CHAPTER 43 - Thank You

108 5 0
                                    

Chapter 43

Sam's POV

Naglalakad ako sa may corridor nung pakiramdam ko may sumusunod sa 'kin. Laging ganito yung pakiramdam ko kapag mag-isa lang ako. Hindi ko alam, natrauma na ata ako.

Basta ang alam ko lang kailangan kong maging alert because any minute na hindi ko pansinin ang small details na ganto, baka mapatay na ko.

Sobrang tahimik dito sa school, na late ako lumabas dahil may tinapos akong gawain. Gusto kong lumingon pero natatakot ako; lumalakas ng yung apak n'ya sa lupa, mas lalo ko ding binilisan ang aking paglalakad.

Nagulat ako nung may biglang humila sa akin papunta sa isang storage.

Sobrang dilim at hindi ako makahinga; nakatakip kasi ang kamay nito sa bibig ko.

Bigla akong napaatras nung maramdaman kong malapit s'ya sa 'kin kaya naman may natabig ako ng hindi ko alam.

*blag*

"Oh shit!" Sabi n'ya.

Agad n'ya akong hinila sa mas madilim na lugat dito sa storage, natatakot na ko.

Napatingin kami pareho sa pinto nung marinig naming may bumubukas nun.

" 'Wag kang maingay, tatanggalin ko yung kamay ko." Bulong n'ya, tumango naman ako. Naramdaman ko na lang na wala ng kamay n'ya sa bibig ko at parang lumayo s'ya ng konti.

Gusto ko man s'yang hanapin ay natatakot ako. Unti-unti ng nagbukas ang pinto at niluwa nun ang lalaking naka-itim at tila may hawak itong kutsilyo. Yun lang ang nakita ko, hindi ko maaninag ang mukha n'ya.

Naglakad s'ya sa bawat sulok ng storage room habang nagsasalita."Lorein, tama na ang tagu-taguan. Kanina pa ako sunod ng sunod oh, napapagod din ako. Dali na, lumabas ka na sa lungga mo."

Malapit na s'ya sa pwesto ko..." Kasi kung ako makakahanap sa 'yo, hindi ka na makakalabas ng buhay dito."

Konti na lang at makikita na n'ya ako. Gusto ko ng umiyak, nawala lahat ng tapang ko sa katawan.

"Gotcha!" Akmang sasaksakin n'ya ako.

Bigla kong nakita may isang lalaki na lumabas sa may gilid ng pinto at hinampas yung lalaking nakatutok ng kutsilyo sa akin.

Natumba at agad na s'yang tinali nung humampas rito.

"Let's go!" Hinila ako nito palabas at agad na n'yang nilock ang pinto.

Nanghina ang mga tuhod ko kaya naman ako'y napaupo nung saglit n'ya akong bitawan.

"Lorein, are you alright?"

Imbes na pagsagot ang marinig n'ya mula sa akin ay hikbi ang aking naitugon.

Niyakap n'ya ako at hinimas ang aking likod, "Lorein, ligtas ka na." Tuloy pa rin ako sa pag-iyak.

**✿❀ ❀✿**

Minulat ko ang aking mata, laking gulat ko na nasa bahay na pala ako. Napatingin ako sa may gilid ko, nakita ko ang natutulog na Blaster.

Tinitigan ko lang s'ya ng pagkatagal, namiss ko rin itong lalaking to.

Napaiwas ako ng tingin nung maramdaman kong magigising na s'ya. "Gising ka na pala? Maayos na ba pakiramdam mo? May gusto ka bang kainin?"

"Wala, pwede ka ng umalis." Tugon ko.

Tumango-tangi s'ya at ngumiti bg mapait sa akin, "Huwag mo na aalalahanin yung lalaki kanina, hinding-hindi na s'ya magpapakita pa." Tumango lang aki at umiwas ng tingin, "Sige, alis na ako."

Tinignan ko lang s'yang lumabas ng silid ko pero nakonsensya ako.

Blaster's POV

Pababa na ako ng hagdan nung marinig kong bumukas yung pinto ni Lorein, nagulat ako nung tatakbo s'yang lumapit sa akin kaya naman napaharap ako at niyakap n'ya ako.

"Thank you, sorry." At mas lalo n'ya pang-hinigpitan ang pagkakayakap sa akin, tinapik ko ang likod n'ya at niyakap ko s'ya pabalik.

Humiwalay na s'ya sa yakap namin at humarap ng deretso sa akin. Ginulo ko naman ang buhok n'ya na nagpanguso ng labi n'ya. "If thankful ka talaga sa akin be my best friend again, please? Huwag mo na akong sungitan ng ganun, sige na." Hinawakan ko ang kamay nya at nilagay ko sa pisngi ko, nagulat ako ng namula s'ya.

Gusto ko sana matawa sa reaksyon ng mukha n'ya kaso baka mas lalong magmaldita ito kaya naman mas nagpacute pa ako.

"Tss. Sige na nga!" Agad n'yang hinila ang kamay n'ya at dali-daling tumakbo papasok ng kwarto n'ya, nakangiti naman akong bumaba.

"Luh? Mukhang tanga, nginingiti mo d'yan Clinton?" Asar ni kuya Zendrick na nakaupo sa sala nila habang nanunuod ng tv na ngayon ay nakatingin sa akin.

"Wala ito kuya Zendrick, alis na ako. San nga pala yung leader ng L?"

"Tss. Huwag mo ng puntahan, naligpit na namin." Napalingon naman ako kay Kuya Zenon, nanggaling s'ya sa may kusina. "Salamat sa ginawa mo sa kapatid ko, kung hindi ka nagpaiwan dun ay baka wala na sa amin ang prinsesa namin."

"Psh. Wala yun, prinsesa ko din yang si Lorein. Pasasaan pa't magkaibigan kami di 'ba?"

"Naku! Kaibigan ba talaga?" Sabat ni kuya Zendrick.

"Oo naman! May mahal akong iba no." At si Samantha yun.

"Mahal ka ba?"

"Yun lang, sige na nga alis na ko. Gising na po pala si Lorein, pasabi po umalis na ako." Tsaka tulyan akong lumabas.

Nagmaneho ako pauwi nung maalala ko naman kung bakit napunta kami sa ganun sitwasyon.

Naglalakad kaming tatlo nina Kuya Gemini at Kuya Kiel, nung madaanan kami nina Lorein.

"Sensya na Lorein, hindi kita masasamahan mamaya ah." Sabi ni Scarlet.

"Kami rin." Sabi nina Cat, Laira, at Cassie.

"Pasensya na, Lorein ah." Nakabusangot na mukha ng pinsan ko.

"Ano ba kayo, okay lang." Nginitian n'ya ang mga kaibigan.

"Gusto mo sabihan namin yung boys na samahan ka? Nag-alala kami sa'yo eh, sabi mo di 'ba ilang araw ka ng may nararamdaman na sumusunod sa 'yo." Sabi ni Cat.

"Ayt! 'Wag na kayo maingay, 'wag n'yo din sasabihin sa kanila. Baka guni-guni ko nga lang yun di 'ba? Ayoko na din makaabala."

Bumuntong-hininga yung tatlo tsaka nag-ayang umalis na.

"Did you hear that?" Tanong ko sa dalawa kong kasama.

"Ang alin?" Tanong nila pabalik sa akin, may mga kausap pala silang babae kaya hindi siguro nila narinig.

"Nevermind."

Uwian na, lumabas ako kaagad at sinundan si Lorein. "San ka pupunta?" Tanong ni kuya Zenon.

"Una na kayo, may hihintayin lang ako. 'Wag kayong magpapatay ng phone, baka bigla ko kayong tawagan."

Tumango lang ito at tumalikod na, agad naman akong tumakbo papunta sa pinuntahan ni Lorein.

Isang oras din akong naghintay pero nakatago akoako sa kung saan makikita ko si Lorein.

Nung lumabas s'ya ay hinintay ko muna s'yang makalayo, lalabas na sana ako nung makita kong may lalaking nakaitim, bonet ang mukha at may patalim sa bulsa.

Shit!

Marahan ko s'yang sinundan, pumasok ako sa isang room. Nakita kong may isang pinto lagusan papunta ata sa storage room.

Agad akong pumasok duon at binuksan ko ng konti ang pinto nakita kong nalingat ng konti ang lalaki kaya naman hinablot ko ng mabilisan si Lorein.

Nasa timing naman talaga yung pusa.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now