Chapter 26 - Clingy

115 6 0
                                    

Chapter 26

Sam's POV

Nagising ako dahil sa sinag ng araw na sumisilip mula sa bintana ng kwarto ko, sa pagdilat ko bubungad sa 'kin ang mukha ng taong miss na miss ko. Napaka-amo nito kung titignan pag-tulog pero kung magalit ito'y nakakatakot.

Hinaplos ko ang mukha n'ya gamit ang kamay ko, na-iinsecure naman ako dahil ang kinis ng mukha n'ya kumpara sa 'kin.

Ano kaya nagustohan sa 'kin nito? Pina-panget ko naman yung sarili ko, bakit n'ya ko nagustohan?

Sa sobrang titig ko sa kanya ay di ko alam na nagising ko na pala s'ya, naka-ngiti s'yang nagising.

"Good morning beautiful!" Hinalikan n'ya noo ko na naging dahilan para mamula na naman ang mukha ko, bakit ka ba ganito sa 'kin? "You're so cute." Naka-ngiti pa rin n'yang sabi, tinakpan ko ang mukha ko gamit ang dalawa kong kamay at tumalikod ako sa kanya.

Akmang tatayo ng yakapin n'ya ko mula sa likod, "Stay for a while, mamaya ka na maghilamos." Tapos tumawa pa s'ya.

"E-eh B-blast--" bakit ako nabubulol? EH BAKIT KASI ANG LALIM NG BOSES LALO NI BLAST PAGBAGONG GISING?!

Siniksik ni Blast ang mukha n'ya sa balikat ko tsaka bumulong,"Sshh." Ikinatindig ng balahibo ko ang ginawa n'ya.

~~~♡♡♡~~~

Pinag-sasandok ko ng breakfast si Blast, nasa may taas pa kasi s'ya at nagbibihis sinabihan ko naman s'ya na mauuna na kong bumaba.

Si Manang naman nasa garden na at nagdidilig ng halaman, pagkaupo ko ng upuan ay saktong pagbaba ni Blast.

"Good Morning Babe." Tapos hinagkan n'ya ko sa pisnge.

"Good Morning, kain na tayo Blast." Tumango naman s'ya at umupo sa tabi ko.

Nagkwentuhan kami habang kumakain, pinag-usapan namin yung mga nangyari sa 'kin nung di ko s'ya kasama.

Nung natapos na kaming kumain ay dun ko na napag-desisyonan na tanungin s'ya, "Blast, bakit 'di ka nagpakita sa 'kin sa loob ng ilang araw?"

"About that babe, may ginawa kasi akong mahalaga to surprise you." He smiled, tinignan ko naman s'ya ng may pagtataka. "Mamaya mo malalaman kung ano ginawa ko, pupunta ulit ako dito para sundiin ka. Mag-ready ka ha? Hmmm wear something comfortable, mamayang 2 pm susunduin kita dito."

"Eh?" Sabi ko habang nag-liligpit.

"No buts baby." Sabi n'ya kaya naman tumango na lang ako at nag-pout tsaka tumayo para ilagay yung mga hugasin sa lababo.

Nilagyan ko na ng dishwashing gel yung sponge nung lumapit sa 'kin si Blast at nakayakap mula sa likod ko, isinuksok na naman n'ya ang ulo n'ya sa balikat ko kaya naman eto ako nagpipigil na kiligin.

Bakit napaka-clingy ni Blast ngayon?

"Can I help you baby?" Tanong n'ya sa 'kin.

"W-wala, u-umupo ka na lang dun..." sabi ko, nabubulol na naman ako.

>0<

Blast naman eh! Wag ka ngang ganyan, kinikilig na ko masyado!!!

"Hmm... ako na lang magtutuloy n'yan babe, ikaw na lang umupo." Tapos bumitaw na s'ya sa pagkaka-yakap sa 'kin, agad naman akong nakahinga tsaka nag-give way sa kanya.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon