Kabanata 9

92.9K 2.6K 505
                                    

Kabanata 9


"Be on jail or be my slave?" malamyos na bulong niya at pagkatapos ay walang pahintulot niyang hinalikan ang aking leeg.

Mahina akong napasinghap nang maramdaman ang malambot niyang labi na patuloy na humahalik sa aking leeg.

Hindi ko naintindihan ang sinabi niya, natulala lang ako sa kisame at hindi makagalaw dahil sa ginagawa niya sa akin. Tila ba naging bato ako sa nangyayari, hindi makagalaw at wala sa sarili dahil sa mumunting halik na ipinadarama niya sa akin.

"Cazzo, mi stai facendo impazzire" sambit niya sa matigas na tono at pagkatapos ay nanlaki na lang ang aking mga mata nang naramdaman kong bumaba ang kaniyang mga labi sa aking balikat at pinatakan niya ito ng mga halik na siyang nagpa-wala sa wisyo ko.

Malakas akong napasinghap habang ipinipikit ko ang aking mga mata. Ramdam ko ang pagkabuhay ng kakaibang init sa aking katawan.

Sa mga halik niya na nakakabaliw, at nakakawala sa tamang pag-iisip.

Sa bawat halik niya ay para akong kinikiliti ng mahina at nakakapag-pakabog ng aking dibdib.

Sa bawat pagdampi ng labi niya sa aking balat ay ibang sensasyon ang dala nito sa akin.

Mahina akong napadaing nang maramdaman ko ang kamay niya sa aking puson. Masuyo niya itong hinahaplos habang patuloy niyang hinahalikan ang balikat ko.

Gusto ko siyang pigilan ngunit darang na darang na ako sa bawat halik na ginagawa niya sa akin.

Ngayon ko lang naramdaman ang sensasyon na ito. Siya lang ang lalaking nagparamdam sa akin ng ganitong pakiramdam.

Kakaiba, nakakabaliw, nakakawala sa sarili.

Namumungay ang mga matang napasinghap ako.

Bigla akong kinilabutan nang maramdaman ko ang maiinit niyang labi na sumisipsip sa aking leeg. Ilang beses niyang ginawa iyon na may halong pagsuyo.

Mariin akong napapikit sa kaniyang ginawa. Napakagat labi ako ng mariin at wala sa sariling napahawak ako sa kaniyang ulo at pagkatapos ay marahan na nasabunutan ko ang buhok niya.

"I'm so drunk but I could think straight. I'm so wasted tonight but damn, I know what I am doing. I know this is wrong but I can't help myself but to want you." may malamyos na boses na sabi niya.

Napamulat ako ng mga mata at sumalubong sa aking tingin ang kaniyang mga matang namumungay na nakatingin sa akin.

Napansin kong tinignan niya ang aking labi at pagkatapos ay kinagat niya muna ang kaniyang ibabang labi bago siya nagsalita.

"Damn, Your aesthetic beauty and luscious body are such a fuckin' temptation, and that kissable lips of yours are very attractive." wika niya sa salitang ingles na hindi ko alam ang ibig sabihin.

Namumungay ang mga matang tiningnan ko ang kaniyang mga labi. Manipis at pulang-pula ito na para bang isang rosas.

Nawala lang ang atensyon ko sa kaniyang labi nang maramdaman na marahan niyang sinapo ang aking mukha.

Titig na titig sa akin ang kaniyang berdeng mga mata habang ang mga mata ko naman ay namumungay dahil sa sensasyon na ibinibigay niya.

"Can I take your lips, il mio amore? Can we kiss and make love?" malambing niyang sabi habang ang kaniyang kamay na nasa aking pisngi ay dahan-dahan niyang inalis dito at pagkatapos ay ipinasok niya sa loob ng aking damit ang kaniyang kamay bago niya hinawakan ang aking may kalakihan na dibdib.

Naramdaman kong nilamas niya ang kanan kong dibdib. Sa ginawa niya ay bigla akong nagising sa katotohanan. Para akong binuhusan ng malamig na tubig at napunta sa realidad.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now