Chapter 31 - My Princess...

132 6 0
                                    

Chapter 31

Third Person's POV

Hahabulin sana ni Blaster si Sam ng bigla ma lang s'yang hinigit ni Kiel at ito'y kanyang sinapak, natumba lang ito sa may damuhan hindi ito nagpumiglas hinayaan n'ya lang na bugbugin s'ya ng kaibigan.

"Ano masaya ka na ba ngayon ha? Nasaktan mo na si Sam, binalaan kita pero di ka nakinig. Tandaan mo Blaster, pagsisihan mo ang ginawa mo." Binitawan s'ya nito at tinignan ng may galit sa kanyang mga mata,"Tandaan mo yan, pagsisihan mo lahat..." at umalis na si Kiel.

Tinayo s'ya nina Vin at Gemini, "Blaster ayos ka lang ba?" Tanong ni Vin sa kanya.

"Indigo, habulin mo muna si Kiel." Sabi ni Gemini rito, tumango lang ang binata at sinamaan ng tingin si Blaster.

Nagulat ang lahat ng lumapit si Cassie sa pinsan n'yang si Blaster, sinampal n'ya ito ng malakas pati na rin si Vin.

"Nasaktan n'yo na ang kaibigan ko, masaya na kayo? Masaya maglaro ng puso ng babae di'ba? Ayokong-ayoko ng makita ang pagmumukha n'yo, lalong-lalo ka na Blaster. Simula ngayon wala na akong pinsan na tulad mo." Umalis na ang dalaga para hanapin ang kaibigan, sumunod naman dito si Scarlet.

Sa kabilang dako, si Camilla na nakatulala pa rin ay nasaksihan lahat ng pangyayari. Gusto n'yang sisihin ang sarili dahil 'di n'ya agad nakumpirma ang alam n'ya.

Lumapit s'ya sa kanyang kaibigan na si Aisa, "A-aisa...?"

"Oh hey!"

"You know all of it?"

"Of course, I know." Proud na sagot n'ya rito.

"And you're proud of it?"

"Bakit? Dapat ba kong ma-ashame about it, di naman ako yung tanga sa 'min ah."

"Babae ka Aisa, kapwa babae mo yung pinaglaruan tapos pinagmamalaki mo pa na nandun ka at hindi mo manlang winarnigan o sinabihan ng deretso yung tao!?"

"Why are you mad at me? 'Di ba may alam ka din naman, bakit di mo s'ya sinabihan ha?"

"KASE DI AKO SIGURADO DUN, KASE DI NAMAN AKO SAKSI AT WALA AKONG KARAPATAN PARA SABIHIN YON SA KANYA!"

"Ganun din ang raso--"

"Hindi ganun ang rason mo Aisa, kase nandun ka... may alam ka... at alam mo may alam din ako sa'yo at ipaparamdam ko sa'yo kung ano ipinaramdam mo kay Sam pero sa ngayon eto muna masasabi ko sa'yo."

Lumapit ang dalaga kay Aisa, tinapat ang kanyang labi sa tenga nito.

"Wala na akong kaibigan na tulad mo, ayoko ng maging kaibigan mo simula ngayon Aisa." Tsaka n'ya ito tinalikuran, nung makadaan s'ya sa tapat nina Vin ay inirapan n'ya ito.

"Camilla..." tawag ni Vin sa kanya.

"Ayokong makipag-usap muna sa inyo." Tsaka umalis ng clubhouse, lahat ng bisita ay gulat na gulat sa mga nasaksihan nilang lahat.

Nakatingin ang iba kay Aisa at ang iba naman ay kay Blaster, iyon ang naging dahilan para magwala ng husto ang dalaga.

"ANONG TINITINGIN-TINGIN N'YO!? UMALIS KAYO DITONG LAHAT!"


Sam's POV

Isang oras na siguro akong lumalakad at tumatakbo, hindi ko alam kung saan ako patungo pero ang alam ko lang ayam gusto kong tumakas.

Sa hindi inaasahan bigla na lang akong napatid na naging dahilan para mapaiyak ako lalo, ang sakit-sakit na.

Ang sakit-sakit na hindi ng paa ako kundi ng puso ko, ang sakit na ng ulo ko, ang sakit ng buong katawan ko... hindi ko alam kung bakit masakit ang mga ito eh nadapa lang naman ako.

Umiiyak lang ako ng umiiyak at di ko lang pwede gawin yon sa lugar kung saan walang taong manghuhusga sa 'kin.

Gusto ko lang ay umiyak ngayon dahil nasasaktan ako.

Napahinto ako ng marinig ko ang boses ng taong di ko inaasahan na maririnig ko ngayon.

"I found you..." sabi ng lalaki  kaya naman napatingin ako dito, nakalahad ang kamay n'ya sa 'kin at nakangiti. "My princess."

Naiyak ako ng makita ko ang imahe ng lalaking laging nasa tabi ko kapag nasasaktan ako, "Appa..."

"Bakit nakadapa ang prinsesa ko ha? Get up, fix yourself. Ayoko nakikitang malungkot ang anak ko, sinong nang away sa'yo ha?" Pero imbes na sumagot sa tanong ng Daddy ko ay bumangon ako at yumakap sa kanya.

"O-ottoke...?"

"Scarlet called me that you run away and they can't find you, alam ko naman kasi pagmalungkot ka dito ka pupunta."

Napatingin ako sa paligid ko nakarating pala ako dito sa puntod nina Halmoni, napaiyak naman tuloy ako lalo.

"Dad bakit ganun sila? Bakit nila sinasaktan yung mga taong wala namang ginagawa sa kanila? Bakit.." napahagulhol ako at hindi natuloy ang tanong ko.

"Alam mo anak yun kasi ang paraan nila para maparamdam sa ibang tao na mataas sila, kahit na hindi maganda ang epekto nito."

"Why? Bakit sa mga inosenteng tao pa? Bakit di na lang dun sa mga makasalanan din? Bakit... bakit ako pa?" Patuloy pa rin ang pag-agos ng luha ko habang nakatingin sa puntod nina Halmoni, inilagay naman ni Appa ang ulo ko sa balikat n'ya at hinawakan ang kaliwang balikat ko gamit ang kaliwa n'yang kamay.

"Hindi ko alam ang pinagdadaanan mo pero kung may gumawa nun sa'yo sabihan mo lang kay Appa  at ako na ang bahala. Kung tinatanong mo sa sarili mo if you deserve to be hurt? No, no one deserves to be hurt. Pain is just a part of our life, it will teach us to be stronger than our past selves." Tumigil s'ya saglit at huminga ng malalim.

"So my princess, my one and only princess... please don't cry, that guy don't deserve your tears okay? Do you want me to beat him up?" Tapos pinatunog n'ya yung daliri n'ya kaya naman napatingin ako kay Appa, "Aba! One call away lang mga kuya mo sa Korea, basta para sa'yo uuwi yung mga yon." Ngumisi ito sa 'kin tapos nilabas ang cellphone n'ya.

"Appa naman eh." I poutted and then he laugh.

"Just kidding, ngiti ka na anak para di ko na bugbugin yung mokong na yun.  Call your friends, nag-aalala sila sa'yo." I nodded, "Let's go?"

"Ne, appa." Tumayo na ko kasabay ni Appa papunta ng kotse.

He maybe busy and strict in work but pagdating sa 'ming anak n'ya he can be the softest dad and clown at the same time.

Yun siguro yung namana ni kuya Zenon, yung ugali kasi nun may pagka-clown eh. He makes me laughed kada naiyak ako sa maliit na dahilan nung bata ako. Hindi tulad ni kuya Zendrick lagi ako pinapagalitan pagka umiiyak ako pero deep inside concern na concern talaga s'ya hindi lang n'ya pinapakita.






"Thank you Dad for making me laugh today." I smiled at him and hug him tight.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now