Chapter 15 - I love You's

117 6 1
                                    

Chapter 15

Sam's POV

Nakasakay na ulit kami sa sasakyan ni Blast, sobrang nabusog ako sa Ice Cream.

"Uuwi na tayo?" Tanong n'ya sa 'kin.

"Ikaw bahala, ayaw mo pa ba umuwi?"

"Ayoko pa eh, punta ulit tayo sa burol?"

Sumang-ayon naman ako sa kanya, di ko ba alam parang gusto ko pa s'yang makasama eh.

Nagpatugtog na lang ulit ako gaya kanina, bigla naman s'ya nagsalita.

"Nga pala, sino nga pala kasama mo sa bahay? Nakapagpaalam ka ba?"

"Yup nakapagpaalam ako, kasama ko dun yung nag-alaga sa 'min nung bata pa ko tsaka si papa."

"Eh yung mama mo? Tsaka may mga kapatid ka ba?"

"Si Mama at sina Kuya nasa Korea, inaasikaso kasi nila dun yung kompanya namin dito. Bali kami yung na iwan dito ni Daddy."

"Oh so may kapatid ka pala? So bunso ka sa inyo?"

"Yes, actually kambal sila eh. Next time papakilala kita sa kanila." Nginitian ko naman s'ya, siguro matutuwa si Mommy pag nalaman n'yang may boyfriend na ko.

Actually, pagkaalis nina Mommy tsaka ako nag-transform into this Samantha Alcantara. Alam nila nangyari sa 'kin but di sila makauwi kasi walang maiiwan don para sa company namin dun.

Ayaw pa nga nyang pumayag eh, sabi n'ya kasi ang ganda-ganda ko daw bata papangitin ko lang pero pumayag na din naman s'ya kinalaunan nung iexplain ko ng maayos yung rason ko.

Namimiss ko na tuloy yung mga kuya ko, palagi naman kami nagtatawagan nun pero lately nagiging busy sila lalo. Meron kasi kaming tatlong company sa Korea, dalawa sa New York at isang school dito sa Pilipinas.

Sa New York naman yung mga pinsan namin nag-aayos dun, mga kapatid ni kuya Leo to be exact.

"So ang lungkot pala ng dad mo no? Nung napalayo s'ya sa mom mo?"

"Nung una oo pero palagi naman silang nag-uusap, tsaka di naman maalis yon eh."

"Magkikita-kita ulit kayo, don't worry. Hmmm... we're here na babe."

Bumaba s'ya at katulad ng nakagawian n'ya, pinagbuksan n'ya ulit ako ng pinto at inalalayan.

Pumunta ulit s'ya sa kotse n'ya may kinuha s'ya dun, ako naman nakatingin lang sa paligid.

Ang ganda talaga dito, nakakawala ng problema.

"Babe, sit here."

Pagtingin ko sa kanya, nakaupo na s'ya sa blanket. Lumapit ako sa kanya at tumabi sa kanya, tumingin ulit ako sa kalawakan.

"Hindi talaga nakakasawang tignan ang mga stars no?"

"Yup, hindi ka din nakakasawang tignan pagnakangiti ka." Katulad ng ginawa n'ya kanina, sa 'kin s'ya nakatingin imbes na sa kung saan din ako nakatingin.

"Blast, 'wag ka bumanat ngayon ah, sinasabi ko sa'yo ma-awkward-an na naman tayo." Natatawang sabi ko sa kanya.

Her 'not-so-bad' Revenge // Taennie (BANGPINK SERIES #1) ✔️Where stories live. Discover now