Chapter 4 - Preparation

191 13 1
                                    

Chapter 5

Sam's POV

Kinakabahan ako sa mangyayari mamaya sa party nina Blast, pero wala talaga ako tiwala sa babaero na iyun. Pano na lang kung may kalokohan syang iniisip diba? I don't know what is running to his mind naman kase dibaaa? Basta--- aish wala akong tiwala sa kanya.

Nagmumuni-muni lang ako dito sa kwarto habang hinihintay yung dalawa kong lukaret na kaibigan. Naka-bathrobe lang ako dahil maligo na daw ako sabi nila para daw aayusan na lang ako, andami naman nilang alam diba?

Sa ilang minutong pagmumuni-muni, naramdaman kong may papalapit na sa kwarto ko kaya agad na ko umayos ng upo at hinintay na may kumatok.

"SAM! ANDITO NA KAMI SA LABAS NG KWARTO MO." sigaw ni Scarlet.

Binuksan naman ni Cassie yung pinto at nagulat ako na andami nilang dala. Make up kit at malaking maleta, mag s-sleepover ba sila dito?

"No we're not, i know what you're thinking. Madami kaming dala kasi may dala kaming make up kita at mga damit na pwede nating suotin sa party. Hindi kami makapili so we decide na dalhin na lahat." Sagot ni Cassie

"Umpisahan na natin, malapit na magstart yung partyyyyyy!" sigaw ni Scarlet.

Napa-pout na lang ako dahil dun, pwede naman kase silang dalawa na lang diba? Bakit kailangan pa na kasama ako dun? Hayaan na nga, andun naman si Kuya Kiel eh wala naman siguro syang gagawin na masama diba?

Pinaupo na nila ko sa upuan ko sa may study table, inalis muna nila yung ibang laman nito bago nilagay yung malaking bag na color black at binuksan. Pagkabukas nito ay meron itong salamin at mga ilaw, merom din itong mga make up sa loob.

Grabe di naman sila masyadong prepared no?

Si Cassie daw ang magmemake up sa akin samantalang si Scarlet naman yung maghahanap ng damit na babagay sa kin, pupusta ko wala syang mahahanap na damit kase di naman ako maganda.

"Sam, ayaw mo ba talaga ipatanggal na yang braces mo? Maayos naman kase yang mga ngipin mo eh. Tapos yang malaki mong salamin di mo din ba tatanggalin yan? Ang ganda-ganda ng mukha mo pinapapanget ng nga yan ih." Sabi ni Cassie sa 'kin, ngunit isang tingin lang ang sinagot ko sa kanya.

Alam naman nyang ayoko pang tanggalin ang mga ito eh. Huminga na lang sya ng malalim na para bang disappointed sya sa sagot ko sa kanya.

"Bilisan nyo na dyan, nakahanap na ko ng mga damit natin! Malapit na din mag-5 pm kaya bilis-bilisan na natin yung kilos natin." Sigaw ni Scarlet, minemake-up-an nya na yung sarili nya dahil maalam naman sya . Sa aming tatlo, ako lang naman talaga yung hindi maalam sa amin.

"Ito na po ma'am!" Sabi ni Cassie, "Pikit ka muna Sam, lalagyan na kita ng eye shadow."

Pumikit na ko para matapos na.

Hays! Kinakabahan talaga ako eh, Lord kayo na lang po bahala sa mangyayari mamayaaaaaa.

~~~♡~~~

"Hmm pwede bang wag nyo tatanggalin yung salamin ko, ayoko makilala ako ng kung sino eh."

"Your wish is my command, pero yung fake pimples pwede tanggalin tsaka yung kulot mong hairlalu tsaka paltan natin yung salamin mo okay? Jusko namannnn, ang ganda-ganda mo pero pinapapangit mo sarili mo." Sagot ni Scarlet sa kin, tumango na lang ako sa kanya.

"Wag ka muna malikot Sam ah, malapit na tayo matapos." Saad naman ni Cassie.

Pumikit na lang ako para di sila mahirapan, sa aking pagdilat na patingin ako sa salamin... Ang ganda ko!

Naka black ako na shirt sa tapos black din na skirt tapos nakasalamin pa rin. Si Cassie naman naka brown shirt and black skirt. Si Scarlet naman naka white sando tapos black shorts. Kami ni Cassie parehas nakaplantsa yung buhok, si Scarlet lang yung hindi.

"Let's go girls, need na natin umalis. Late na tayo sa call time ni Blaster, baka galit na galit na yun sa 'kin ngayon." Irap ni Cassie.

Pababa na kami nung makasalubong namin si Dad, woah aga umuwi ni dad ah.

"Hello po tito! Aalis na po kami nina Zailyn ha? Kagabi ko pa po sya pinaalam, iingatan po namin anak nyo." Sabi ni Scarlet kay Dad.

Tumawa ito at tinapik ang balikat ko, "Ang ganda mo anak, kamukha mo yung mommy mo." Napangiti ako sa sinabi ni Daddy. "Babye po Daddy, ingat ka po ah." Sabi ko, tumango ito at sumagot ng "Kayo din."

Lumabas na kami nina Cassie sumakay na agad kami sa kotse, pinapahatid kase kami ni Dad sa butler namin.

Habang nasa byahe ay kung ano-ano na ang pinag-uusapan naming magkakaibigan, pinag-uusapan din namin kung gaano kami kinakabahan at syempre excited sa party na pupuntahan namin.

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako bakit ako inimbitahan ni Blaster sa party nya, feeling ko talaga may mangyayari eh.

Paano kung ipahiya nya ko sa party na yun? Paano kung...

"Hey! Sam nandito na tayo, let's go." Sigaw ni Scarlet.

Nakababa na pala sila, ako na lang yung nasa loob ng kotse.

Walang mangyayaring masama Sam, wala talaga.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now