Chapter 8 - The Reason

165 7 0
                                    

Chapter 8

Sam's POV

Nandito kami ngayon sa canteen, ganun pa rin yung treatment sa 'kin ng halos lahat ng mga estudyante dito. Lahat sila titingin tapos biglang ngingiti sa 'kin, para silang mga timang.

Kahit sina Scarlet at Cassie nagtataka bakit ganun yung treatment bigla sa 'kin ng mga estudyante dito.

Umupo na lang kami sa table na lagi namin kinakainan, nagkwekwentuhan kami nung biglang narinig namin yung pangalan ko na pinag-uusapan nung nasa likod namin.

"Hey girls, narinig nyo ba yung nangyari kanina between our kings with that ugly Sam?"

"Oo girl, kung ako sa'yo di ko sya sasabihang pangit. Pagnarinig ka ni King Blaster, patay ka."

"Bakit naman?"

"In-announce yun nina King, basahin nyo sa twitter nila."

Nagkatinginan kaming tatlo, nilabas ni Scarlet yung phone nya at sinearch agad yung pangalan ni Blaster sa twitter.

👤 BlastyZild
@blasty_zild

Yow Prim-ians! I have an announcement, a very important announcement. Treat Ms. Sam Alcantara nice co'z if you don't, you will be the next target of the 7 Kings. No question, just do it.

🔃 8k ❤6.5k

--Comment disable--

Tf!? Anong trip ni Blaster? Ano na naman ba kailangan nito? Wala na ba s'yang magawa sa buhay nya?

Nagulat ako ng biglang tumayo si Cassie at naglakad. Tinignan ko kung sino yung susugurin nya, yung 7 Kings!?

"Ano na naman yon Blaster ha!? 'Di pa ba sapat yung ginawa ng girlfriend mo sa kaibigan ko sa party? Tapos ngayon sasabihin nyong be nice to Sam!?"

"Ano namang problema dun ha? S'ya na nga tong binibigyan ng atensyo--" sagot ni kuya Indigo na pinutol ni Cassie.

"Kase ayaw nya naman ng atensyon, naiilang s'ya sa binibigay nyong atensyon. Kung kayo gustong-gusto nyo na pinapansin kayo, pwes ibahin nyo si Sam. Sa ginagawa n'yo mas lalo lang siya mapapahamak, hindi sa mga fans nyo... sa ex ng kupal kong pinsan." Tapos tinalikuran nya na yung pito, hinila nya na kami ni Scarlet palabas ng canteen.

Blaster's POV

"Ano naman ba ginawa mo Blaster?" Tanong ni kuya Kiel sa 'kin, may paghilot pa sa kanyang ulo.

"Sinabi ko lang naman sa mga students dito na treat Sam better, masama ba yung ginawa ko?"

"Alam mo kasi Blaster, tahimik naman buhay ni Sam eh... bakit kailangan pa n'ya ng better treatment." Sabi ni Jullian.

"Tsaka n'yo na malalaman kung bakit, mamaya tulungan n'yo ko... mag-sosorry ako." Sabi ko, tinignan ko naman sila.

"Sige game kami d'yan." Sabi nila pwera kay kuya Kiel.

"Siguraduhin mo lang wala nang mangyayari gaya nung nangyari sa party mo." Sabi ni kuya Raven.

"Yes boss." Sagot ko naman na may pagsaludo pa.

"Mag-usap tayo Blaster, may sasabihin ako sa'yo." Seryosong sabi ni kuya Kiel, tumayo na s'ya at lumabas na s'ya.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum