Kabanata 45

62.2K 1.8K 217
                                    

Kabanata 45

Lumipas ang tatlong buwan at nahahalata na ang umbok ng aking tiyan. Nalaman na din ni Donya Emily na nagdadalang tao ako at tulad nga ng sabi ni Aling Sares ay nag-hesterical ang ginang at nahimatay.

Noong magising ito ay tila himala dahil hindi na ako binubuwisit ng Donya. Minsan ay mabait na ito tuwing kausap ako.

Mas naging maalaga sa akin si Orion. Natutuwa ako tuwing nakikita siyang excited habang sinasabi niya ang mga plano niya pag lumabas na ang anak namin.

Mas napapadalas ang kaniyang pagpunta sa kompanya. Hindi tulad dati na mas madalas siya dito sa mansyon at dito niya ginagawa ang trabaho niya.

Ngayong araw ay sobrang naiinip na ako kaya napagpasyahan ko na magluto ng pagkain na dadalhin ko kay Orion. Pupunta ako sa opisina niya sa kompanya upang bisitahin siya.

Noong matapos ako sa pagluluto ay nagpaalam agad ako kay Aling Sares. Nakabihis na ako ng pang-alis kaya handa na akong pumunta kay Orion.

Lalabas na sana ako sa pinto noong bigla akong natigilan dahil tinawag ako ni Donya Emily.

"Where are you going, Iha?" tanong niya sa akin.

Humarap ako sa kaniya at pagkatapos ay nginitian ko siya ng tipid. Lumapit sa akin si Donya Emily at nakita ko ang naguguluhan niyang tingin sa akin.

"Bibisitahin ko po si Orion sa opisina niya at dadalhan ko rin po siya ng tanghalian." nakangiti na sabi ko.

Tumango siya at pagkatapos ay tiningnan niya ang dala kong maliit na lunch bag.

"Oh, Nagluto ka?" biglang sumilay sa Donya ang masayang ngiti.

"Opo." tipid kong sabi.

"May natira pa ba? Gusto kong kumain ng luto mong ulam. Nagustuhan ko kasi ang niluto mong pakbet noong isang araw." sabi niya habang lumalapit sa akin.

"Meron pa po, Donya Emily. Nasa kusina po yung niluto ko." magalang kong sabi sa kaniya.

Biglang nawala ang masaya niyang awra at unti-unti siyang sumimangot tila may hindi nagustuhan sa aking sinabi.

"Oh no, Don't call me Donya Emily. Call me Mom, Amara." sabi niya sa akin.

Nanlalaki ang mata na napatulala ako sa kaniya. Hindi ako makapaniwala na gusto niyang tawagin ko siyang Mom. Tanggap niya na talaga ako para sa anak niya?

"Po?"

"I know I been a witch mother in law. Ngayon ay gusto kong magsorry sa mga nasabi ko dati. Sana mapatawad mo ako, Iha." mahinang sabi niya at pagkatapos ay tipid siyang ngumiti sa akin.

"I thought you are a gold digger so I didn't like you for my son but now I know you. Nalaman ko na ang tunay mong ugali. You are not like the other girls who wants to be rich so they willing to get married to a rich guy. You are different woman. Nakita kong mahal mo talaga ang anak ko." hinawakan niya ang aking kamay.

"Nakita ko kung paano mo siya alagaan at ingatan nitong mga nakaraang buwan. Amara, thank you for loving my son unconditionally."

"I would want to welcome you to our family. Call me Mom, okay?" bilin na sabi niya.

Nakaramdam ako ng saya at tila para akong nabunutan ng tinik sa dibdib dahil sa sinabi niya.

"Sige po." Masayang sabi ko.

"If you are going to Orion's office then I will tell my driver to send you off to the company." nakangiti niyang sabi sa akin.

"Salamat po, M-mom." naiilang na sabi ko.

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now