Chapter 42 - "Bestfriend"

128 9 1
                                    

Chapter 42

Sam's POV

Napagpasyahan ko na maglakad-lakad dito sa school, matagal na din akong hindi nakakalibot rito.

Nagulat ako nung biglang may kumalabit sa akin, agad ko iting nilingon. Nanlaki ang aking mga mata nung sobrang lapit ng mukha namin sa isa't isa. Umatras ako at ganundin s'ya.

"Bakit ka ba nangungulbit?" Masama pa rin ang pagkakatitig ko sa kanya.

"Wala lang?" Tapos ngumisi s'ya.

"Tss." Lalakad na sana ako paalis ng bigla n'yang hinila ang kamay ko payakap sa kanya.

Nagulat ako at hindi makagalaw, nakapalibot ang kanyang mga braso sa akin. Pakiramdam ko ay hindi ako makahinga, hindi ko alam kung dahil sa yakap n'ya o dahil mismo sa kanya.

"Namimiss ko na yung bestfriend ko, pwede ibalik mo na s'ya sa 'kin?" Bulong n'ya sa 'kin.

"Blaster, bitawan mo ko." Mariin kong saad sa kanya, ngunit hindi iyun ang gusto ng puso ko. Ayokong magpabitaw dahil nararamdaman ko ano mang oras ay bibigay na ako.

"Ayoko, ibalik mo muna yung Lorein na nakilala ko."

"Bibitaw ka o hindi?"

"Nope." Mas hinigpitan n'ya pa ang yakap sa akin.

"Sige na, ibabalik ko na bestfriend mo bitawan mo na ako. Para kang bata, tss."

"Areglado Master!" Binitawan n'ya naman ako.

Agad akong lumayo tsaka humarap sa kanya, "Uto-uto!" At tatakbong lumayo ng tuluyan.

Ayoko ng bumalik sa dati, kagagawa n'yo kung bakit ako naging ganito kaya bakit gusto n'yong ibalik yung mahinang ako?

Hindi ako pwedeng bumigay, wala pa akong nauumpisahan.

Hingal na hingal akong pumasok ng comfort room, napatingin ako sa salamin at nakita kong ang fresh ko pa rin kahit na tumakbo ako. Naghugas na lang ako ng kamay at lalabas na sana ng cr ng makasalubong ko sa pinto si Aisa.

"OMG! You are back, my bestfriend."

Bestfriend? Nah, I will be your best enemy and your worst nightmare at the same time.

"Yes, hindi ka ba nakarating sa ceremony?" Nakangiti kong tanong sa kanya.

"Umattend ako and I can say ang ganda ng speech mo kanina, sobrang nakakatouch."

"Really?"

"Of course we are there, right Veronica?"

Ngayon ko lang napansin na kasama pala n'ya yung nag-iisa na lang n'yang alalay.

"Yes! Sobrang ganda mo Lorein."

"Thanks! Can I go now?"

"Wait! Bakit ka bumalik dito?" Aisa asked.

"I'll tell you next time, ang pangit naman siguro kung magkwentuhan tayo sa pinto ng cr di 'ba? Ciao." Umalis na ako.

Ang hirap makipagplastikan, bakit n'ya ba kasi naisipang iinterogate ako sa may cr? Pwede ka naman magtanong sa ibang lugar di'ba? Napairap na lang ako at iritang naglakad.

Lunch na at nasa cafeteria kaming lahat na magtotropa, kasama ko ngayon sa table ay sina ate Cassie, Scarlet at Cam. Sina kuya namab ay umorder ng pagkain para sa 'min.

"Ang laki naman ng mesa natin para sa ating anim, may iba pa ba tayong kasama?" Tanong ko sa kanila, tinuro lang ni ate Cassie si Scarlet. Napatingin naman ako kay Scarlet at ngumiti lang s'ya sa 'kin. Tinignan ko si Cam at tinaas n'ya lang ang balikat n'ya.

"BESTFRIEND!" Narinig ko na naman ang salitang yan, galing namab sa ibang tao.

Word of the day ba ngayon ay BESTFRIEND? Ano bang meron?

Bigla naman napatayo si Scarlet at hinitay makalapit ang "bestfriend" n'ya sa kanya, agad n'ya itong kinutusan.

"Lakas talaga ng bunganga mo Julian!"

"Hoy! Ilang beses mo na ako kinukutusan ah."

"Ano aangal ka?"

Nagulat ako na kasama din pala ni Julian ang buong squad nila.

Bakit ba ako magugulat? Kung nasaan ang isa sa kanila, nandun din dapat ang iba.

Umupo na sila sa kung saan sila mapwesto nung tatabi sana sa akin si Blaster ng biglang dumating sina kuya na may kasunod na iba pang waiter.

Nice timing, mga kuya!

Paletter-C yung inuupuan namin, kaya kasya kaming lahat at medyo malaki. Ito kasi yung upuan para sa VIP tulad namin. Ginawa talaga ito para sa 'min lang at walang pwedeng umupo kundi kami lang.

Nung nakaraang taon ko lang pinagawa ito nung nasa ibang bansa pa ako.

May plinaplano kase ako, nalaman ko din na ilang beses may nag-attempt na umupo dito.

Guess who? It is the Wannabee Queen Bee.

Nung pinagawa ko ito, syempre pinabantayan ko din ito. Sinabihan ko sila nawalang pwedeng umupo diti ng walang pahintulot ko.

Kakain na sana kami ng biglang may umeksena.

"Oh! May mga meeting pala ng Queen and Kings ng Campus, bakit hindi ako naimbitahan?"

"Co'z you are not really part of us?" Basag sa kanya ni kuya Gemini.

"Ouch!" Umarte pa s'yang nasaktan sa sinabi nito. "Bestfriend?" She looked at me.

"Ask kuya Zendrick if he wants you here." Humarap s'ya kay Kuya.

"Let's eat," Akmang uupo na silang dalawa ni Veronica nung may idinugtong ito,"But not with you."

Umirap si Aisa sa 'min umalis ng cafeteria, nagtawa naman ang lahat ng estudyante dahil dun.

Napangisi ako napatingin naman ako kay Kuya Zenon nung sumigaw s'ya,"Nice one, Zendrick! May pakinabang talaga pagiging masungit mo minsan eh no?"

"Shut up, Zenon!"









A/N: Napaka ikli ng ginawa ko, suri na mga dzai!

Babalik ako ulit with a banger!!!! Suri slow update!!!

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now