Special Chapter

91.8K 2.5K 414
                                    

Special Chapter

Unting-unting sumilay sa aking mga labi ang malawak na ngiti noong makita ko ang lalaking nasa entrance ng kompanya ni Orion. May masiglang boses na binati ko ang security guard na kilala ko sa mukha.

"Good afternoon." masayang bati ko habang inaayos ang balabal na nakalagay sa ulo ko kanina.

Ipinulupot ko ito sa aking mga balikat at hindi ko na ito itiniklop pa.

"Good afternoon Ma'am. Ang tagal niyo pong hindi bumisita ah?" Magiliw na bati sa akin ni Kuyang Guard.

"Oo nga eh. Sa probinsya po muna kasi kami nagbakasyon." pagbibigay alam kong sabi sa kaniya.

"Ah kaya po pala wala din si Sir noong mga nakalipas buwan." masayang sabi niya sa akin.

Magiliw na napatingin ako sa loob ng kompanya ni Orion. Noong huli kong punta dito ay hindi maganda ang nangyari pero nakaraan na iyon kaya naman wala na dapat akong intindihin.

"Kasama ko po siya." sambit ko habang inililipat sa kaniya ang tingin.

Pagkababa ko sa kotse kanina ay umalis na din si Mang Lano dahil magpapahatid din daw si Mommy sa pupuntahan niya.

"Sana all po, May bakasyon." pagbibiro na sabi ng guard.

Napangiti ako sa kaniyang sinabi sa akin. Gusto din ba niyang magbakasyon?

"Hayaan mo at sasabihin ko kay Orion na pagbakasyunin ka ng isang linggo." Sambit ko. Napansin ko ang pagsilay ng saya sa kaniyang mukha.

"Talaga po Ma'am? Sana po totoo." Excited niyang sabi. Tumango lang ako at pagkatapos ay tinapik ko siya sa balikat.

Mabait siya sa akin kaya naman akong bahala sa kaniya.

"Akong bahala." Wika ko.

Masayang tiningnan niya ang aking hawak na lunch bag.

"Nandito po ba kayo para dalhan ulit si Sir Orion ng pagkain?" tanong niya sa akin.

Tumango ako at pagkatapos ay inayos ko ang balabal ko. "Opo. Pwede na po ba akong pumasok?"

"Oo naman po, Ma'am." sambit niya.

Tinanong niya ako kung magpapahatid pa ba ako sa loob pero sinabi kong hindi na muna.

Ilang beses na akong pinilit ni Orion na puntahan siya sa kaniyang kompanya upang dalahan ko siya ng pagkain pero ngayon lang ako pumayag sa kaniya.

Noong makapasok ako sa loob ay nginingitian ko ang mga empleyado na nakakasalubong ko. Ang iba ay hindi ako pinapansin at ang iba naman ay ngumingiti sa akin. Masayang naglakad ako habang hawak hawak ang lunch bag na dala-dala ko.

Habang naglalakad ako papunta sa receptionist ay hinawakan ko ang sobrang laki ko ng tiyan. Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay anim na buwan na akong buntis.

Simula noong araw na ikinasal kami ni Sibuyas ay mas naging sweet siya sa akin. Mas lalo naming iniintindi ang isa't isa tuwing nagkakaroon kami ng konting problema. Malimit kasi akong maasar sa kaniyang mukha ngunit hindi ko naman alam ang dahilan. Kahit inaasar ko siya ay ayos lang naman ito sa kaniya.

"Miss, pwede po bang patawag kay Orion?" nakangiti kong sabi sa dalawang babae na nasa may reception area.

Sa pagkakatanda ko ay silang dalawa din ang nakausap ko dati. Kulang nga lang sila ng isa ngayon, siguro ay nasa break.

"Ikaw na naman, Miss?" tanong sa akin ng babae na mainit ang dugo sa akin.

Nginitian ko na lang siya at pagkatapos ay tumango ako sa kaniya. Kahit iniimbiyerna niya ako lagi ay papakitaan ko parin siya ng kabaitan. Baka kaya lang siya nagtataray sa akin dahil baka bitter lang siya sa buhay niya.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now