Kabanata 18

69.6K 2.2K 191
                                    

Kabanata 18

Hapon na din noong nagpasya siyang umuwi. Gabi na kami nakauwi ng tuluyan sa mansyon niya. Nangangalumata na ako dahil sa antok. Hindi naman ako nakatulog sa byahe dahil hindi ako sanay.

Bago pa ako makapasok sa mansyon ay pinigilan niya agad ako.

Hinawakan niya ang aking kamay kaya gulat akong napatingin sa kaniya. Ano na naman ang ginagawa niya?

"B-bakit?" Tanong ko habang nanlalaki ang aking mga mata.

Seryoso lang siyang nakatingin sa akin kaya hindi ko maiwasang kabahan. Bakit ganoon siya makatingin?

"Inaantok ka na ba? Can you give me a minute? Gusto muna kitang makausap." mahinang sabi niya.

"Inaantok na ako. Nag-uusap na tayo kanina. Bakit hindi mo pa sinabi?" Sagot ko.

Kanina habang pauwi kami ay nakapag-usap ulit kami tungkol sa ibang bagay.

Tinanong ko siya kung ano ang negosyo niya, kung nasaan ang mga magulang niya at kung anu-anong bagay na walang katuturan.

Nalaman kong maraming siyang negosyo. May construction firm siya, at law firm. Mayroon din daw siyang pagmamay-ari na supermarket. Noong tinanong ko kung anong pangalan noon at nagulat ako dahil isa iyong kilalang supermarket na marami ng sangay sa iba't ibang parte ng maynila. Sabi ni Sibuyas ay bago pa lang daw iyon, noong isang taon lang daw niya sinimulan. Mayroon din siyang nabanggit na may bar din daw siya.

Habang sinasagot niya ang aking tanong sa kaniya ay namamangha ako. Tama nga talaga ang hula ko na sobrang yaman niya. Isa nga talaga siyang milyonaryo o baka bilyonaryo?

May sobrang gandang mansyon ba naman? Sobra talagang mayaman iyon!

May iba pa daw siyang namanang negosyo galing sa mga magulang niya na ngayon ay nasa ibang bansa dahil inaasikaso ang mga negosyo din nila doon.

Marami na kaming mapagkwentuhan kanina pero bakit hindi niya pa sinabi? Ngayon pa kung kailang gabi na.

"I forgot to tell you." sabi niya habang nagkakamot ng batok na tila nahihiya.

Napanguso ako dahil naintindihan ko siya.

Nakalimutan pala! Inaantok na ako eh, may hang-over pa ako dahil sa kalasingan kagabi. Gusto ko ng matulog. Bakit ayaw pang ipagpabukas?

"Madali lang ba?" sabi ko at pagkatapos ay humikab ako.

Hindi ko na itinago ang paghikab ko. Ibinuka ko pa nga lalo ang bibig ko para makita niyang inaantok na talaga ako.

Sus, hindi naman ako pabebe para itago pa sa kaniya ang pag-hikab ko dahil sa antok.

"Yes. Mabilis lang." sabi niya at sunod noon ay lumapit siya sa akin.

Medyo nataranta ako kaya marahan akong lumayo sa kaniya upang hindi kami tuluyang makapag-lapit.

Ayoko siyang maging malapit sa akin..dahil may nararamdaman akong kakaiba tuwing lumalapit siya sa akin.

Lalayo pa sana ako ng sobrang layo pero natigilan ako dahil nakahawak parin pala siya sa aking kamay. Ngayon ko lang naalala at naramdaman ang kamay niya.

Nanlaki ang aking mga mata.

"S-Sige. Ano b-bang pag-uusapan natin?" hindi ko naitago ang pagiging utal ko dahil sa pagkataranta.

Panandalian siyang umiwas ng tingin at pagkatapos ay medyo humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.

Hindi naman iyon masakit kaya pinabayaan ko na, pero hindi ko maipagkakaila na halos sumabog ang puso ko dahil sa kaba.

The Billionaire's Sexy WhoreTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon