Pasasalamat

60.1K 1.2K 173
                                    

Babala: Ito ay nobelang pasasalamat HAHAHA

Unang una po sa lahat, gusto ko po kayong pasalamatan sa pagsubaybay ng story ni Amara at Orion. Hindi ko po inaakala na may magbabasa pa ng mga stories na ginawa ko hahaha. Matagal po kasi akong mag-update hahhaha

Sinimulan ko pong isulat ang story ni Orion noong 2017 pa. Noong taon na iyon ko i-ni-published ang disclaimer ng The Billionaire's Sexy Whore.

Hindi nga lang nasundan ng update kasi napasabay siya sa story ni King Tyron. Mas nag-focus ako sa story ni Kamahalan at isinantabi ko muna si Sibuyas. Minsan ko lang siya i-update kaya sobrang natagalan matapos si Sibuyas. Mahigit tatlong taon bago ko siya natapos at taraaaann tapos na talaga totally kaya naman isang malaking kaginhawahan sa akin iyon HAHAHA 😂 Sobrang saya ko kasi may natapos na naman akong isang story.

Kung yung ibang writer madami na silang napublished na story sa wattpad sa tatlong taon na lumipas, ako naman ay na-stuck sa iisang kwento, pero para sa akin ayos lang kasi may tamang oras para sa lahat. Ngayon ang tamang oras para isara ang libro ni Orion at Amara. Three years in the making, sa sobrang tagal ng update alam kong marami na ang mga readers na naghintay ng sobrang tagal, at sigurado akong ang iba ay naiinis na sa akin dati HAHAHAHA peace po tayo 🤣

Anim na buwan yata akong napatigil sa pag-u-update kay Orion dahil sa trabaho. Kaya pagpasensyahan niyo na po kung sobrang tagal ng naging ud hahhaa

Ngayon tapos na at lubos po akong nagpapasalamat sa lahat ng readers na nagbasa po nito hanggang dulo. Maraming maraming salamat po talaga sa inyo. Sa lahat ng readers na walang sawang sumusuporta, nag-co-comment, nag-vo-vote, nag-pi-pm, at nag-aadd ng story na ito sa kanilang reading list at library, Mula po sa puso ang aking pasasalamat. Waaaahh, Maraming Salamat po talaga. Hinding-hindi po ako magsasawa na magpasalamat sa inyong lahat. Kaya kahit na busy gumagawa ako ng paraan upang sagutin ang mga bawat komento ninyo ♥️♥️♥️♥️

Pamula simula hanggang dulo, lagi kong nakikita ang mga username ng mga mambabasa na laging nagbibigay sa akin ng sipag upang mag-update. Nakakausap ko po kayo sa fb at alam niyo po kung gaano ako nagpapasalamat ♥️♥️ Hindi ko na po kayo iisa-isahin pa ♥️♥️ maraming maraming salamat po talaga. Kayo po ang mga taong pahahalagahan ko hanggang huli. ♥️♥️

Sa lahat po ng mambabasa ng story na ito, Kayong lahat po ang inspirasyon ko. Mabuhay po kayong lahat ♥️♥️♥️ Maraming maraming salamat po. Godbless 😊😊♥️♥️🌼


March 04, 2020
CussMeNot♥️♥️

The Billionaire's Sexy WhoreWhere stories live. Discover now