Chapter 14 - Mahal Kita

129 5 0
                                    

If may time po kayo, pabasa na lang po nung Author's Note sa may dulo hihihi



~~~♡♡♡~~~

Chapter 14

Sam's POV

"Who is Bul?"

"'Di ko nga din alam ih, dapat nga tatanungin kita kasi baka may kakilala kang Bul, wala din pala."

"Naniniwala ka sa sinasabi n'ya?"

Umiling ako, "How can I believe someone that I did not know?"

"Good, hayaan mo na lang tong Bul na to. Nga pala babe, are you free today? Wala ka naman bang lakad?"

"Wala naman, bakit?"

"Let's date?"

"Bakit naman?"

"Wala naman, gusto ko lang bumawi sa mga pinag-gawa ko sa'yo noon. Alam mo na, pati na din sa inaasta sayo ng ex kong si Aisa."

"Okay lang yun ano ka ba... buhay pa naman ako at humihinga."

"Eh? Kahit na, let's go."

~~~♡~~~

Nasa sasakyan n'ya kami ngayon habang nagmamaneho s'ya, ako naman nag-patugtog ulit sa kotse n'ya habang nakatingin sa bintana.

Tinext ko na lang sina Manang at Papa na gagabihin ako ng uwi, hindi naman na sila nagtanong kung bakit.

"San nga pala tayo pupunta?"

"Somewhere na magugustuhan mo."

Napatingin naman tuloy ako sa kanya dahil dun, san kaya ako dadalhin nito?

"Malapit na tayo, don't worry." Nginitian n'ya ko saglit tapos tumingin na ulit s'ya sa daan.

Tumingin na lang ulit ako sa bintana para malibang.

Ilang minuto lang tumigil na yung kotse ni Blaster, "We're here babe, wag ka muna baba."

Napatingin naman ako sa labas nakita kong madaming pagkainan dito. Ang nakapukaw ng atensyon ko ay yung Ice Cream Parlor.

WAHHH! Sana sa Ice Cream Parlor kami pupunta, matagal na kong nagce-crave dito eh.

Nauna s'yang bumaba tapos pumunta s'ya sa may tapat ng pinto ko at binuksan ito.

"Tanggalin ko muna yang seatbelt mo..." pagkatanggal n'ya nito nilahad n'ya kamay sa 'kin."Let's go."

Kinuha ko naman ito at inalalayan n'ya ko pa baba, hinawakan nya naman ako sa waist ko.

Papasok kami ng ice cream parlor, pinagbuksan n'ya ko syempre ng pinto.

Yey! Strawberry Ice Creaaaam here I ammmm!!!

"Oh God! Di'ba si King Blaster yon ng LPU? Sino yung kasama n'yang bruha?"

"Oh my God girl! Balita ko girlfriend n'ya yan, ambaba naman pala ng standard ni Blaster."

"Hay! Okay lang, pogi pa rin naman s'ya. Ayaw n'yo nun, kahit tayo may pag-asa pala sa kanya."

"KYAAAAHHHH!!"

Ang kaninang sayang napalitan ng lungkot dahil sa narinig kong mga bulungan pagpasok namin sa parlor di ko alam kung narinig din ni Blast yon, sana hindi.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon