Chapter 24 - The End is Near?

122 6 0
                                    

Chapter 24





Blaster's POV

Pagkatapos namin mag-usap ni Sam ay dumeretso na ko papasok ng kotse ko.

Buti na lang may lakad sila nina Cassie, nasaktuhan naman nilang may lakad din ako at least panatag ako na sina pinsan kasama n'ya.

Kikitain ko kasi sina Zyro may sasabihin daw kasi silang mahalaga sa 'kin, sakto naman at may sasabihin din ako sa kanila. Gusto ko na kasing itigil yung deal namin, I just realize something... I think I like her, yung totoo na.

Alam n'yo kasi yung pakiramdam na hinahanap na s'ya ng mata ko, pakiramdam ko ang lungkot pagdi ko nakikita yung mga ngiti n'ya.

Nakarating na ko ng hideout namin, madaling-madali pa ko.

Bago ako makapasok sa hideout dadaan muna ko ng garden, may mga nakatambay na Primos at binabati ako pero tango lang ako ng tango.

Pagkabukas ko ng pinto ay naka-upo na sila Zyro, Sebs at Taurus sa may sofa at nag-iinuman.

"Oh nandito na pala si Zild eh." Sabi ni Sebs, umupo naman ako sa may bakanteng upuan at kumuha ng baso.

Sinalinan naman ako ni Taurus,"Ano nga pala sasabihin n'yo sa 'kin? Bilisan n'yo gusto ko na magpahinga, tsaka may sasabihin din ako."

"Sige boss, di na kami papatumpik-tumpik pa. Bibigyan ka namin ng isang linggo, para makipaghiwalay kay Sam." Sagot naman ni Zyro.

Nagulat naman ako tinignan sila, "Tungkol d'yan---"

"Bawal umatras Blaster, yun ang pustahan--- pwede naman pala umatras pero ikaw ang mawawalan pagdi mo ginawa." Ngising sabi ni Taurus.

"Wag mong sabihin na nahulog ka na sa kanya? Aba naman boss!" Sabi naman ni Zyro at uminom naman s'ya ng alak, ganundin ang ginawa ko.

"Dalawa lang naman choice mo boss eh. Yung isa: mapupunta sa min lahat ng pinusta mo pagpinili mo yung babaing yon, yung isa naman: makikipaghiwalay ka  sa babaing 'yon." Sabi ni Sebs at tumawa pa s'ya.

Napatulala naman ako at napatingin sa baso ko nama'y lamang alak.

"Ano nga pala sasabihin mo?" Tanong sa 'kin ni Taurus.

Umiling lang ako at bumuntong hininga. Napatingin ako sa kisame, inisip kong maigi kung ano ang pipiliin ko.

Should I choose her over my reputation?

"Alam ko na kung ano pipiliin ko...

...just give me sometime."



Sam's POV

Apat na araw na din ang nakalipas nung inaya kami ni Aisa mag-shopping, friday na nga ih.

Naglalakad na ko mag-isa palabas, si Scarlet kasi may practice ng dance troupe ng school tapos si ate Cassie naman sinundo kanina nina tito kasi mayroon silang pupuntahang importante.

Nasa may parking lot na ko at tinignan ko kung nasaan ang sundo ko, tinatawagan ko yun pero di ito sumagot kaya naman hinintay ko.

Sa loob ng apat na araw na yun, di nagpaparamdam sa 'kin si Blast. Tinatanong ko si ate Cassie kung nakausap n'ya ba si Blast pero hindi naman daw.

Si kuya Kiel naman di ko na matanong kasi busy s'ya sa research nila.

Kamusta na kaya si Blast? Kahit kasi dito sa school di ko s'ya mahagilap eh.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz