig na ikinatawa ng lalaking nasa harap ko ngayon.

"Ang cute mo..." tinulungan nya ko makatayo ng deretso.

Nilahad nya ang kamay nya sa kin, "Tara na aking binibini, baka gabihin ka pa, mapapagalitan ka pa ni papa." Tumawa sya sa kanyang sinabi, ganun din naman ako.

Kinuha ko ang kamay nya at pumunta na kami ng kotse nya.

~~~♡~~~

Nagpababa ako sa gate ng village namin kay Blaster, nung una ayaw nya pa pero sinabihan ko sya na mas mapapagalitan ako pagnalaman may naghatid sa kin na iba.

Nagtext naman na ko sa driver namin na sunduin ako dito eh, so that's fine.

Ayoko din kase malaman ni Blaster yung totoo, masyado pang-maaga eh.

Nagulat ako ng nakareceive ako ng text, unknown number? Si Blast kaya to?


Unknown Number

+639665557777

Unknown Number:
Hi! It's me your prince Blaster. 😉 Sinundo ka na ba ng driver nyo?



Me:
Yes, on the way na kami sa bahay. Hahaha ikaw ba nasa bahay nyo na ba ikaw? 🤔😂


You set his nickname to Blasty


Blasty:
Thats's good. Yah, nandito na ko sa bahay namin.

Blasty:

Text me bago ka matulog okay?

Blasty:

Kumain ka ha?

Blasty:

Mag-aral ka muna bago ka magtext sa kin ah, I don't want to be a Bad Influence Boyfriend. 😉😂

Me:
Sige po, noted po. 😄


Napangiti naman ako dahil sa sinasabi nya. Sweet naman pala si Blast, he's not that bad naman pala.

Is this even real?

-----------------------------

A/N: SORRYY PO HAHAHAHA NGAYON LANG ULIT SINIPAG SI OTOR HAHAHAHAHAH BAKA BUKAS PO ULET MAY UPDATEEEE!!! BAKA LANG AHHHH!!!! HAHAHHAHAHA


Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon