Chapter 21 - Unexpected Visitors

139 6 0
                                    

Chapter 21



Sam's POV

Napatingin naman kaming lahat sa pinto nung may kumatok sa pinto, binuksan ito ni kuya Kiel.

"Hi Princess!" Sabi nang lalaking bisita, parang naalala ko s'ya.

S'ya yung nagligtas sa 'kin dati.

"PRINCESS!?" Sigaw nilang lahat na nandito.

Agad naman kwinelyohan ni kuya Kiel si Fyre, "Sino ka? Bakit ka nandito?"

"Wait lang bro, kakampi ako... nandito ako para bisitahin ang aking prinsesa. Nalaman ko kasi na nagising na s'ya."

Magtatanong palang sana si kuya Kiel ulit nung bigla nang pumasok sa eksena si ate Cassie, "Kiel, ako nagsabi sa kanya. Niligtas n'ya kasi si Sam dati, naalala n'yo pa yung lalaki sa may party? S'ya yon."

Agad naman tinaggal ni kuya Kiel ang pagkakwelyo kay Fyre, nakahinga naman ako dun.

"Sorry pre, nag-iingat lang kami. What do you mean na kakampi namin ikaw?"

"I'm part of your gang, tropa nina Zyro Sebs."

"Bakit parang ngayon ka lang namin nakita?" Sabi ni kuya Indigo na masama ang tingin sa kanya.

"Kase... minsan lang ako sumali sa gang fight, Primo tres ako hehehe."

Napatingin naman sina kuya Kiel kayna kuya Raven at Gemini.

"Sorry akin, may iba kasi akong 'di pinapasama eh kaya ganun." Sabi ni kuya Raven.

Tumango-tango na lang yung mga lalaki samantalang kami naman nina ate Cassie nakatingin lang sa kanila ng may pagtataka.

Alam ko na, sabi sa kin nung Lionhart ata yon na tawag daw sa gang nina kuya ay Primo.

Baka hinati-hati nila yung Primo? Hati sa pito or anim or baka tatlo? Aish! Patay talaga sa 'kin sina kuya pagtumawag sila, sesermonan ko sila ng bonggang-bongga pati tong si kuya Kiel.

Lumapit sa 'kin si Fyre, "Sorry ngayon lang ako nakapunta Princess ah, lagi kasi nakabantay si Blast sa 'yo eh."

"Ah okay lang yun." Sagot ko at ngumiti sa kanya.

"Labas muna kami ha? Girls kayo muna bahala dito." Sabi ni kuya Kiel.

"Kuya Kiel, papaiwan na lang po ko dito." Sabi ni Julian.

"Ako din." Sabi ni kuya Indigo.

Tumango lang si kuya Kiel, sumunod naman si kuya Raven at Gemini.

Nagkwekwentuhan naman sina ate Cassie, Scarlet at Julian tapos si kuya Indigo nakapikit lang habang nakasandal yung batok n'ya sa sofa.

Si Fyre naman busy magbalat ng mansanas, nakatingin lang ako sa kanya.

"Kumain ka nito Princess, naniniwala akong 'An apple a day keeps the doctors away.'"

Tumango tapos inabot n'ya sa kin yung plato na may hiwa na na mansanas.

"Princess..."

I just look at him while eating the apples.

"I'm sorry if I didn't came when you need me that day, I just... didn't know."

"Hindi mo naman pala alam eh, bakit ka nagsosory?"

"Kasi nga di ko nalaman na may mangyayari sa'yo."

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now