Kabanata 48

69.1K 1.9K 190
                                    

Kabanata 48

Isang buwan na ang lumipas mula noong nagkausap kami ni Driton. Pamula noon ay naging maayos na ang lahat sa amin. Hindi na niya ako kinukulit pa. Ang hiling niyang maging magkaibigan parin kami ay pinayagan ko.

Nakatambay ako sa may tabi ng puno ng mangga habang hinihimas ko ang aking malaking tiyan.

Napangiti ako ng tipid noong maisip ko ang isang bagay na nakakalungkot.

Isang buwan na ang lumipas, siguro ay masaya na si Orion sa pamilyang bubuuin niya. Kasama na niya ang babaeng totoong mas mahal niya.

Kasal na kaya sila?

Napabuntong hininga ako at pagkatapos ay napatingala sa kulay asul na langit.

Malungkot ang ngiti na hinimas ko ang aking tiyan.

"Anak, pasensya ha? Hindi kasi kita mabibigyan ng kumpletong pamilya." Malungkot na sabi ko sa aking anak na nasa tiyan pa.

"Gustuhin ko man pero ayoko namang ipagpilitan ang sarili ko sa taong iba ang pinili. Mahal ko ang ama mo pero ayokong magpakatanga." malungkot akong napatingala sa kulay asul na kalangitan. Hindi ko na napigilan ang sunod-sunod na pagbagsak ng luha.

"Hayaan mo na anak at ako na ang bahalang magpuno sayo ng pagmamahal. Kung wala ka mang ama, ako ang magiging ama at ina mo. Ipinapangako ko sayo na lahat ng atensyon at pagmamahal ko ay sayo lang."

Kakayanin kong palakihin ka mag-isa. Kakayanin ko.

"Mahal na mahal kita, anak." mahinang sabi ko habang bumabagsak sa aking mata ang mga luha.

Sa sobrang pagod ay nakatulugan ko na ang pag-iiyak.

"Amara." malamyos na tawag sa akin ng isang pamilyar na boses.

"Amara."

Naalimpungatan ako dahil sa mahinang pagtawag sa akin. Tama ba ako ng naririnig? Bakit tila boses iyon ni Orion.

Nagmulat ako ng mga mata at nakita ko ang maaliwalas na mukha ni Orion.

Gulat na napatingin ako sa kaniya. Napaupo ako at pagkatapos ay kunot noo ko siyang tiningnan.

Malakas na pagsinghap ang lumabas sa aking bibig noong makita ko siyang lumuhod sa harapan ko at pagkatapos ay may inilabas siyang sing-sing.

Kumikinang ang mga mata na tumingin sa akin ang kaniyang kulay luntian na mga mata.

"Will you marry me?" marahan na tanong niya sa akin.

Ang galit at lungkot na aking nararamdaman ay biglang naglaho.

Nakangiti na tumango ako sa kaniya. Inilahad ko sa kaniya ang aking kamay.

"Oo. Pakakasalan kita, Orion." masayang sabi ko habang lumuluha.

"Damn, thank you. I love you so much." masayang sabi niya habang tinitingnan ako.

"Mahal na mahal din kita, Sibuyas ko."

Inilagay niya sa daliri ko ang singsing at pagkatapos ay niyapos niya ako.

"I love you so much.... Shanelle." malambing niyang sabi.

Ang ngiti sa aking mukha ay nawala at pagkatapos ay humiwalay ako sa kaniyang pagkakayakap. Naguguluhan na tiningnan ko siya.

"Orion..." mahinang tawag ko at hindi ko namalayan na ang bawat luha ay bumagsak na sa aking mata.

Mahihinang hikbi ang lumabas sa aking bibig habang umiiling.

Bakit niya pa ako sinundan kung sasaktan niya lang din naman ako.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon