Chapter 13 - Trust Me

131 6 1
                                    

Chapter 13

Sam's POV

"Hey babe, we're here."

Napatingin naman ako sa may bintana. Oo nga nandito na kami sa campus, sa mismong parking pa talaga ng mga Kings to nagpark.

Ay King nga pala tong kasama ko... KING! POTEK PATAY AKO SA MGA FANS NYA.

"Babe?"

"Ahm..." napatingin ulit ako sa labas.

"Don't worry about them, ako bahala sa'yo." He smiled.

Una s'yang bumaba, baba na dapat ako nung buksan yung pinto. Nilahad n'ya kanyang kamay na akin namang kinuha.

Ang kaninang naririnig kong mga tilian ay napalitan ng katahimikan.

Napatungo naman ako dahil dun, baka ibash nila ko dahil dito.

Nagulat ako nung biglang hinawakan ni Blast ang aking pisngi, tinignan nya ko kaya naman napatingin lang din ako sa kanya.

He smiled, "Trust me." I just nod.

He held my hand and we walked.

Lahat ng madaan namin nagsisipaghawian pwera sa isang grupo. Grupo na ayoko makasalumuha ng gantong eksena.

"What is this Blaster? Why are you with her? Ganyan na ba yung mga bago mong laruan?"

"Ang cheap mo naman Blaster, dyosa yung kaibigan ko pinagpalit mo sa basura." Sabi ni Veronica.

Habang si Camilla nakatingin lang sa 'min.

"Can you just stop Aisa? Gusto ko si Sam, you can't do anything about it." Sabi ni Blast, hinawakan nya ang kamay ko ng mahigpit dun na lang ako tumingin... sa mga kamay namin.

"Tignan lang natin Blaster, hinding-hindi kayo tatagal ng ilang araw... baka nga oras pa eh. Ikaw naman basura-- Sam, 'wag ka masyado pakampante, malay mo laruan ka lang pala n'yang si Blaster."

Natakot naman ako sa sinabi ni Aisa, paano nga kung pinaglalaruan lang naman ako ni Blast? Hindi, sabi ni Blaster trust him. Pagkakatiwalaan kita, alam kong di mo ko niloloko.

"Let's go, baka di ko matantsa tong babaeng to. Tsk."

Hinila na ko ni Blast, medyo nakalayo na kami sa pwesto nina Aisa sa laki ng hakbang nitong kasama ko.

Napatingin naman ako sa kanya, lumingon sya kay Aisa... nalingon din ako. Nagflying kiss ang gaga at may kindat pa.

Tinignan ko si Blast, di ko alam ang reaksyon nya kase naka-poker face lang sya.

~~~♡~~~

"ANO!? Gusto ka ng pinsan kong unggoy?" Halos sumigaw na sabi ni Cassie, nasa may canteen kami kasi lunch break na.

Tinanguan ko naman s'ya bilang sagot, naikwento ko na kasi sa kanila yung nangyari kahapon.

Ayan agad ang reaksyon ni Cassie, gulat na gulat.

"Hindi naman sa in-ooffend kita Sam pero kasi alam naman natin yung tipo ng mokong kong pinsan diba? Yung mala alam mo na."

"Pero kasi... alam naman din natin na mas mahihigitan ni Sam yon kung hindi ganyan mag-ayos yan." Sabi naman ni Scarlet.

"Scar, alam ko yon pero sa lagay ni Sam ngayon..."

"Stop na guys, okay na alam ko na. Ganyan din reaksyon ko, ewan ko ba... pero alam nyo yung nakakagulat? Pinagkakatiwalaan ko yung taong kinaiinisan ko dati. Di ko alam, sa sweetness na pinapakita n'ya parang nagtitiwala na ko sa kanya."

"Hmm Sam, And sorry din Cassie ah... opinyon ko lang toh. Masama pakiramdam ko eh, I mean dyan sa nangyayari sa'yo ngayon Sam. Parang may hindi magandang mangyayari eh, hindi ko ba alam... kagabi pa ko isip ng isip kung ano eh."

"Don't worry about that Scarlet, andito naman tayo to protect each other eh." Hinawakan ni Cassie ang kamag ni Scarlet ganun din ang ginawa ko.

"Naku po! Ang bunso ng tropa nag-aalala sa ate nya. 'Wag ka mag-alala, walang mangyayari kahit ano." I smiled at her.

Nagkwentuhan na lang kami para ma-lift yung atmosphere.

~~~♡~~~

Naglalakad ako papunta sa locker room papasok na sana ako nung may lumabas na lalaki na naka-mask at shades.

Nagtaka naman ako, bakit pwedeng mag-shades sa school?

Pumasok na lang ako, binuksan ko yung locker ko ng may mahulog na sulat. Binuksan ko yon at binasa ang nakasulat.

Samantha,

     Hi Sam! Please don't trust their act. 'Wag ka masyado maattach, you'll get hurt... Please take care of yourself, andito ako pagkailangan mo ko.

-Bul

Bul? Sino yon? May ganung pangalan? At anong wag ako maattach? Kanino? Ako masasaktan?

What? Di kaya si Blast ang sinasabi nitong Bul na to?

Nagulat ako ng may tumapik sa balikat ko kaya naman napatalon ako.

"Ops. Sorry babe." Nagpeace sign naman sa kin at pinakita ang kanyang box smile. Napatingin naman s'ya sa hawak ko, "Ano yan?"

"Hmmm letter... wanna see?"

"Can I?"

"Sure."

Hinayaan ko s'yang basahin  yon, baka naman kasi sabihin nya wala akong tiwala sa kanya.

May tiwala ako sa kanya, magtitiwala ako sa kanya.

"Who is Bul?"

-----------------------------

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now